toddler,developmental milestones,baby milestones,Tagalog,ask the doctor,greener,board of experts,baby milestones 12 months,Dr. Faith Alcazaren, Pediatrician,Baby Milestones 12 Months | Smart Parenting,child development stages, developmental milestones, 1 year old baby milestones, baby milestones, baby milestones 12 months, growing baby, toddlers, pag-aalaga ng bata,Pagkalipas ng isang taon pagkapanganak, ganap ng toddler ang iyong anak at handa na siya sa baby milestones 12 months.
ParentingToddler

6 Paraan Para Mahasa Ang Kakayahan Ni Baby Sa Milestones Pang Edad 12 Months

Ano na ang mga nagagawa ni baby pagkalipas ng isang taon pagkapanganak?
PHOTO BYFreepik

Paglipas ng isang taon pagkapanganak, pihadong nasaksihan at natuwa kang maabot ng iyong anak ang infant milestones month by month. Handa na siya ngayon sa baby milestones 12 months habang patuloy ang kanyang paglaki.

"Congratulations, your baby is now officially a toddler!" ika nga ni Dr. Faith Alcazaren, isang pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts. Mas nagiging curious at mas marami na siyang magagawa alinsunod sa developmental milestones. Kaya kadalasang mas kumukulit at naglilikot na rin ang anak.

Ano ang developmental milestones?

Paliwanag pa ni Dr. Alcazaren na ang developmental milestones ay mga set ng "age-specific validated checkpoints on behavior and physical development." Ito ang mga skills na nagagawa ng karamihan sa mga bata, pero wala pang 75%, ayon sa CDC guidelines.

Kahit na may nakatokang developmental milestones sa partikular na mga edad, diin ng pediatrician na hindi "hard deadlines" ang mga ito. Ibig sabihin, hindi naman kailangan sa eksaktong edad nagyayari ang mga ito. Kaya hindi kailangang ma-stress ng magulang kung hindi pa kaagad maabot ng anak ang developmental milestones.

Lahad ni Dr. Alcazaren, gabay o guide lamang ang developmental milestones. Sinasabi lang ng mga ito ang uri ng stimulus na angkop sa edad, pati na ang environment, na makakatulong sa development ng anak. Nagsisilbi rin ang mga ito na "checkpoint" para matukoy ang mga kakaibang senyales, o red flags.

Paalala ng pediatrician na maaabot din ng mga sanggol at bata ang developmental milestones sa tamang panahon, basta mabigyan sila ng "proper environment, stimulus," at mga oportunidad na magawa ang mga ito. Pero kung may mapapansing red flags, mainam na komunsulta sa doktor.

Paliwanag pa ni Dr. Alcazaren na mahalaga ang early intervention dahil patuloy pa ang paglago ng utak, o brain, at pag-aayos ng neural pathways. Napakabilis nitong nangyayari sa unang limang taon ng bata. Kaya maaagapan pa kung may delay man sa development ng anak, basta huwag matakot na sumangguni sa developmental pediatrician, kung kinakailangan.

Baby milestones 12 months

Narito ang ilan pa sa mga kakayahan na inaasahang maabot ng toddler, base rin sa pinakabagong guidelines ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at American Academy of Pediatrics (AAP). Paalala lang na may kanya-kanyang pace ang bawat sanggol. (Basahin dito kung ano ang mga nabago sa guidelines.)

watch now

Social/emotional milestones

  • Nakikipaglaro ng games, tulad ng pat-a-cake

Language/communication milestones

  • Kumakaway para magbabay, o magsabi ng “bye-bye”
  • Tumatawag sa magulang ng “mama," “dada,” o iba pang espesyal na pangalan
  • Naiintindihan ang salitang "hindi" o "no," kaya natitigilan kapag naririnig ito

Cognitive milestones

May kinalaman ang mga ito sa pagkatuto (learning), pag-iisip (thinking), at pagresolba ng problema (problem-solving).

  • Kaya nang maglagay ng mga bagay sa container, tulad ng toy block sa tasa
  • Hinahanap ang bagay na tinatago mo sa kanya, gaya ng laruan sa ilalim ng kumot

Movement/physical development milestones

  • Kayang itulak ang sarili patayo
  • Naglalakad habang humahawak, halimbawa, sa mga upuan
  • Nakakainom sa baso na walang takip
  • Nakakapulot ng bagay gamit ang hintuturo (thumb) at panturong daliri (pointer finger), gaya ng maliliit na piraso ng pagkain

(Basahin dito ang iba pang 1-year-old baby milestones.)

Tips mula sa pediatrician

1. Bigyan ang anak ng mga pagkakataon na maensayo ang kanyang balanse.

Karamihan sa mga batang nasa edad 12 months ay kaya nang maglakad basta may mga nahahawakan, at merong iba sa kanila na kahit walang hawak. Kaya suhestiyon ni Dr. Alcazaren na bigyan ang iyong anak ng ligtas na lugar para maglakad.

Pero, aniya, hindi rekomendado ng mga tulad niyang pediatrician ang paglalagay kay baby sa walker. Hindi rin daw kasi nakakatulong ang walker sa paghubog ng "good sense of balance" ni baby. Hindi nga makita ni baby ang sariling mga paa habang nasa walker.

Dagdag pa ni Dr. Alcazaren na puwede ring malagay sa panganib si baby dahil sa walker at maaari pang magkaroon ng hip dysplasia. Ito ang nangyayari kapag napaupo si baby sa walker at masyadong maiksi ang mga biyas niya para abutin ang sahig.

2. Gumawa ng "push and pull toys" para kay baby.

Nahihilig ang mga bata sa ganitong edad sa mga laruan na puwede niyang itulak at kabigin. Imbes na bumili pa ng laruan, makakagawa ka gamit ang mga kahon ng sapatos at mga basyo ng baby food. Pagsama-samahin ang mga ito gamit ang malambot na tali, tulad ng yarn.

Kapag hinila mo ang tali, makakagawa ng tunog ang mga pinagsama-samang mga bagay. Maganda itong paraan para mahasa ang sense of wonder ni baby.

3. Ituro kay baby ang mga parte ng katawan.

Sa ganitong paraan, maipapaliwanag mo sa anak na may pangalan ang bawat bagay.

4. Gumawa ng pillow obstacle course.

Maeenganyo si baby na gumapang, tumayo, at maglakad sa mga hinilera mong unan. Malaking tulong ito para tumibay ang kanyang muscles.

5. Bigyan si baby ng mga laruan na umiikot at gumugulong.

Idagdag pa ang mga bagay na puwedeng tusukin, ipaikot, o di kaya pagpatungin. Matututunan ni baby na may kanya-kanyang kakayahan ang bawat bagay.

6. Gumawa ng "blind bag."

Nakalagay sa bag na ito ang marami at iba-ibang mga bagay. Mainam itong dalhin sa biyahe at gamitin na activity para matulungan ang anak abutin ang baby milestones 12 months. Ilabas lang isa-isa ang laman ng bag at sabihin kay baby kung ano ang mga ito.

Basahin dito ang 13 month milestones at dito ang 14 month milestones.

 

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close