-
Tanong Ng Isang Padre De Pamilya: Pagiging Under De Saya Ba Ang Pagtulong Sa Bahay?
Minsan, hindi na rin alam ng mga tatay kung saan sila lulugar.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.
Alam niyo bang hindi lang mga nanay ang nahuhusgahan? Maging ang mga padre de pamilya ay hindi rin ligtas sa pagka-judgmental ng iba.
May ilan sa kanila ang tinatawag na 'under de saya' o iyong sunod-sunuran lang sa gusto ng asawa nila dahil mas inuuna nilang asikasuhin ang pamilya nila. Tanong ng ilang mga tatay na miyembro ng aming online community, hindi ba ganoon naman dapat? Narito ang #SPConfessions na ipinadala sa amin ng isang tatay.
#SPConfessions: Masama bang maging responsableng asawa at ama?
Sa panahon ngayon, mas nagiging involved na ang mga tatay na tulad ko sa pag-aalaga ng bata at pag-aasikaso sa bahay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTumutulong na kami sa mga household chores at humahalili kay mommy kapag tapos na siyang magpadede.
Sa aming mag-asawa, napagkasunduan namin na siya ang bahala sa bata. Gusto ko kasing tutok siya kay baby at makapagconcentrate siya sa breastfeeding. Ako naman ang bahala sa lahat ng mga gawaing bahay. Cesarean kasi ang asawa ko. Alam kong kung hahatian ko pa siya sa gawaing bahay, baka mas maging matagal ang pag-recover niya.
Pareho naman kaming naging okay sa desisyon na ito. Simula nang manganak siya, hindi ko na pinabayaang may gawin pa siyang mabibigat sa bahay.
Noon una ay okay lang. Walang kaso sa akin. Basta nakikita kong maayos ang mag-ina ko, walang problema sa akin kahit ako lahat sa bahay.
What other parents are reading
Pero bumibigat ang dibdib ko dahil sa mga taong nakapaligid sa amin. Kapag nakikita nila akong gumagawa ng mga gawaing bahay tulad ng pagluluto, paglilinis, at paglalaba, tinatanong nila ako kung bakit ako ang gumagawa ng mga iyon. Bakit daw hindi ang asawa ko o hindi kasambahay?
CONTINUE READING BELOWwatch nowKapag ba ang padre de pamilya ay kumikilos sa bahay, matatawag na ba siyang under de saya? Pagtatrabaho lang ba ang role ng tatay sa pamilya? Pera lang ba ang pwede niyang iambag?
Minsan, hindi ko maintindihan ang mga tao. Kapag tumutulong ka sa asawa mo, 'tigas' ka—tiga-saing, tiga-laba, tiga-walis, at iba pa. Kapag naman hindi ka tumulong, batugan ka. Minsan, hindi ko na rin alam kung saan ako lulugar.
What other parents are reading
Buti na lang, laging sinasabi sa akin ng asawa ko na ang mahalaga ay kung ano ang tingin nilang mag-ina sa akin at hindi ang pananaw ng iba.
Kung nararanasan mo rin ito bilang tatay, sana alam mong hindi ka nag-iisa.
What other parents are reading
Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin nito.
Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments