embed embed2
  • Maaaring Makaranas Ng Pelvic Pain At Restless Leg Syndrome Sa Week 26 Ng Pagbubuntis

    Apektado ang iyong paggalaw dahil sa laki at bigat ni baby.
    by Jocelyn Valle .
Maaaring Makaranas Ng Pelvic Pain At Restless Leg Syndrome Sa Week 26 Ng Pagbubuntis
PHOTO BY iStock
  • Habang nakakaramdam ng mga sintomas ng pagbubuntis sa week 26, maaaring apektado na ang iyong paggalaw dahil sa laki at bigat ng sanggol sa iyong sinapupunan. Isipin mo na lang na nasa huling bahagi ka na ng second trimester at patawid na sa third trimester. Malapit-lapit mo nang makita si baby!

    Sintomas ni pagbubuntis week 26

    Marahil nalilimitahan ang iyong pag-galaw. Nagiging clumsy at madali kang mapagod. Malimit din ang pananakit mula ulo hanggang paa, kadalasan pa-ilan-ilang parte at minsan sabay-sabay kung umatake. May ilang paraan para maibsan ang karamdaman, ngunit maaaring komunsulta sa doktor kung dumadalas at gumagrabe ang sakit.

    Restless leg syndrome

    Bukod sa pamumulikat at pamamahid ng mga paa at binti, posibleng nakakaranas na rin ng kakaibang pakiramdam na tila may mga langgam o kulisap na naglalakad sa mga ito. Kaya panay ang paggalaw ng mga paa at binti mo, lalo na sa gabi kung kailan nakahiga ka na sa kama. Hindi ka tuloy makatulog. Ang tawag sa kondisyon na ito ay restless leg syndrome (RLS). 

    Ayon sa Mayo Clinic, lumulubha ang kalagayan ng mga kababaihan na mayroong RLS kapag nabuntis sila. Mayroon din naman daw mga buntis na nakakaranas ng RLS sa unang pagkakataon at nawawala ang kondisyon pagkatapos manganak.

    Sinasabi ng iba pang mga eksperto na sangkot sa RLS ang pregnancy hormones na estradiol (isang anyo ng estrogen) at progesterone. Dagdag pa dito ang pressure sa nerve endings mula sa lumalaking sanggol sa sinapupunan at nababanat na uterus.

    Maaaring makatulong ang elevation para mabawasan ang tingling sensation na nag-u-udyok sa mga paa at binti na gumalaw-galaw. Subukan na ipatong ang mga paa at binti sa isa o dalawang unan habang nakahiga. Gumamit din ng warm compress at gawin ang stretching exercises sa umaga o hapon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Symphysis pubis dysfunction

    Ang pregnancy hormone na relaxin ang itinuturong dahilan ng pananakit sa likod, lower abdomen, at groin area. Pinapa-relax kasi ng relaxin ang joints at ligaments ng katawan bilang paghahanda sa panganganak habang palaki at pabigat naman si baby sa iyong sinapupunan. 

    Umaabot ang kirot sa pelvic joints, na kilala sa medical term na symphysis pubis, lalo na kapag hindi sila aligned nang tama dahil sa mga ligaments na nababanat nang husto. Tinatawag ang kondisyon na ito sa bilang pregnancy-related symphysis pubis dysfunction (SPD) o pelvic girdle pain (PGP). Ramdam mo ang SPD sa tuwing aakyat ka ng hagdan o kahit magsuot ka lang ng underwear.

    Malaki ang posibilidad na makaranas ang buntis ng SPD kung:

    • May history na siya ng lower back o pelvic girdle pain noon pa man
    • Nagkaroon dati ng injury sa pelvis mula, halimbawa, sa pagkahulog o isang aksidente
    • Mayroong physically demanding job
    • Overweight
    • Nanganak na ng ilang beses

    Ilan sa mga paraan para maibsan ang SPD ang paggawa ng Kegel exercises at pelvic tilts. Mapapalakas ng mga ito ang pelvic muscles at maihahanda ang katawan sa panganganak. Para makasiguro, komunsulta sa doktor. Maaari ka niyang sabihan na sumailalim sa physical therapy at magsuot ng pelvic support belt.

    May mga payo at paalala ang Pelvic, Obstetric & Gynaecological Physiotherapy (POGP) network na dapat gawin:

    • Sikapin maging physically active sa abot ng makakaya ng katawan, pero iwasan iyong makakalubha ng kirot.
    • Kumuha ng sapat na pahinga.
    • Huwag mag-atubili na humingi ng tulong.
    • Umupo habang nagsusuot ng underwear o pantalon.
    • Humanap ng kumportableng posisyon sa patulog, tulad nang patagilid at may unan sa gitna ng mga binti.
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang mga dapat iwasan kung may pelvic girdle pain:

    • Pag-akyat-panaog sa hadgan
    • Pagtayo sa isang binti lamang
    • Pag-ipit sa mga binti at hita
    • Pagyuko ng katawan kung may pupulutin
    • Pagbuhat, pagbitbit, at pagtulak nang mabigat
    • Pagtayo at pag-upo nang matagal

    Elevated blood pressure

    Hindi lang pagtaas ng blood production ang sintomas ng pagbubuntis sa week 26, pati rin ang pagtaas ng blood pressure. Pero sa sandaling umabot ang blood pressure sa 140/90 o higit pa, kailangan mo nang kausapin ang doktor. Baka kasi may nagbabadyang pregnancy complication, gaya ng preeclampsia.

    Mommy brain

    Siguro napapansin mong nagiging malilimutin ka. Huwag mabahala dahil marami nang buntis ang nakaranas ng tinatawag na “mommy brain” o “pregnancy brain,” na siyang dahilan kung bakit tila hirap kang makaalala ng mga bagay-bagay at hindi maka-focus. Isa pang dahilan ang pagkakaroon ng maraming iniisip at pangamba sa kasalukuyan at hinaharap.

    Development ni baby sa tiyan sa ika-26 linggo ng pagbubuntis

    Mainam na isipin mo na lang ang kalagayan ni baby sa iyong sinapupunan sa puntong ito ng second trimester. May sukat na siya nang halos 35.6 cm, mula ulo hanggang paa, at timbang na halos 760 grams. Naididilat na niya ang kanyang mga mata at may mga pilik-mata na siya. Susunod na ang pagkurap!

    Lubusan nang gumagana ang blood vessels ni baby. Nagpa-pump na ng dugo ang kanyang puso at fully functional na ang circulatory system. Mas makapal at matibay na ngayon ang umbilical cord, na siyang nagsu-supply ng nutrisyon sa sanggol.

    Para mapanatiling malusog ang umbilical cord, pati na ang placenta, kailangan healthy ang pagkain at pangangatawan laban sa sintomas ng pagbubuntis sa week 26.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles