-
Pagtayo, Paghakbang Ng Walang Umaalalay, At Iba Pang 15 Month Milestones
Alamin din ang warning signs na mapapansin sa toddler.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Pagkatapos malampasan ang infant milestones month by month at magsimulang abutin ang 1-year-old baby milestones, patuloy lang ang iyong anak sa 13 month milestones, 14 month milestones, 15 month milestones, at sa mga susunod pa.
Toddler na siya ngayon, kaya mas active, curious, at expressive. Sa puntong ito, ayon sa UNICEF, nagsisimula na siyang gumamit ng ilang salita, tumayo sa sarili, at humakbang. Kaya kailangan niya pa ang iyong tulong at gabay.
15 month milestones
Marahil may mga bago kang napapansin sa anak sa ganitong edad alinsunod sa developmental milestones. Ang mga ito ay ang kakayahan o kasanayan (skills) na may kinalaman sa pag-uugali (behavioral), paggana (functional), o di kaya pangangatawan (physical) na kayang gawin ng mga karamihan sa mga bata ng partikular na edad.
Nagsisilbi ang developmental milestones bilang gabay para malaman kung lumalaki ang mga bata sa inaasahang bilis, ayon kay Dr. Joey Cuayo-Estanislao. Paliwanag ng pediatrician na ang behaviors at skills ay lumalabas sa paglipas ng panahon bilang building blocks ng bata sa kanyang paglaki (growth), paglago (development), at patuloy na pag-alam (continued learning).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNarito ang developmental milestones na kadalasang naipapamalas ng 15-month-old na bata:
Physical development
- Paglalakad ng ilang hakbang (o mas marami pa) na walang umaalalay
- Mas maayos na paggamit ng mga daliri para kumain
Cognitive o mental development
- Sinusubukan na ngayong gamitin ang mga bagay (baso, tasa, libro, kutsara) sa mas tamang paraan
- Kaya nang magpatong-patong ng dalawang maliliit na bagay
Social at emotional development
- Kinatutuwaang gayain o kopyahin ang mga kalaro
- Ipinapakita sa iyo ang mga paborito niyang mga laruan o iba pang mga bagay
- Pumapalakpak kapag excited
- Nagpapakita o di kaya nauunang magpakita ng lambing (yakap, halik)
Language at communication development
- Nakapagsasalita ng isa, dalawa, o higit pang mga salita, bukod pa sa “mama” and “dada”
- Tumitingin o di kaya tumuturo pa sa mga pamilyar na bagay kapag binabanggit mo ang mga ito
- Pagsunod sa mga simpleng utos o di kaya direksyon, lalo na kapag sinasabayan mo ng gestures ang iyong mga salita
- Tumuturo kapag may gusto siyang bagay o di kaya kailangan niya ng tulong
CONTINUE READING BELOWwatch nowMga dapat bantayan na warning signs o red flags
Paalala ni Dr. Cuayo-Estanislao na may sariling bilis, o pace, ang bawat bata kahit pa sabihing may typical age ang bawat developmental milestone. Kaya mahalaga na sumangguni sa pediatrician na tumitingin sa anak nang masubaybayan ang paglaki ng bata. (Basahin dito ang developmental milestones checklist.)
Gayunpaman, payo ng pediatrician na miyembro ng Smart Parenting Board of Experts na maging alerto sa ganitong mga senyales:
1. Hindi makapaglakad ang anak.
2. Hindi niya mailagay o di kaya maalis ang mga bagay sa mga sisidlan (containers) nito.
3. Wala siyang interes sa cause-and-effect games, tulad ng mga laruan na lumilikha ng tunog kapag pinapaandar.
4. Hindi makabigkas ng mga simpleng salita, tulad ng “mama” or “dada.”
5. Hindi matutunan ang gestures, gaya ng pagkaway o di kaya pagtungo ng ulo.
6. Hindi tumuturo sa mga bagay na nakikita.
Tips mula sa pediatrician
May mga payo si Dr. Cuayo-Estanislao para matulungan mo ang anak na maabot ang 15 month milestones. Aniya, mainam na samantalahin ang kanyang curiosity at lumalawak na language skills. Kaya gamitin ang tamang mga salita para sa mga bagay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKapag sinusubukan ng toddler, halimbawa, na bigkasin ang isang salita (tulad ng "ba" para sa "ball"), hikayatin siyang sabihin ang buong salita. Puwede mo siyang tanungin, "Is that a ball?" At saka sabihin, "Yes,that’s a ball!"
Dagdag pang payo ni Dr. Cuayo-Estanislao para maenganyong magsalita ang anak ang paggamit ng mga simpleng maneuver. Puwede mo siyang tanungin kung ano ang mga bagay na ituturo niya. Maghintay lang ng ilang segundo para malaman kung susubukan niyang magsalita sa pamamagitan ng tunog, at saka ibigay ang bagay na iyon.
Kung magsasalita siya sa pamamagitan ng tunog, ipakitang tama ang kanyang ginagawa at sabihin ang salita. Halimbawa: "Yes! Ball!"
Sabi pa ng pediatrician na sa panahong ito ang magandang pagkakataon para maturuan ang toddler ng “wanted/desirable behaviors.” Kung may pets kayo, halimbawa, maaari mo siyang turuan kung paano banayad na amuin (pet gently) ang alagang aso o pusa.
Ang pagkakaroon ng tantrums ay normal sa ganitong edad, ayon pa kay Dr. Cuayo-Estanislao. Nariyan ang pagkakaroon ng sumpong o pag-aalburoto kapag pagod o di kaya gutom. Maging malumanay, kalmado, at puno ng pag-unawa. Nababawasan ang tantrums sa kanyang paglaki, pagkatapos maabot ang 15 month milestones at mga susunod pang developmental milestones.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBasahin dito ang two-year-old milestones.
What other parents are reading

- Shares
- Comments