embed embed2
'Di Pwedeng Wala Akong Pakialam Diyan,' Cong TV Normalizes Involved First-Time Dads
PHOTO BY SCREENSHOT FROM YOUTUBE /VIYCORTEZ
  • Trending sa YouTube ngayon ang pinakabagong vlog sa channel ni Viy Cortez na partner ni Lincoln "Cong TV" Velasquez na pinamagatang "ZEUSKOPO." 

    Ito ang sequel ng birthing vlog ni Viy. Nakatutuwa na ang Team Payaman couple na sikat sa kanilang mga patawa ay nagiging inspirasyon ngayon ng mga soon-to-be moms and dads.

    Sa vlog, ipinakita kung gaano kasaya si Cong maging bagong tatay. "Nakangiti ako ng ngiti na hindi ko pa nagagawa sa buhay ko," sabi niya.

    READ ALSO: 'Grabe Yung Hirap Nila, Tapos Tayo Pahintay-Hintay Lang,' Cong TV Acknowledges Sacrifices Of Moms During Childbirth

    "Hello, andito si Daddy"

    Nakakagiliw ang engkuwentro ng mag-ama habang inaantay nila si Viy sa recovery room. Iniwan ng mga nurse si Cong kasama ang anak, at hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin. 

    Kinuha nalang niya ang pagkakataong magpakilala sa anak na si Zeus Emmanuel o mas kilala bilang si Kidlat. "Hello, andito si daddy. Hi, ako pala yung daddy mo," sabi ni Cong.

    Normal lang na ma-overwhelm ang mga first-time dads tulad ni Cong. "Di ko alam ano gagawin, parang may kailangan akong gawin pero wala naman." Napasabi tuloy siya, "Akala ko ready na ako, hindi pa pala."

    READ ALSO: Tatay na Ako! 21 Photos of Dads Meeting Their Babies for the First Time

    Cong TV and Kidlat left alone in the recovery room, "Hello, andito si Daddy."
    PHOTO BY SCREENSHOT FROM YOUTUBE /VIYCORTEZ
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    'Wag mo kalimutan si Viy, Cong'

    Hindi naman kinalimutan ni Cong na asikasuhin si Viy na nanganak via Caesarean section

    "Unti-unti na raw nawawala ang anesthesia kaya hindi ko alam anong nararamdaman niya. Tinatanong ko siya kanina, wala naman daw sya masyado nararamdaman. Yung sakit natatakpan na ng saya, hindi ko alam kung posible yun, kasi magkatabi sila ni Kidlat ngayon, yun lang nakikita niya."

     "'Yung sakit natatakpan na ng saya, hindi ko alam kung posible yun, kasi magkatabi sila ni Kidlat ngayon, yun lang nakikita niya."

    Si Viy naman ay lubos din ang paghanga kay Cong sa pagiging involved nito. Biro niya kay Kidlat, "Wala nang bisyo ang daddy mo. Di na siya pwede mag-Valorant. Di na sya vlogger. Tatay nalang siya."

    Talagang excited si Cong sa pagdating ng kanilang panganay na anak, at gusto na raw niya itong dalhin sa ibang bansa. "Kaso ayun nasa day 1 palang kami ni Vivys so long way to go."

    Dagdag pa niya, "Ang sarap namnamin ng every susunod na mangyayari. Yung puyat, I'm ready. I was born for this."

    Matatandaan na noong May ay ipinagpaliban ni Cong ang flight niya patungong Vietnam at gusto na lamang daw niya pumunta doon pag magkakasama na sila.

    "Okay lang, masaya naman"

    Nakakabilib kung ano ang nagagawa ng pagiging tatay, na ipinakita ni Cong sa vlog. Sabi niya, "May mga bagay na kaya mong alisin yung paki sa mga bagay."

    "Kay Kidlat, tulog ka, hindi pwedeng wala kang paki. Hindi dahil sa gusto mong magkaroon ng pakialam, kundi dahil yun ang sinasabi ng katawan mo, automatic yan."

    Sa puntong ito, narinig niya na umiyak si Kidlat. Tumayo ito at tiningnan ang mag-ina sa kwarto.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    PHOTO BY SCREENSHOT FROM YOUTUBE /VIYCORTEZ

    Sabi niya sa cameraman, "Tulad niyan, hindi pwedeng wala akong pakialam diyan," tinanggal muna niya ang kanyang microphone, isinantabi ang pagiging vlogger, at pumasok sa kwarto at nagpaka-tatay.

    Habang nasa biyahe ay nag-usap ang mga bagong magulang ukol sa kanilang karanasan, kahit gaano pa man kaiksi pa lamang ito.

    Sabi ni Cong, "Ito yung pagod ka, pero nakangiti kang pagod. Lahat mahirap pero lahat ginagawa mo ng nakangiti, ng masaya, si Kidlat lang nakagawa sa amin noon." Sumang-ayon naman si Viy.

    Dagdag pa niya, "Okay lang, masaya naman."

    Bakit dapat involved ang ama

    Ayon sa isang pag-aaral noong 2006 nina Jeffrey Rosenberg at W. Bradford Wilcox, ang isang pinakamahalagang impluwensiya na magagawa ng isang ama para sa kanyang anak ay makikita kung paano nito alagaan ang ina.

    "One of the most important influences a father can have on his child is indirect—fathers influence their children in large part through the quality of their relationship with the mother of their children."

    Tama ang sabi ng netizen, na hindi dapat kalimutan ni Cong si Viy, kahit na gaano siya kaligaya sa pagdating ni Kidlat. "A father who has a good relationship with the mother of their children is more likely to be involved and to spend time with their children and to have children who are psychologically and emotionally healthier."

    PHOTO BY SCREENSHOT FROM YOUTUBE /VIYCORTEZ
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag nila, mas matututo si Kidlat na maging mabuting lalaki kung makikita niya kay Cong na nirerespeto niya si Viy. "Fathers who treat the mothers of their children with respect and deal with conflict within the relationship in an adult and appropriate manner are more likely to have boys who understand how they are to treat women and who are less likely to act in an aggressive fashion toward females."

    Paano masusuportahan ng mga ama tulad ni Cong ang mga bagong ina? Narito ang 18 paraan.

    What other parents are reading


  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles