embed embed2
  • It Takes A Village To Raise A Child, Ma! Huwag Kang Matakot, Hindi Ka Nag-Iisa

    Nasaksihan namin ang pagtutulungan ng mga nanay sa isa sa aming mga Facebook posts.
    by Ana Gonzales .
It Takes A Village To Raise A Child, Ma! Huwag Kang Matakot, Hindi Ka Nag-Iisa
PHOTO BY iStock
  • Aminin man nating mga nanay o hindi, malimit hindi tayo magkasundo pagdating sa pagpapalaki sa ating mga anak. Iba-iba kasi tayo ng mga paniniwala, pamamaraan, choices, at kakayahan.

    Pero sa isang pambihirang pagkakataon, nakita namin na tunay ngang 'it takes a village to raise a child'.

    What other parents are reading

    Dumagsa ang good vibes, encouraging comments, at payong kaibigan sa isa sa aming mga Facebook posts patungkol sa kung gaano kahirap at nakakapagod ang maging nanay.

    Hango ang post sa isa sa aming mga articles na nagmula naman sa isang #SPConfessions na ipinadala sa amin.

    Ikinwento sa amin kamakailan ng isang nanay na minsan, nagsisisi siyang nagkaroon siya ng mga anak. Marahil dala na rin ng sobrang pagod at hirap, lalo na sa panahon ngayon, kaya nasabi ni mommy ang mga nasabi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa halip na husgahan, gaya ng madalas na nangyayari ngayon sa social media, dinagsa si mommy ng suporta at pagmamahal mula sa mga kapwa niya magulang.

    Kung nalulungkot ka at pakiramdam mo ay hindi ka na makaahon sa pagkalugmok mo, basahin mo lang ang mga advice na ito ng mga nanay.

    What other parents are reading

    Words of comfort kapag nawawalan ka na ng pag-asa

    "Kung pagod ka na, huwag kang mag-atubiling magpahinga."

    Ilang beses ka na bang iginupo ng pagod? At ilang beses mo nang hindi pinahintulutan ang sarili mo na magpahinga?

    Sabi ng mga nanay, kapag pagod ka na, magpahinga ka. Walang taong hindi napapagod. Huwag kang magpakadakila. Dahil ang pagiging mabuting anak ay bunga ng pag-aalaga mo sa sarili mo.

    Payo pa ng mga working mommies, iwasan mong sagarin ang sarili mo. Wala itong maidudulot na maganda para sa iyo.

    "Huwag mong piliting kontrolin ang lahat ng bagay."

    Hayaan mo munang maging makalat ang bahay, kung ibig sabihin nito ay magkakaroon ka ng ilang minuto para ipahinga ang pag-iisip at katawan mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Umorder ka ng pagkain sa labas kung may budget naman, kung ibig sabihin nito ay makakaidlip ka sandali.

    Huwag mong piliting ilagay sa iyong control ang lahat ng nasa paligid mo. Sa halip kasi na makatulong ito, maaari pa itong makasama sa iyong mental health.

    "Humingi ka ng tulong."

    Tanong ng mga nanay, sino bang nagsabi sa iyo na solohin mo lahat ng bigat sa dibdib mo? Kung kailangan mo ng tulong, huwag kang matakot hingin ito. Walang masama sa pag-aming hindi mo na kaya. Walang masama sa pag-amin na kailangan mo ng tulong.

    Sabi pa ng mga nanay, kung single mom ka, makakahanap ka ng katuwang sa mga mommy friends na kapareho mo ang sitwasyon.

    Makakahanap ka ng mommy friends na tulad mo sa mga Facebook groups tulad ng Smart Parenting Village, Glam-O-Mamas, at Filipina Homebased Moms. Sa katunayan, napakarami nang mommy friendships ang nabuo mula sa mga grupong ito. Iba-iba man ng paniniwala, iisa lang tayo ng goal—ang makapagpalaki ng malulusog at masasayang mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "It's okay not to feel okay."

    Hindi kaartehan at kahinaan ang mapagod o malungkot. Sabi ng mga nanay, okay lang na makaramdam ng mga ito. Tao ka lang din, mayroon kang mga kahinaan. Sa pag-amin mo sa iyong mga kahinaan ka lalakas. Sa pagharap mo sa mga hindi mo kaya ka makakabangon.

    "Hindi ka nag-iisa."

    Halos lahat ng mga nanay na nag-comment sa post ay nagsabing sila rin daw ay nakakaramdam ng labis na kapaguran at pagkabalisa, lalo na sa panahong ito na walang kasiguraduhan ang maraming bagay.

    Kaya naman makakatulong o makakapagpagaan ng loob mo kung tatandaan mong hindi ka nag-iisa. Hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng takot, pagod, at pag-aalala. Makakatulong ang pakikipagkwentuhan sa mga kapwa mo nanay para maibsan ang mga nararamdaman mong pangamba.

    Sa bandang huli, iba-iba man tayo ng paniniwala pagdating sa pagpapalaki sa ating mga anak, pare-pareho naman tayo ng nais, ang mapabuti ang mga kalagayan nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Payo ng mga nanay, huwag kang magpatalo sa takot at lungkot. Malakas ka. Hindi ka nag-iisa. Kaya mo 'yan, Ma!

    What other parents are reading

    Kung matagal ka nang dumaranas ng matinding kalungkutan, pagkabalisa, at kawalan ng pag-asa, maaaring sintomas na ito ng depression. Kumonsulta ka na agad sa mga medical professionals lalo na kung nakakaramdam ka rin ng kagustuhan saktan ang iyong anak o ang iyong sarili.

    Pwede mong tignan ang listahan na ito para sa mga institusyong may libre o abot-kayang psychiatric services.

    Hindi ka nag-iisa. Maaari kang sumali sa aming online community na Smart Parenting Village para makasalimuha mo ang iba't-ibang uri ng ina at maramdaman mong mayroon kang kasama sa kabila ng mga hamon na kaakibat ng pagiging nanay.

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles