milestones,toddlers,developmental milestones,Tagalog,ask the doctor,greener,13 month milestones,board of experts,Dr. Joey Cuayo-Estanislao, Pediatrician,13 Month Milestones | Smart Parenting,raising kids, parenting tips, developmental milestones, developmental milestones checklist, 13 month milestones, baby milestones,Paglampas ng 1 year old ng bata, patuloy ang kanyang paglaki at pagtuklas ng mga kakayahan tulad ng 13 month milestones, tulad ng pagiging mas curious.
ParentingToddler

Sobrang Curious Ng Bata Sa Edad 13 Months: May Payo Ang Pedia Para Maabot Ang Milestones

Marunong na rin ang toddler na makisimpatya.
PHOTO BYfreepik/jcomp

Sa paglipas ng isang taon, magpapatuloy ang mga nasimulang gawin ni baby sa infant milestones month by month, partikular noong 12 months old. Handang-handa na talaga siya sa 13 month milestones hanggang 1 year old milestones.

Mapapansin mo ang anak na mas nagkikilos at nag-uusisa, o nagiging mas mobile at curious, ayon kay Dr. Joey Cuayo-Estanislao, isang pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts. Mas nakikipag-usap na rin si baby sa pamamagitan ng verbal expressions at gestures habang natututo siyang magsalita.

Paalala ni Dr. Cuayo-Estanislao na may sariling bilis, o pace, ang bawat bata kahit pa sabihing may typical age ang bawat developmental milestone. Kaya mahalaga na sumangguni sa pediatrician na tumitingin sa anak nang masubaybayan ang paglaki ng bata.

13 month milestones

Dahil toddler na si baby, narito ang mga kadalasang nagagawa sa ganitong edad batay sa guidelines ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC):

1. Social/emotional milestones

  • Paglalaro ng games, tulad ng pat-a-cake

2. Language/communication milestones

  • Pagkaway ng babay, o "bye-bye"
  • Pagtawag sa magulang ng "mama," "dada," o di kaya iba pang special name na sinasabi ng bata
  • Pag-intindi sa "hindi" o "no," tulad ng pagtigil niya pag sinabihan mo ng ganitong mga salita

3. Cognitive milestones, sakop nito ang pagkatuto (learning), pag-iisip (thinking), at paglutas sa problema (problem-solving)

  • Paglalagay ng mga bagay, gaya ng building blocks, sa lagayan nito
  • Paghahanap sa mga bagay na nakikita niyang tinatago mo sa kanya

4. Movement/physical development milestones

  • Pagtungkod para makatayo
  • Paghawak sa mga muebles o iba pang kagamitan para makapaglakad
  • Pag-inom sa tasa o baso na walang takip at hawak mo para sa bata
  • Pagpulot sa mga bagay, gaya ng maliit na piraso ng pagkain, gamit ang hinlalaki (thumb) at hintuturo (pointer finger)

Sa ganitong edad din, ayon naman sa Raising Children, sinusubukan ng toddler ang iba-ibang paraan para gawin ang isang bagay. Halimbawa, pagpapatong-patungin ang building blocks para makabuo ng tore pero bigla rin niya itong guguhuin para gumawa ng iba pang bagay.

watch now

Gusto raw talaga ng toddler na mag-explore, kaya mas nakikipaglaro na rin siya sa iba pang mga bata.

Mapapansin mo namang nagiging malambing o mas malambing ang anak mo sa iyo at sa iba pang mga tao na pamilyar sa kanya. Andiyan ang panay niyang paghawak at may pagyakap pa. May mga pagkakataon tuloy na humabol na siya sa iyo kapag aalis ka. Nagpapakita na siya ng separation anxiety.

Nagsisimula na ring magpakita ang toddler ng empathy. Ito ang kakayahang maintindihan at mabahagi ang nararamdaman ng ibang tao. Kaya kapag nakakakita siya ng umiiyak, halimbawa, nagiging malungkot siya o di kaya naiinis.

Samantala, nagsisimula na rin ang toddler na matutong kumain mag-isa. Nakakanguya na siya nang maigi, kaya makakain na niya ang pagkain ng mga kasama niya sa bahay. Paalala lang ng UNICEF na ipagpatuloy pa rin ang pagbibigay sa anak ng breast milk kung ikaw ay nagpapadede. (Basahin dito ang benepisyo ng extended breastfeeding.)

Para sa kanyang solid food, maaari mo siyang bigyan ng hanggang 1 cup ng tatlo o apat na beses kada araw. Idagdag pa ang isa o dalawang snacks sa pagitan ng regular meals. Iwasan lang ang pagbibigay ng junk food at soft drinks sa bata. Sa halip ay bigyan siya ng prutas at iba pang masustansyang pagkain (basahin dito).

Tips mula sa pediatrician

Para matulungan na maabot ng anak ang 13 month milestones, tulad ng pagbigkas ng mga salita, payo ni Dr. Cuayo-Estanislao na turuan ang bata kung paano tawagin nang tama ang mga bagay. Mainam itong gawin kung nagkukuwento habang may ginagawa kayong activity.

Sa paliligo ng toddler, halimbawa, puwedeng mo sabihin sa anak: "Shina-shampoo na natin ngayon ang buhok mo! Tignan mo ang mga bula! Wash, wash, wash our hair!”

Dagdag pang payo ni Dr. Cuayo-Evangelista na suriin ang babyproofing measures sa inyong bahay. Malikot na kasi ang toddler at talaga namang curious. Gusto na rin niyang maging independent, kaya ayaw na magpaghawak kung minsan kahit akma siyang tutumba. Kaya mainam na ligtas ang babagsakan niya, sakaling matumba siya o di kaya meron siyang mahablot na bagay.

Ika nga ni Doc, asahan nang maging clumsy at madalas ang pag-explore ng anak gamit ang kanilang mga kamay at paa, pati na ang bibig.

Payo pa ng pediatrician na sikaping andiyan ka para sa anak, magkaroon ng interaction sa kanya at kausapin siya. Hayaan siyang maglaro at mag-explore basta ligtas ang lugar.

Ipagpatuloy din ang inyong reading time at hikayatin ang kanyang curiosity dahil parang sponge ang toddler. Madali niyang naa-absorb ang information, na malaking tulong sa pag-abot ng 13 month milestones at paghahanda sa mga susunod pa.

Basahin dito ang 14 month milestones.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close