celebrity,celebrity moms,social media,Sheena Halili,Proud Si Sheena Halili Sa Taglay Niyang 'Gandang Lumalaban',celebrity mom, self-love mom, social media moms, instagram moms, relatable motherhood,Maraming nanay ang relate sa unfiltered post ni Sheena Halili tungkol sa pagiging isang ina.
ParentingReal Parenting

Para Kay Sheena Halili, 'Gandang Lumalaban Sa Puyat At Pagod' Ang Taglay Niya Bilang Nanay

Maraming nanay ang relate sa appreciation post ni Sheena Halili para sa sarili.
PHOTO BYinstagram/mysheenahalili

Hindi madali ang pagiging isang ina. Ika nga nila, 24/7 ang trabaho ng mga nanay. Kaya naman, madalas, hindi "picture-perfect" ang kanilang ayos dahil mas inuuna nilang ayusin ang mga responsibilidad nila sa pamilya. Pero hindi ito nangangahulugan na kumupas na ang taglay nilang ganda.

Ito ang pinatunayan ng celebrity mom na si Sheena Halili sa kaniyang Instagram post noong Jan. 28, 2022. Sa kaniyang larawan, kita ang aktres na walang make up. Pero sa likod ng simpleng postura, ibinahagi niya kung gaano siya sa ka-proud sa kagandahang mayroon siya bilang nanay at asawa. May isang anak si Sheena sa asawa na si Jeron Manzanero.

Aminado si Sheena na may nararamdaman din siyang inggit tuwing nakakakita ng mga larawan ng ibang nanay online. "Habang inggit na inggit ako sa mga nanay na napaka ganda ng mga pictures sa social media. Ganitong ganda na muna ang hatid ko sa inyo," ani ng aktres.

"Gandang lumalaban" ang taglay ng mga nanay

Hindi man glamoroso, ipinagmalaki ni Sheena ang realidad at kagandahang mayroon ang isang ina. Ito ang tinatawag niyang 'gandang lumalaban.' "Gandang lumalaban sa puyat at pagod at hirap ng pag-iisip anong uulamin namin next week, anong mga dapat i’online grocery, gandang isip ng isip paano mapapaluwag ang bahay namin dahil napaka-likot na ng anak ko, anong activity at pagkain ng anak kong gusto ng blw at nagpapaka montessori approach," paliwanag niya.

"INA-appreciate ko ang sarili ko dahil sa totoo lang ngayon lang ako nag-mahal, nag-tiis at naging dedicated sa ginagawa ko."

Dagdag pa ng aktres, "masakit pa wisdom tooth ko dyan ha! #gandanglumalaban gandang nagdadasal na sana wag munang magising si Martina at magkakape muna ako ng mainit." (Basahin dito ang relatable ding post ni Lara Quigaman tungkol sa buhay nanay)

watch now

Oo, mahirap at nakakapagod ang pagiging ilang ng tahanan, pero para kay Sheena, malaki ang naitulong ng kaniyang role bilang isa ina sa anak na si Martina sa kaniyang journey to self-love.

Ani Sheena, "Haha nakakatawa na INA-appreciate ko ang sarili ko dahil sa totoo lang ngayon lang ako nag-mahal, nag-tiis at naging dedicated sa ginagawa ko."

Sa huli, hiling niya ang hiling ng marami na, "Pandemic sana matapos kana para naman makalaya na kaming lahat."

Sa comment section, marami ang nagsabing nakaka-relate sila kay Sheena, mayroong relate sa pag-iisip ng ulam at mayroon din agree bawat nanay ay may 'gandang lumalaban.' 

 

article image
PHOTO BY instagram/mysheenahalili
article image
PHOTO BY instagram/mysheenahalili
article image
PHOTO BY instagram/mysheenahalili

Paano i-handle ang pressure ng pagiging isang ina

Maituturing ngang "juggling act" ang pagiging nanay. Mula sa paglilinis ng bahay, pag-aalaga ng mga bata, pagiging asawa, at sa ibang pagkakataon, pag-aasikaso sa negosyo o trabaho, lahat ng ito ay pinagsasabay gampanan ng mga ina. Bukod pa sa bigat ng mga gawain, may pasan din silang "pressure" na tila bawal magkamali at kapuna-puna kung magmukha silang "losyang."

Sa isang Smart Parenting article, ibinahagi ng ilang nanay ang kanilang paraan kung paano ang i-handle ang pressure na ito.

Para sa new mom na si Cheska Josue-Castillo, mahalaga ang pagtabi ng oras para sa sarili o iyong tinatawag na 'me-time.' Ang pagpapahalaga sa sarili ay importanteng bahagi ng pagiging magulang. Kung mas naaalagaan ang sarili, mas nagkakaroon rin tayo ng lakas na humarap sa mga hamon ng buhay. Ika nga ng kasabihan, "you can't pour from an empty cup."

Ang single mom naman na si Rebie Asistio, sa pag-eehersisyo humuhugot ng lakas. Pagbabahagi niya, "Once every week, I make it a point that I have at least an hour just for myself to either turn the music up and dance or box my stress away.”

Si Mommy Leona Maxene naman, hinihikayat ang mga mommy na manatiling magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. "At one point, I thought I lost my identity when I became a mom. I didn't imagine how exhausting it was especially for the first year, but as time went by it became more and more rewarding for me slowly realizing how blessed I am to have my daughter," ani Leona.

May pagkakataon talagang hindi maiiwasan na maikumpara ang sarili natin sa iba na tila mas maayos at hindi hirap sa kanilang kalagayan. Pero kung mas pagtutuunan ang pagpuna ng kung anong mayroon ang iba, maaaring hindi na natin mapansin ang kagandahan na mayroon din tayo sa ating buhay.

Kaya mommies, magtiwala na tulad ni Sheena, may taglay kang #gandanglumalaban!

Para manatiling positibo, basahin dito ang mga motherhood lessons na natutunan ni Andi Eigenmann.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close