embed embed2
Madali Ka Bang Magkasugat Sa Kamay Kapag Nangati Ang Balat?
ILLUSTRATOR Stephanie Ocampo
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Naranasan mo na bang magkaroon ng sugat sa kamay dahil sa gamit mong sabong panlaba? Kung minsan, may pangangaliskis din sa kamay na dulot ng mga kemikal mula sa produktong ito.

    Eczema at dermatitis ang generic term sa mga inflammation ng balat. Madalas na babies at mga bata ang nagkakaroon nito ngunit maaari ding magkaroon ganitong sakit sa balat ang mga may edad na. 

    Madalas na napagkakamalang buni o ringworm ang mga ito ngunit dapat tandaang naiiba ang itsura ng buni sa eczema. Solid at may lesion ang huli kumpara sa buni na dalawang bilog ang pattern ng pamamaga ng balat. Mas manipis at clear ang bilog na nasa gitna ng buni at mukhang singsing ang namumulang umbok na nakapalibot dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ngayong may pandemya, karamihan sa ating health workers ay nagkakaroon ng eczema dahil sa halos 24/7 na pagsusuot ng gloves, paghuhugas ng kamay, at paglalagay ng alcohol.  

    Dalawa sa karaniwang uri ng eczema ang atopic dermatitis at contact dermatitis.
    Sa babies, mas madalas na ang atopic dermatitis ay nasa anit nila, sa pisngi, sa siko, sa tuhod, at sa harap ng mga braso at binti. Kapag sa mas malalaking mga bata at matatanda, mas madalas na sa likod ng leeg, sa harap ng siko, at sa alak-alakan ito makikita.

    Maaaring genetic o namamana ang atopic dermatitis. Kilala rin ito bilang skin asthma. Madalas, naipapasa ito sa mga bata kapag nasa lahi ng pamilya ang pagiging prone sa asthma o allergic rhinitis. Likas kasing kulang sa hydrating factors ang kanilang balat.

    Sintomas ng atopic dermatitis

    Stress, pabago-bagong klima, at iba pang environmental factors ang ilan pa sa sanhi ng atopic dermatitis. Narito pa ang ibang sintomas.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    • sensitibong balat
    • balat na tuyo, nangangaliskis, at nangangati ang balat
    • may pulang patse-patse ng balat sa mukha, braso, at binti

    Alam mo bang maaari ka ring magkaroon ng eczema at sugat sa kamay dahil sa iyong pabango, alahas, make-up, at sinturong may bakal?

    Sintomas ng contact dermatities

    Sa contact dermatitis, nagri-react lamang ang balat kapag nadidikit ito sa allergens. Kahit ang detergent, fabric softener, gomang tsinelas, butones ng suot mong pantalon, at sariling pawis ay maaaring maging sanhi ng eczema. Dahil ito sa mga kemikal na gamit sa paggawa ng nabanggit na mga bagay. Mahalagang tukuyin ang posibleng sanhi o nakapag-trigger ng pamamaga at mga sugat.

    Posibleng triggers kung allergy ang sanhi ng contact dermatitis

    • alahas lalo na ang gawa sa nickel at gold
    • latex gloves
    • mga pabango lalo na ang may matapang na amoy
    • mga kemikal sa cosmetics at skin care products
    • poison oak o poison ivy

    Sintomas kung allergy ang sanhi ng contact dermatitis

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag irritants ang sanhi ng contact dermatitis, ito ang triggers

    • battery acid
    • bleach
    • drain cleaners
    • kerosene
    • detergents
    • pepper spray

    Sintomas kung irritant ang sanhi ng contact dermatitis

    • pagkakaroon ng blisters at pamamaga
    • nagka-crack ang balat
    • open sores
    • ulcerations

    Mga dapat gawin kapag may eczema

    Ayon sa mga eksperto, hindi nakakahawa ang eczema. Hindi dapat mangambang mahahawa ka kung may kasama sa bahay na mayroon nito. Hindi rin dapat pandirihan ang mga may sakit sa balat tulad ng eczema.

    Tandaang may mga pagkakataong nag-o-overlap ang mga sintomas ng magkakaibang uri ng dermatitis. Ang mga mayroong atopic ay prone din sa contact dermatitis. 

    Maaari ding magpabalik-balik ang mga sakit sa balat na ito. Ayon sa mga eksperto, kailangang agad na sumangguni sa mga doktor. Maaring ang sugat sa kamay ay hindi lang dahil sa eczema. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano ang mga posibleng lunas na maaaring irekomenda o ireseta ng doktor?

    1. antihistamines upang makontrol ang pangangati
    2. antibiotics kapag may bacterial infections
    3. Kapag maliligo, maligamgam na tubig ang gamitin.
    4. Once a day na lang maligo at half-bath o punas na lang sa gabi.
    5. Iwasang maligo nang matagal (sapat na ang sampung minuto).
    6. Maaaring haluan ng ground oatmeal ang tubig sa pagligo.
    7. Maaaring haluan ng mineral oil ang tubig pampaligo.
    8. Pumili ng mild na mga sabon.
    9. Iwasan ang anti-bacterial soaps.
    10. Gumamit ng lotion upang maiwasang matuyo ang balat at maibsan ang pangangati.
    11. Maaaring maglagay ng petroleum jelly sa balat at masahiin ito.
    12. Gumamit ng topical steroids dalawang beses sa isang araw o once a week.
    13. Gumamit ng humidifier sa loob ng bahay.
    14. Iwasan ang pagsusuot ng masisikip na mga damit upang makaiwas sa labis na pagpapawis.
    15. Piliin ang mga produktong “hypoallergenic” o “unscented.”
    16. Gumamit ng vinyl gloves imbes sa latex gloves kung may allergy ka sa latex.
    17. Magsuot ng long-sleeved shirts at pantalon kapag nasa mga lugar tulad ng bukid at bundok.
    18. Kung mapapansin mong hindi ka hiyang o may pangangati sa paggamit ng bagong produkto, itigil muna ang paggamit dito.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Higit sa lahat, kumunsulta sa doktor upang mabigyan ng payo tungkol sa sakit sa balat na nararanasan. Mahalagang maibahagi sa doktor ang mga sintomas na nararanasan, medical history, at kung nasa lahi ng pamilya ang rashes at allergies.

    What other parents are reading

     

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close