;
embed embed2
  • Makakatulong Ang Developmental Milestones Checklist Sa Pagsubaybay Sa Paglaki Ng Anak

    Sa bawat buwan at taon, may mga bagong nagagawa si baby.
    by Anna G. Miranda .
Makakatulong Ang Developmental Milestones Checklist Sa Pagsubaybay Sa Paglaki Ng Anak
PHOTO BY Shutterstock
  • Malaki ang papel na ginagampanan ng developmental milestones checklist sa parenting journey ng isang magulang. Nagsisilbi kasi itong gabay para masundan mo ang  mga napakabilis na pagbabagong nangyayari sa anak, mula sa bagong silang na sanggol hanggang pagtungtong ng edad lima. 

    Developmental milestones ang tawag sa skills ng baby mo, tulad ng una niyang pagngiti habang kinakausap mo siya at ang pagtatangka niyang umupo nang mag-isa.

    Kabilang sa 2-month-old milestones ang pagkagulat ni baby sa tunog at paghanap niya kung saan ito nanggagaling. Sa 3 month baby milestones naman, sumusunod na siya ng tingin at naduduling minsan. Marami pang kaabang-abang sa 1 year old developemental milestones at 2 year old milestones, hanggang tuluyan siyang lumaki.  

    Kahit normal na magkakaiba ang pace ang developmental milestones ng mga bata, kailangang tandaang posibleng mauwi sa developmental disorders ang mga delays o red flags na nakikita sa iba. Importante ang regular na pagbisita sa pediatrician upang masubaybayan ang kanilang kalusugan at paglaki.

    Sa anumang paglalakbay, nakatutulong kung alam mo kung nasaan ka na at kung saan ka patungo. Ganito rin sa paglaki ng isang tao mula sa pagiging sanggol hanggang edad lima. Ang early childhood ay mahalagang panahon sa buhay ng mga bata.

    Malinaw na nakasaad sa Developmental Milestones Checklist ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang mga “goal-posts” na dapat malaman ng mga magulang. Nandito ang developmental achievements at red flags na posibleng maranasan ng isang baby hanggang edad lima.

    Nakatutulong ang mga listahang ito sa pagkumpirma kung normal ang paglaki at pag-unlad ng mga kakayahan ng iyong anak. Sa pagkakataong maagang makikita ang posibleng developmental delays, mas mataas ang tyansa na mabigyan agad ito ng angkop na intervention at treatment. Maiiwasan din ang karagdagang development deficits kung maaagapan agad ng magulang at doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Karaniwang itinatanong ng mga doktor kung alam na ba ng iyong baby ang kanyang pangalan, lumilingon ba siya kapag may naririnig na ingay o iba pang tunog, at kung tumatawa ba siya o ngumingiti kapag kinakausap mo siya. Sa mga batang edad dalawa hanggang limang taong gulang, aasahan mong higit nang maunlad ang kanilang social, physical, language, at cognitive development.

    Mahalagang matukoy kung ang mga kayang gawin ng baby mo ay naaayon sa kanyang edad. Dito mo rin mauunawaan kung ano-ano pa ang maaasahan sa kanyang development sa susunod pang mga buwan. Printable at madaling gamitin ang developmental milestones checklist ng CDC  tracker app.

    Nilalaman ng developmental milestones checklist

    Narito ang ilan pang mahahalagang impormasyon sa kanilang listahan gamit bilang halimbawa ang dalawang age group.

    9-month-old baby milestones

    Social at Emotional

    • Natatakot sa mga hindi niya kilala
    • Nagiging clingy sa iyo
    • May paborito na siyang laruan

    Language/Communication

    • Nauunawaan na ang “no”
    • Kaya na niyang gawin ang iba't ibang mga tunog tulad ng  “mamamama” at “bababababa”
    • Ginagaya ang mga tunog at gestures ng iba
    • Ginagamit ang daliri upang ituro ang mga nasa paligid

    Cognitive (learning, thinking, problem-solving)

    • Pinapanood ang mga bagay na nahuhulog
    • Hinahanap ang mga nakita niyang itinago mo
    • Nakikipaglaro ng tagu-taguan
    • Naglalagay ng mga bagay sa bibig
    • Nalilipat na nang mabuti mula sa isang kamay papunta sa kabila ang hawak niya
    • Pinupulot ang mga bagay gamit ang hinlalaki at hintuturo

    Movement/Physical Development

    • Nakakatayo nang mag-isa
    • Nakauupo na ng mag-isa
    • Nakakagapang
    • Natutulak ang bagay sa harap gamit ang mga kamay upang makatayo
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Threenager” milestones

    Social at Emotional

    • Gustong mapasaya ang mga kaibigan
    • Gustong magustuhan siya ng mga kaibigan
    • Sumusunod sa mga panuto
    • Nahihilig sa pagkanta, pagsayaw, at pag-arte
    • Alam na kung ano ang mga kasariang lalaki at babae
    • Natutukoy ang totoo at hindi totoo o make-believe
    • Mas nakapagpapakitang kaya na niya gumawa ng mga tasks mag-isa (mahalaga pa rin ang adult supervision)
    • Kung minsan, nagiging demanding at kung minsan, cooperative

    Language/Communication

    • Malinaw na magsalita
    • Nakakapagkuwento na gamit ang buong mga pangungusap
    • Gumagamit ng future tense, halimbawa, “Pupunta dito si Lola”
    • Nasasabi na ang kanyang pangalan at address ng bahay

    Cognitive (learning, thinking, problem-solving)

    • Nakapagbibilang na hanggang sampu o higit pang mga bagay
    • Nakaguguhit ng tao na may anim na bahagi ng katawan (halimbawa: buhok, ulo, leeg, tiyan, binti, paa)
    • Nakapagsusulat ng ilang mga letra o numero
    • Kumokopya at gumuguhit ng tatsulok at iba pang mga hugis
    • Alam ang tawag sa mga bagay na ginagamit araw-araw, tulad ng pera at pagkain

    Movement/Physical Development

    • Nakakatayo sa isang paa sa loob ng sampung segundo o higit pa
    • Nakatatalon o lukso
    • Nakapagsa-somersault
    • Gumagamit na ng tinidor at kutsara, at kung minsan ng table knife
    • Nakakapunta na sa CR nang mag-isa
    • Nagsi-swing at marunong nang umakyat

    Kung mayroong ilan dito na hindi pa nagagawa ng iyong anak, mainam na kumunsulta sa doktor. Nagbibigay ng quick snapshot ng kalusugan at developmental status ng iyong anak ang developmental screening. (Basahin dito ang tungkol pa sa threenager at 3 year old milestones.)

    ‘Normal’ child development can look very different from one child to the next" ang paalala ni Jay Homme, M.D., isang pediatrician mula sa Mayo Clinic. Aniya, “I always encourage parents not to get too detail-oriented when it comes to what their child can and can’t do. If you focus too much on one thing and lose track of the total picture, it can create false worry.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa ni Dr. Homme, ang checklists ay gabay o tool lamang upang higit na mabantayan ang mga batang labis na napag-iiwanan sa iba’t ibang areas ng development na inaasahan para sa kanilang edad.

    Isa sa pinakamahalagang responsibilidad ng magulang ang pag-monitor sa development ng anak. Makatutulong ang mga paalalang tulad nito at ang developmental milestones checklist upang makasigurong on-track ang progress ng iyong baby.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles