embed embed2
Mga Benepisyo Ng Calamansi Juice Para Sa Buntis At Kanyang Baby
PHOTO BY Pexels/Yan Krukov
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Tiyak na laging may kalamansi sa kusina ng mga Pilipino. Kasama ito sa mga inihahalo natin sa ating mga pagkain, gaya sa lugaw, pansit, inihaw, at iba pa bilang pampalasa. Ganoon din sa sawsawan na isinasama sa patis o toyo. Ito ay native sa bansa na kinikilalang Philippine lime. Itinuturing din ito bilang isa sa mahahalagang prutas sa bansa.

    Isa rin ang katas ng kalamansi sa mga paboritong sangkap sa paggawa ng juice. Subok na itong mabisa laban sa sipon at ubo, kaya nirerekomenda ang calamansi juice para sa buntis na hindi na sila uminom pa ng gamot.

    Calamansi juice para sa buntis

    Naging usapan ang pagkakaroon ng sipon at ubo sa Parent Chat, ang online community ng Smart Parenting, nang may humingi ng payo. Nagbigay naman ang mga mommy at mommy-to-be ng kani-kanilang mga suhestiyon.

    Lahad ng isang buntis, "Pa-check up ka na sa OB mo. Pero I usually drink warm calamansi juice whenever feeling ko nangangati ang throat ko. Of course, I would text my OB about it and may go signal naman ako from him."

    Sabi ng isa pa, "Lots of fluids and calamansi juice lang for me... si hubby pa nagpi-prepare. I always have cough and cold kasi during my first trimester. I really don't know why. I even had a flu pa during my first month... Good thing, since my 2nd trimester 'til now, no more coughs and colds na."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga benepisyo ng pag-inom ng calamansi juice

    Naging popular ang kalamansi dahil sa mga taglay nitong benepisyo sa kalusugan. At kapag buntis ka, mahalagang isama ang prutas sa iyong diet para sa mga nutrisyong makukuha dito. Isa ang kalamansi na safe inumin ng mga buntis basta may tamang dami at walang mararanasang side effect.

    Sinasabi ng marami na nakaka-refresh ang pag-inom ng kalamansi. Napatutunayan ng mga pag-aaral na nakabubuti sa buntis ang pag-inom ng kalamansi pero ipinapaalala rin na dapat tama ang dami lamang.

    Nakapagbibigay ito ng ginhawa kapag napapagod. Nagtataglay ito ng antioxidants gaya ng vitamins C, bioactive compounds, at mineral na kinakailangan bitamina ng buntis.

    Nakapagpapadali rin daw ng pagle-labor ang pag-inom ng kalamansi na may halong honey. Ipinapayo na gawin ito kapag nasa ikalimang buwan ng pagbubuntis. Dagdag pa rito, nakababawas din ng mga pamamaga sa katawan ang pag-inom ng kalamansi. Pero kung makararanas ng anumang side effect na hindi makabubuti sa iyo, ihinto ito at humingi ng payo sa iyong doktor.

    Mayaman sa antioxidants

    Nagagawa  nitong ilabas ang mga toxin sa loob ng katawan. Nakatutulong ang kalamansi na maiwasan ang pagkakaroon ng sipon at mabigyang proteksyon ang katawan na panlaban sa iba pang impeksyon.

    Ang pagmamanas ng buntis o edema ay bahagi rin ng problema ng mga buntis. Masakit at makirot kapag dumadanas ng pagmamanas. Ang pag-inom ng maligamgam na tubig na may halong kalamansi ay nakatutulong na mabawasan ang pagmamanas habang buntis.

    Mapagkukunan ng vitamin C

    May paliwanag si Dr. Mary Graces Macatangay, isang dietician sa Delos Santos Medical Center, sa isang panayam ng Salamat Dok. Aniya, nakatutulong ang vitamin C sa ibang parte ng mineral gaya ng iron. Kapag nagsama ito, nakatutulong itong mapataas ng folic na mahalaga para sa mga buntis.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pagbabalanse ng acidity

    Nakatutulong din ang pag-inom ng tubig na may kalamansi para mabalanse ang acidity sa ating katawan. Sa isang araw, inirerekomenda ng mga eskperto ang pagkonsumo ng 500 milligram na vitamin C ng tao. Pero ipinapaala rin nila na hindi puwedeng sumobra dito dahil nagdudulot naman ito ng hindi magandang epekto sa ating katawan. Maaaring maranasan ang pananakit ng sikmura, paninilaw ng balat, at iba pa kapag na-overdose sa vitamin C.

    Gamot sa hirap sa pagdumi (constipation)

    Isa sa nagiging problema kapag buntis ang hirap sa pagdumi o mabagal na pagtunaw ng pagkain. Kaya nga madalas na ipinapayo ng mga doktor ang pagkain ng kakaunti lamang na may 2 oras na pagitan, hindi 3 beses sa isang araw na maramihan. Nakatutulong din ang kalamansi para sa maiwasan din ang kondisyon ng hirap sa pagdumi. Ang regular na pag-inom ng kalamansi ay nakabubuti para sa maayos na pagdumi at pagtunaw ng pagkain.

    Pagmintina ng blood pressure

    Isa rin sa nagiging problema ng mga buntis ang pagtaas ng blood pressure o ang tinatawag na preeclampsia. Mapanganib ang ganitong kalagayan sa buntis dahil maaaring maging sanhi ng maagang panganganak. Kaya nga kapag buntis, palagi ring mino-monitor din ang blood pressure. Batay sa mga pag-aaral, nakatutulong ang kalamansi sa pagpapababa ng blood pressure.

    Pampaputi ng balat

    Bukod sa nagagamit ang kalamansi sa pagpapahilom ng sugat, ginagamit din itong pampaputi ng balat dahil sa taglay nitong bleaching properties. Nagagawa nitong mapaputi ang kili-kili, siko, at mga dark spot sa balat. Isa sa nagiging problema ng buntis ang pangingitim ng leeg at kili-kili, maaari itong i-aplay sa balat para pumuti kahit pagkatapos manganak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento ng writer na ito na sa kanyang unang pagbubuntis, may nadaluhan siyang seminar para sa mga buntis. Isa sa naibahagi rin ng doktor ang pag-inom ng kalamansi. Bukod nga raw sa magandang talagang source ito ng vitamin C, nakagaganda rin daw ito ng balat. Kuweno ng doktor, umiinom din daw siya ng kalamansi noong buntis siya kaya maganda raw ang kutis ng kaniyang anak.

    Benepisyo para kay baby

    Bukod sa mga benepisyo ng calamansi juice para sa buntis, malaking pakinabang din ang nakukuha ng iyong baby sa pag-inom mo ng kalamansi habang buntis. Dahil sa maatas din ang taglay nitong potassium na sinasabing nakatutulong sa pagpapatibay ng buto ng iyong baby habang nasa iyong sinapupunan. Gayundin, nakapag-aambag ito sa patuloy na pagdebelop ng brain at nerve cells ng iyong baby.

    --- 

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    Vitamins and Other Nutrients During Pregnancy

    https://www.marchofdimes.org/pregnancy/vitamins-and-other-nutrients-during-pregnancy.aspx

    Salamat Dok

    https://www.youtube.com/watch?v=JLcI7ioMwdo

    Everlasting Health benefits of Philippine Lime or Calamansi

    https://filipinohealthline.com/2019/09/05/philippine-lime-calamansi-health-benefits/

    Read also: Mga Dapat Kainin Ng Buntis

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles