embed embed2
  • 16 Na Buntis At May COVID-19 May Pinsala Sa Kanilang Placenta: Study

    Maayos naman ang kanilang panganganak at negatibo ang mga sanggol sa virus.
    by Jocelyn Valle .
16 Na Buntis At May COVID-19 May Pinsala Sa Kanilang Placenta: Study
PHOTO BY Unsplash
  • Sa isang pag-aaral na isinagawa kamakailan sa United States, napag-alaman ng mga eksperto na ang mga buntis na positibo sa COVID-19 ay nagpakita ng senyales ng pagkapinsala sa kanilang placenta. Ngunit malusog ang mga nailuwal nilang sanggol, kaya masasabi na wala pang matibay na ebidensya kung kung meron ba talagang epekto ang pinsala sa placenta sa panganganak.

    Hindi rin kumbinsido ang ilang eksperto na walang partisipasyon sa pag-aaral. Isa na rito si Dr. Kristina Adams Waldorf, isang professor ng obstetrics and gynecology sa University of Washington School of Medicine sa United States din. Sinabi niya sa Live Science na nababahala siya sa pagsasabi na ang COVID-19 ay nakakapinsala ng placenta.

    Aniya, may iba pang hatid na kondisyon ang pagbubuntis, tulad ng high blood pressure, obesity, at diabetes. Kailangan pa daw ng malawakang pag-aaral para matukoy ang epekto ng COVID-19 sa pagbubuntis. Sa kasalukyan, nagsasagawa si Dr. Adams Waldorf ng lab studies para matignan ang antiviral immune response ng placenta sa coronavirus.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Nailathala noong May 22, 2020 sa American Journal of Clinical Pathology ang nabanggit na pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto sa Northwestern University Feinberg School of Medicine sa Chicago. 

    Sinuri ng mga eksperto ang placenta ng 16 na buntis na nagpositibo sa COVID-19, at nakita nila na may blood clots sa mga placenta at senyales ng abnormal na daloy ng dugo sa pagitan ng ina at sanggol. Hindi naman nila matukoy kung ang sakit na dulot ng novel coronavirus ang dahilan ng mga ganoong abnormalidad. Sa hiwalay kasing pag-aaral ng mga placenta ng mga buntis na negatibo naman sa COVID-19, mayroon ding katulad na pinsala.

    Dagdag pa dito, maayos na nanganak ang mga buntis na may COVID-19 sa kanilang third trimester, liban sa isa na nakunan sa kanyang second trimester. Hindi pa rin alam kung may kinalaman ang COVID-19 sa pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan. Samantala, isinilang ang mga sanggol na negatibo sa coronavirus.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

     

    Kailangan pa daw ng linaw kung may epekto ang pagbabago sa placenta kung magiging maayos ang panganganak at malusog ang sanggol. Napansin rin kasi ng mga eksperto na kahit ang placenta na may pinsala ay may kakayahan pa ring magbigay nang sapat na sustansya sa mga sanggol sa sinapupunan.

    Labis-labis daw kasi ang sustansya sa placenta, pahayag ni Dr. Emily Miller, isa sa mga may-akda ng pag-aaral at assistant professor ng obstetrics and gynecology sa Northwestern University, kaya hindi ito magkukulang ng supply sa sanggol kahit may pinsala pa ito.

    Pero ang ganitong sitwasyon, paalala ni Dr. Miller, ay maaari pa ring magdulot ng panganib sa pagbubuntis. Kaya suhestiyon nila sa kanilang pag-aaral na tignan mabuti ang mga buntis na may COVID-19. Magagawa ito sa pamamagitan, halimbawa, ng ultrasound para malaman na ang sanggol sa sinapupunan ay lumalaki nang tama. Isa pang paraan ang tinatawag na non-stress test, na nagsasabi kung ang placenta ay nakapagbibigay ng oxygen.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close