embed embed2
  • Sumusunod Sa Simpleng Utos, Kumakain Mag-Isa, At Iba Pang 14 Month Milestones

    Kukunin ng toddler ang bola, halimbawa, kapag sinabihan mo siya.
    by Jocelyn Valle .
Sumusunod Sa Simpleng Utos, Kumakain Mag-Isa, At Iba Pang 14 Month Milestones
PHOTO BY freepik/pch.vector
  • Pagkatapos malampasan ang infant milestones month by month hanggang 13 month milestones, patuloy lang si baby sa paglaki at paglago habang inaabot ang 14 month milestones.

    Sa ganitong edad, ayon kay Dr. Joey Cuayo-Estanislao, mapapansin mo na bumubuti ang language skills ng anak. Paliwanag ng pediatrician na mas kaya na ng bata na ihayag ang sarili (express him/herself) sa pamamagitan ng pagamit ng mga salitang kaya na niyang bigkasin. Mas kaya na rin niyang maintindihan ang sinasabi sa kanya (tinatawag itong receptive language).

    Gamit ang ganitong skills, ayon pa kay Dr. Cuayo-Estanislao na miyembro ng Smart Parenting Board of Experts, nagsisimula na ang bata na makasunod sa mga simpleng utos. Isang halimbawa ang pagkuha ng bola kapag sinabihan mo ng "Get that ball."

    Bukod sa language skills ng bata, bumubuti rin ang kanyang cognitive skills at motor skills. Nasa punto siya kung saan mas sinusubukan na niyang lumabas sa kanyang boundaries at maghanap pa ng independence.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paalala lang ni Dr. Cuayo-Estanislao na may sariling bilis, o pace, ang bawat bata kahit pa sabihing may typical age ang bawat developmental milestone. Kaya mahalaga na sumangguni sa pediatrician na tumitingin sa anak nang masubaybayan ang paglaki ng bata. (Basahin dito ang developmental milestones checklist.)

    14 month milestones

    Bilang toddler, narito ang mga kadalasang nagagawa sa ganitong age group batay sa guidelines ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC):

    1. Social/emotional milestones

    • Paglalaro ng games, tulad ng pat-a-cake

    2. Language/communication milestones

    • Pagkaway ng babay, o "bye-bye"
    • Pagtawag sa magulang ng "mama," "dada," o di kaya iba pang special name na sinasabi ng bata
    • Pag-intindi sa "hindi" o "no," tulad ng pagtigil niya pag sinabihan mo ng ganitong mga salita

    3. Cognitive milestones, sakop nito ang pagkatuto (learning), pag-iisip (thinking), at paglutas sa problema (problem-solving)

    • Paglalagay ng mga bagay, gaya ng building blocks, sa lagayan nito
    • Paghahanap sa mga bagay na nakikita niyang tinatago mo sa kanya
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    4. Movement/physical development milestones

    • Pagtungkod para makatayo
    • Paghawak sa mga muebles o iba pang kagamitan para makapaglakad
    • Pag-inom sa tasa o baso na walang takip at hawak mo para sa bata
    • Pagpulot sa mga bagay, gaya ng maliit na piraso ng pagkain, gamit ang hinlalaki (thumb) at hintuturo (pointer finger)

    Maaring magawa na rin ng iyong toddler ang mga sumusunod, ayon naman sa Raising Children:

    • Yumakap sa iyo
    • Ituro ang mga parte ng katawan, paborito niya laruan, o di kaya mga taong pamilyar sa kanya kapag sinabi mo sa kanya
    • Uminom mula sa baso o tasa, pero baka kadalasang may matapon na laman nito
    • Gumamit ng kutsara
    • Subukang tumulong kapag binibihisan siya, kadalasan sa pagtaas ng mga braso para masuot ang manggas ng damit o di kaya pagtaas ng tig-isang paa para masuot ang sapatos.
    • Humawak ng krayola, at baka magsimula pang gumuhit kapag tinuruan mo siya kung paano

    Nagsisimula na rin ang toddler na matutong kumain mag-isa. Nakakanguya na siya nang maigi, kaya makakain na niya ang pagkain ng mga kasama niya sa bahay. Paalala lang ng UNICEF na ipagpatuloy pa rin ang pagbibigay sa anak ng breast milk kung ikaw ay nagpapadede. (Basahin dito ang benepisyo ng extended breastfeeding.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang problema lang, minsan (o malimit) na mas interesado ang toddler sa itapon ang pagkain na hinahain mo sa kanya. Nangyayari ito lalo na kung nakaupo siya sa high chair (basahin dito).

    Hirap pa kasi ang toddler na kontrolin ang kanyang impulse na mag-ekperimento sa mga bagay na nahahawakan niya, ayon sa What To Expect. Kapag binigyan mo siya ng noodles, halimbawa, baka iniisip niya kung didikit ito sa dingding o tatalbog kapag itinapon niya.

    Kailangang habaan ang pasensya dahil ilang buwan o isang taon pa bago magsimulang sumunod ang toddler sa rules, tulad ng hindi pagtatapon ng pagkain. (Basahin dito ang ilang paraan para ganahan ang bata na kumain.)

    Idagdag pa diyan ang pabago-bagong appetite. May mga araw na ayaw niyang paawat sa pag-kain at meron namang mga araw na ayaw galawin ang pagkain na hinahain mo. Siya na raw kasi ang magde-desisyon kung kailan siya kakain at ano ang kakainin niya dahil sinusubukan na niyang maging independent.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tips mula sa pediatrician

    Dahil mas naghahanap na ng independence ang anak, payo ni Dr. Cuayo-Estanislao na mainam na magsimulang mag-set ng boundaries na matatag (firm) at hindi pabago-bago (consistent).

    Tandaan na parating mahalaga ang laro (play) sa paglaki ng bata at kanyang pagsanay sa iba-ibang skills kaakibat ng 14 month milestones. Kaya siguraduhing may playtime ang anak basta doon sa mga ligtas na lugar. Siguraduhin din na maglaan ng oras sa pakikipaglaro at pagkakaroon ng interaction sa anak.

    Basahin dito ang 15 month milestones.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close