embed embed2
White Mens: Buwanang Discharge Lang Ba O Buntis Ka?
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Bilang babae, nakararanas ka ng buwanang discharge. Kadalasan na senyales ito kapag malapit ka nang datnan ng iyong menstruation. Kapag nagsimula naman na ang discharge, nagsasabi rin ito na panahon na ng iyong ovulation period at kasunod nga nito ang iyong regla.

    Sa pagsisimula ng iyong menstrual cycle, kaunti at milky white ang iyong vaginal discharge na parang sa puti ng itlog (basahin dito). Mas dumarami kapag papalapit na ang iyong period. Pero possible ring paunang senyales ng pagbubuntis ang white mens na hatid ng hormonal changes bilang paghahanda ng iyong katawan sa pagbubuntis.

    Ano ang white mens?

    Ang “white mens” ang kadalasan tawag ng mga babae sa clear na kulay ng vaginal discharge. Tinatawag ito na leukorrhea, ayon sa mga eksperto, at normal lamang ang white discharge. Karaniwang nararanasan ito sa iyong buong menstrual cycle.

    Nangangahulugan itong okay ang lahat sa iyong vagina. Mapapansin mo lang ang pagdami ng ganitong discharge kapag malapit na ang iyong ovulation. Pero possible ring senyales ito na ikaw ay buntis (basahin dito).

    Magsisimula na kakaunti lamang ito bago ang iyong ovulation o bago lumabas ang egg cell. Sa panahon ng iyong ovulation, mas marami na ito na parang mucus. Senyales naman ito na ikaw ay nag-o-ovulate na at natural na indikasyon ito ng fertility. Kung ibig mong mabuntis, ang ganitong white discharge ay nagpapahiwatig na makabubuti ang pakikipagtalik sa iyong asawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakatutulong ang white mens sa pagbuo ng mucus plug sa cervix para mapanatiling malusog at maiwasan ang pagkalat ng bacteria sa uterus habang nagbubuntis. Pero kapag itong milky white discharge ay may matinding hindi kaaya-ayang amoy at naging white-gray ang kulay, senyales ito ng posibleng impeksyon. Kapag ang nararanasan mo ay marami o makapal na white discharge at namumuo, maaaaring sanhi ito ng yeast infection.

    Bakit may vaginal discharge?

    Nakatutulong ang vaginal discharge para mapanatiling moist at lubricated ang vaginal tissue, sabi pa ng mga eksperto. Impluwensiya ito ng reproductive hormones kaya naman nagbabago-bago sa buong menstrual cycle at sa panahon ng pagbubuntis.

    Gayundin, ang discharge na lumalabas ay nagsisilbing natural na lubrication para maalis ang bacteria, dumi, at germs na nasa vaginal cavity. Ito ang paraan ng katawan na mapanatili ang pH balance sa vagina.

    Hanggang walang kakaiba o mabahong amoy ang iyong discharge at wala kang ibang nararamdamang sintomas na kaakibat nito walang dapat na ikabahala. Pero paano kung ibang kulay ng discharge ang iyong mararanasan?

    Ano ang pahiwatig ng ibang kulay ng vaginal discharge?

    Kung naalarma ka sa kulay ng discharge na lumalabas sa iyo at tingin mo hindi ito pangkaraniwan, makabubuti na magpakonsulta sa doktor. May iba-iba kasing ibig sabihin ang bawat vaginal discharge.

    Yellow

    Ikinonsidera na normal ang ganitong klase ng discharge. Maaaring indikasyon ito ng pagbabago sa iyong diet o kaya naman sa pag-inom mo ng vitamins. Pero maaari ding maging makaalarma kung ito ay sanhi ng sexually-transmitted infection (STI).

    Green

    Hindi normal ang pagkakaroon ng ganitong kulay ng discharge at posibleng senyales ito ng bacterial infection gaya ng trichomoniasis o chlamydia na karaniwang nagagamot sa pamamagitan ng pag-inom ng antibiotics. Kapag naman napabayaan ang ganitong kondisyon maaaring tumaas ang tsansa mo na magkaroon ng human papillomavirus (HPV).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pink/Red

    Mararanasan mo ito kung inasahan mo ang iyong period dahil ito ay isang indikasyon na simula na ang iyong menstrual cycle. Kung kakapanganak mo naman, tinatawag itong lochia, na lumalabas pagkaraan ng apat na araw pagkapanganak. Sa ibang pagkakataon, ang discharge din na ito ay posibleng senyales ng implantation bleeding na nangyayari sa unang bahagi ng pagbubuntis kapag kumapit na ang na-fertilize ang egg sa lining ng uterus.

    Brown

    Nararanasan mo ito sa mga huling araw ng iyong menstruation. Minsan tinatawag ito ng mga babae na “pahabol” sa kanilang regla. Pero maaaring indikasyon din ng impeksyon. Para sa iba namang nakararanas nito, resulta ito ng pag-inom nila ng contraceptive pills.

    Paano mapananatiling malinis ang vagina?

    Makakatulong ang ilang hakbang upang makasigurong malinis ang vagina:

    • Paliguan at tamang paghuhugas ng bahaging ito.
    • Gumamit ng feminine wash.
    • I-monitor mabuti ang mga pagbabago na napapansin mo sa iyong katawan.
    • Ugaliin ang ligtas na pakikipagtalik.
    • Regular na magpakonsulta sa iyong ob-gyn.

    Tandaan na normal sa mga babae ang pagkakaroon ng vaginal discharge lalo na kapag nagsimulang magkaroon ng menstruation. Pinoprodyus ito ng katawan para alisin ang bacteria at bilang proteksyon ng cervix mula sa impeksyon.

    Karaniwang nagbibigay rin ito ng indikasyon kung mabuti ang kalagayan o walang komplikasyon ang reproductive system ng babae. Kaya importante na bantayan ang mga discharge na nararanasan at kapag may iba pang sintomas nararamdaman para agad na magamot kung anuman ang sakit na kaakibat nito.

    Mabuti ito upang agad na malapatan ng lunas at makapagpagamot. Isa sa mga proseso na ginagawa ng mga doktor ang pap smear para malaman kung ang iyong discharge ay may kaakibat na impeksyon. Agad na magpatingin sa doktor, kung ang iyong discharge naman ay may kasamang burning sensation, rashes, matindi o hindi kaaya-aya ang amoy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang ilan pang palatandaan ang may masakit sa bahagi ng vagina, kakaiba ang texture ng iyong discharge, at iba pang mapapansin mong pagbabago o hindi normal. Baka kasi hindi na lang senyales ng buntis ang white mens. (Basahin dito para sa iba pang senyales ng pagbubuntis.)

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles