-
The Things We Do For Good Vibes: Kulitan At Kung Anu-Ano Pang Pauso Ng Mga Nanay
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Noon pa man, madalas na talagang mangamba ang mga magulang pagdating sa kalusugan ng kanilang pamilya. Ngayon, mas nakakatakot na ang panahon dahil bukod sa hindi natin alam kung anu-ano ang mga pwedeng mangyari, mayroon na rin tayong tinatawag na 'new normal' dahil sa banta ng COVID-19.
Halos dalawang buwan din tayong namalagi sa ating mga bahay para mapigilan ang pagkalat ng virus. Pero kahit na ilang linggo na lang ay aalisin na ang enhanced community quarantine, hindi pa rin maaalis ang pangamba sa mga magulang.
Ngunit sa kabila ng lahat ng takot, pangamba, at anxiety na nararamdaman ng mga magulang ngayon, lalong-lalo na ang mga nanay, patuloy pa rin silang gumagawa ng paraan para gumaan ang loob ng kanilng mga mahal sa buhay.
Bakit nga ba mahalaga ang good vibes ngayon?
Nakakahawa ito
Ito ang nakakahawa na welcome sa ating lahat. Sabi nga nila, spread good vibes, not the virus. Kaya naman hit na hit talaga ngayon ang mga challenges na makikita mo sa mga social media platforms.
Nakakapagbigay ito ng pag-asa
Minsan, nakakapagod na ring manood ng balita. Minsan, nakakaoverwhelm na rin na puro bad news ang nakikita natin. Mahirap nga namang hindi mag-alala kung puro na lang masasamang balita ang napapanood mo.
Sa mga good vibes at kalokohan tayo nakakahugot ng pag-asa. Nakakapagbigay ito ng pakiramdam na sa kabila ng lahat ng nangyayari, hindi tayo dapat sumuko at sama-sama tayo dahil iisa lang ang pinagdadaanan natin.
Nakakaganda ito ng mood
Mahirap ang nasa loob lang ng bahay 24/7, lalo na kung may kasama kang malilikot na bata, limitado ang budget mo, at hindi pa kayo magkasundong mag-asawa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPero aminin mo, kapag katuwang mo ang pamilya mo sa kalokohan, parang gumagaan ang mabigat na mood sa ating kapaligiran.
Things we do to be happy ngayong ECQ
'Yan ang tawag ni mommy Din Real Bautista, ng aming Smart Parenting Mom Network, sa mga activities nilang mag-ina ngayong nasa bahay lang tayong lahat dahil sa COVID-19.
Isa nga sa mga kalokohan at pakulo nila ay ang usong-uso ngayon na #PillowChallenge—nagtrending ito sa photo-sharing social media app na Instagram kamakailan.
"Nakita ko na trending sya online. Then wala pa ako nakita na twinning. Since twinning mom and baby kami, I thought of a perfect way to go #QuaranTwinning is to do this #PillowChallenge," kwento ni mommy Din.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosIto naman ang kanilang behind-the-scenes. LOL!PHOTO BY Din Real BautistaGame na game ding sumali si mommy Brycelyn Tucker-Tiburcio, na miyembro rin ng SP Mom Network! Summer-inspired naman ang Pillow Challenge nila ng baby niya.
Bukod pa sa Pillow Challenge, ginawa na rin ng SP Mom Network ang #PassTheBottle challenge, kung saan glammed up at naggagandahan ang ating mga nanay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsa ito sa mga nakaka-good vibes na paraan para i-uplift ang mga nanay ngayong karamihan sa kanila ang doble pagod ngayong ECQ.
Nauuso rin ngayon ang #HomeHaircutChallenge dahil na rin sarado ang mga salons. Kahit ang mga celebrities katulad nina Bianca Gonzalez at Marian Rivera ay naki-join na rin dito. Mayroong mga epic fails at mayroong mga nakakagulat na maganda ang naging itsura.
Ilan lamang ang mga iyan sa mga pampasaya ng mga nanay ngayong binago na ng banta ng COVID-19 ang ating mga buhay. Sa halip nga naman na magmukmok, mag-alala at labis na malungkot, piliin na lang natin ang pagtingin sa silver lining.
Para sa ating maswerte dahil ang problema lang ngayon ay boredom, kailangan nating maghanap ng paraan para makatulong sa ating kapwa na mas nahiihirapan.
Kayo, anu-anong mga pakulo ninyo sa bahay para gumaan ang inyong mga loob? Paano kayo nagpapakalat ng good vibes? I-share niyo lang iyan sa comments section.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara sa iba pang mga kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments