embed embed2
  • Sintomas Ng Pagbubuntis Week 28: Baka Sabay Na Kayo Nananaginip Ni Baby!

    Nakararanas na si baby ng rapid eye movement sa loob ng iyong tiyan.
    by Jocelyn Valle .
Sintomas Ng Pagbubuntis Week 28: Baka Sabay Na Kayo Nananaginip Ni Baby!
PHOTO BY iStock
  • Pag tungtong sa ikapitong buwan ng pagdadalang-tao, narating mo na ang third trimester at huling one-third ng paglalakbay tungo sa pagiging ina. May mga panibagong hamon ang naghihintay sa mga susunod na tatlong buwan, simula sa mga sintomas ng pagbubuntis sa week 28.

    LOOKING FOR MORE HELPFUL ADVICE? READ:

    Marahil halo-halo ang mga nararamdaman mong emosyon. Sabik ka sa paglabas ni baby at pagkikita niyong dalawa, ngunit takot ka sa mga haharaping labor pain at posibleng aberya habang nanganganak. Idagdag pa ang stress at anxiety na dulot ng pandemya (basahin dito ang epekto sa mga buntis)

    Mainam ang pagkakaroon ng isa o higit pang tao na mapaghihingahan ng kung ano man ang bumabagabag sa iyong isipan, lalo na kung unang pagkakataon mo itong mabuntis o di kaya nakaranas na ng miscarriage. Maging bukas sa iyong partner, magulang, o kaibigan tungkol sa iyong nararamdaman at kung paano ka nila matutulungan.

    Sa kabilang banda, matutuwa ka sa taglay mong “pregnancy glow,” malagong buhok, at matitibay na mga kuko. Pero masusuya naman sa pangangati at pagmantsa sa balat, pati na mga marka kung nasa genes mo ang pagkakaroon ng stretch marks. Isipin mo na lang na unti-unti silang maglalaho pagkatapos mong manganak.

    Ano ang tamang bigat kapag buntis

    Patuloy na sikapin ang healthy diet upang makaiwas sa paglobo nang husto at pagbigat nang todo. Nariyan pa rin kasi ang banta ng mga komplikasyon, tulad ng gestational diabetes at preeclampsia.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaan na mula 25 pounds hanggang 35 pounds lamang ang dapat na madagdag sa iyong timbang kung pasok ka sa normal weight base sa pre-pregnancy body mass index (BMI).

    Mainam na gumalaw-galaw at maglakad-lakad kahit malaki na ang tiyan, basta hindi ipinagbabawal ng doktor. Gawin ang low-impact pregnancy exercises para ma-control ang weight gain at maibsan ang pananakit ng katawan. Maihahanda pa nito ang iyong katawan sa labor at childbirth (basahin dito).

    Sintomas ng pagbubuntis sa week 28

    Tulad ng mga nakalipas na mga linggo, ang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 28 ay karaniwang dulot ng hormonal changes, increased blood levels, at growing baby bump. Sa sandaling dumalas at grumabe ang mga nararamdaman o kaya may bago at kakaibang pakiramdam, kailangan kausapin mo na ang doktor. Baka kasi may ibang pinanggagalingan ang mga ito at makapinsala pa sa inyo ni baby.

    Dahil tumataas ang blood production at circulation, dumadami ang bodily fluids na naiipon sa tissues. Ang nangyayari tuloy, lumalakas ang vaginal discharge at tumatagal ang water retention. Nagkakaroon ng pamamaga sa mga bukung-bukong, paa, at kamay, pati na ng varicose veins at hemorrhoids. Dagdag pa dito ang pagsusugat at pagdudugo ng mga gilagid, at iba pang kondisyon.

    Pananakit ng likod

    Hindi na lamang simpleng sakit sa likod ang maaaring maranasan sa paggalaw ni baby patungo sa tamang posisyon palabas sa iyong sinapupunan. Ang kanyang bigat at iyong lumalapad na uterus ay maaaring magbigay ng pressure sa sciatic nerve, na dumadaloy sa kahabaan ng lower back pababa sa mga binti hanggang makarating sa mga daliri ng paa. Ang resulta: sciatica.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang kirot na mararamdaman ng buntis na may sciatica ay naglalaro mula mild hanggang severe. Nagagamot naman ito, ayon sa mga eksperto, at tuluyang nawawala pagkatapos manganak.

    Suhestiyon nila tapik-tapikin ang iyong tiyan at kausapin si baby sa iyong sinapupunan para magpalit siya ng posisyon kung tumitindi ang sakit. May hatid din daw na ginhawa ang warm compress, stretching, at pahinga. Magtanong muna sa doktor bago uminom ng pain reliever

    Pagkirot ng joints at ligaments

    Bukod pa sa likod, nakakaranas ng pagkirot sa hips, lower belly, groin area (round ligament pain), pelvic area (symphysis pubis dysfunction), at mga kamay at pulso (carpal tunnel syndrome). Nag-uugat ang mga ganyang kondisyon sa relaxin, ang hormone na nagpapaluwag ng joints at ligaments bilang paghahanda sa panganganak. 

    May ilang paraan upang mabawasan ang kirot. Kabilang dito ang pregnancy exercises, stretching, at correct posture. Iwasan din ang pagpapagod, pagbubuhat nang mabigat, at pagtayo o pag-upo nang matagal.

    Paninikip at paghihilab ng tiyan

    Huwag mabahala kung makaramdam ng panandaliang paninikip at paghihilab ng tiyan. Naghahanda lang ang iyong katawan para sa nalalapit na panganganak. Kaya tinatawag itong “false labor” o Braxton Hicks contractions.

    Magbahala lamang kung dumadalas at gumagrabe ang sakit kahit magpalit ka ng posisyon sa pagkaka-upo o pagkakahiga. Kapag humahangos at kinakapos ka ng hininga, tawagan mo na ang doktor.

    Development ni baby sa loob ng tiyan sa ika-28 linggo ng pagbubuntis

    Hangga’t maaari, gugustuhin ng doktor ang kumpletuhin ang full-term pregnancy. Sa puntong ito ng third trimester, patuloy pa kasi ang development ni baby sa iyong sinapupunan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nasusukat na siya nang halos 37.6 cm, mula hanggang paa, at natitimbang nang halos 1 kg. Iyan ang pakiramdam ng may bitbit na isang kilong bigas buong araw kahit saan ka magpunta, kahit anong ginagawa mo, at gumagalaw pa!

    Ang heart rate ni baby ay 140 beats per minute (bpm) at bababa ito sa 130 bpm sa oras ng kanyang kapanganakan. Talagang nagbabago ang heart rate mula 110 bpm nang una itong ma-detect ng doktor bandang week 5 o week 6. Pag dating ng week 9 o week 10, bumibilis ito hanggang 170 bpm.

    Mas mabilis ang heart rate ni baby kesa kay mommy (na mula 80 bpm hanggang 85 bpm lamang) bilang compensation sa pagiging maliit ng kanyang puso at hindi pa gaanong nakaka-pump ng dugo.

    LOOKING FOR MORE HELPFUL ADVICE? READ:

    Base sa kanyang brain activity, nakararanas na si baby ng rapid eye movement (REM). Ibig sabihin, maaaring nananaginip na siya. Baka magkasabay pa kayo sa pananagipin. Iyan na lang muna ang isipin mo para hindi masyadong maapektuhan ng mga sintomas ng pagbubuntis sa week 28.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles