embed embed2
  • Paano Pagsabayin Ang Pagtatrabaho Sa Bahay At Pag-aalaga Ng Bata Kung Wala Kang Kasama

    Hindi madaling magconcentrate sa trabaho kung nag-aalala ka rin sa anak mo.
    by Ana Gonzales .
Paano Pagsabayin Ang Pagtatrabaho Sa Bahay At Pag-aalaga Ng Bata Kung Wala Kang Kasama
PHOTO BY Shutterstock
  • Hindi biro ang pagiging stay-at-home working mom lalo na kung wala kayong yaya o kasama sa bahay.

    Bukod kasi sa pag-aalaga sa anak mo, kailangan mo ring asikasuhin ang bahay at siguraduhing maayos ang performance mo sa trabaho.

    Pero paano mo pagsasabay-sabayin ang lahat ng ito nang hindi nakokompromiso ang isa sa kanila? Narito ang ilan sa mga techniques na ginagawa ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Paano pagsabayin ang trabaho at childcare

    Ikonsidera ang mga trabahong 'flexi-time'

    Mahirap mag-alaga ng bata, magtrabaho, at mag-asikaso ng bahay kung 8-5 ang trabaho mo. Kaya naman maraming mga nanay ang mas pinili nang magtrabaho sa mga kumpanya na hindi nakatakda ang oras ng trabaho.

    Marami nang mga work-from-home jobs ngayon na output-based kung tawagin. Ibig sabihin, walang nakatakdang oras ng trabaho. Kailangan mo lang siguraduhing matatapos mo ang mga work responsibilities mo.

    Clean as you go

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maraming mga nanay ang nagsabing isa ito sa mga pinaka naging epektibo sa kanila. Kung hahayaan niyo kasing mag-asawa na matambakan kayo ng liligpitin, mas mahihirapan kayo.

    Kaya naman sa halip na magkaroon ng oras para sa paglilinis, sinisiguro ng mga working mommies at daddies na nililigpit na nila ang mga bagay-bagay sa bahay pagkatapos gamitin.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Teamwork is key!

    Sabi ng mga nanay at tatay sa Village, matinding teamwork ang ginawa nila. Kapag tulog si mommy, si daddy ang nag-aasikaso kay baby. Kapag nagising na si mommy, magluluto naman siya ng pagkain habang papasok naman sa trabaho si daddy.

    Ayon pa sa isang nanay sa Village, importanteng tanggapin ninyo ang inyong sitwasyon. Sa ganitong paraan kasi, hindi mabigat sa pakiramdam ang pagsasalit-salit ng tulog at responsibilidad.

    Mahirap magampanan ang responsibilidad kung hindi kayo magtutulungang mag-asawa.

    Mag-invest sa mga automatic na gamit

    Laking tulong din daw sa mga nanay na automatic na ang ilan sa mga gamit nila sa bahay tulad ng washing machine. Salang na lang ang mga damit, diretso tiklop at sampay na dahil nakapag-dryer na rin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I-sleep train si baby

    Hindi ka talaga makakapagtrabaho kung clingy ang baby mo. Ang sagot ng mga nanay diyan, sleep training!

    I-setup ang workstation mo malapit sa playpen ni baby

    Kung ang problema mo ay ang safety ni baby habang nagtatrabaho ka, malaking tulong ang setup ng iyong workspace.

    May mga nanay na kaharap nila ang play area ng anak nila. Habang naglalaro o umiidlip si baby, madali na lang silipin.

    Hindi mo rin kailangang iharap siya sa gadget, sapat na ang makapagpatugtog ka ng sounds ng mga paborito niyang palabas.

    Ilan lamang ang mga ito sa ginagawa ng mga nanay para ma-manage ang pagiging ina at pagiging empleyado nang sabay.

    Siyempre nariyan pa rin ang time management at ang mahigpit na pagsunod dito. Sabi pa ng mga nanay, online na sila naggo-grocery para hindi na maubos ang oras nila sa pagpila sa pagbabayad.

    Ang pagluluto naman ng pagkain mula breakfast hanggang dinner ay ginagawa na nila sa madaling araw. Iiinit na lang ang ulam kapag kakain na.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Malaking bahagi ng tagumpay ng mga working mommies na nasa bahay ang matinding scheduling at planning.

    Makakatulong din kung hindi mo io-overthink na nagkukulang ka sa pagiging ina mo kung nagtatrabaho ka.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles