Tagalog,con-00062,greener,larawan ng iba't-ibang uri ng sakit sa balat,scr23,r08-judy,Larawan Ng Iba't-Ibang Sakit Sa Balat | Smart Parenting,larawan ng iba't-ibang uri ng sakit sa balat, sakit sa balat, skin diseases, common skin skin diseases, rashes,Isa sa pinag-aalala ng mga mommy kapag may pagbabago sa balat ng kanilang anak. Narito ang ilang larawan ng iba't-ibang uri ng sakit sa balat.
SAKIT AT SINTOMASMGA URI NG SAKIT SA BALAT

Ano Ang Mga Sakit Sa Balat Na Nasa Mukha At Kamay Sa Larawan?

May butlig-butling at namumula ang balat ni baby. Normal lang ba ito?
PHOTO BYCreative Commons

Updated as of November 29, 2023

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Isa sa pinag-aalala ng mga mommy kapag may napansin na pagbabago sa balat ng kanilang anak o may tumubong anuman na kakaiba. Madalas na itanong ng mga mommy kung normal ba ito o kung ano ang maaaring pantanggal o paano ito mawawala. Kadalasan na mapapansin ang pagkakaroon ng mga butlig o kaya patse-patse na pamumula sa balat na karaniwan na dulot ng mainit na panahon.

Ngunit may iba’t ibang uri ng sakit sa balat at magkakaiba rin ang sintomas at ang tindi ng epekto nito. May iba na panandalian lamang at kusang nawawala. Pero mayroon din na nagiging permanente. May iba na walang namang naidudulot na anumang sakit o iritasyon.

Larawan ng iba't-ibang uri ng sakit sa balat

Bagaman karaniwan din sa mga sakit sa balat ay pansamantala lamang o panandalian, may ilan na indikasyon ng mas seryosong sitwasyon. Mayroong dahil sa genetic condition samantalang ang iba ay bunsod ng mga sitwasyon o panahon. Narito ang description o larawan ng iba't-ibang uri ng sakit sa balat.

Atopic dermatitis

Ang atopic dermatitis ay uri ng skin condition na tinatawag na eczema. Karaniwang namumula at nangangati ang balat. Bukod pa sa lumalabas na rashes, mapapansin din ang pagbabalat ng balat.

article image
Ikinuwento ng ina ni Baby Joaquin ang eczema journey nila.
PHOTO BY courtesy of Roxi Santiago

Contact dermatitis

Mamula-mula at makating rashes na lumalabas ilang oras o araw kapag na-irritate ang balat ng anumang substance o allergen na magdudulot ng allergic reaction sa balat. Mararanasan ang pagsusugat o pamamaltos sa balat kapag kinamot ito dahil sa sobrang pangangati.

watch now
article image
Kaso ng allergic o irritant contact dermatitis pagkaraan ng isang araw nang humawak ng mamasa-masa mga labi ng konstruksyon.
PHOTO BY Creative Commons/Rleffmann

Seborrheic dermatitis

Kulay dilaw o puti na nangangaliskis na mga pantal na natatanggal o natutuklap ang seborrheic dermatitis. Ang apektadong bahagi ay namumula, nangangati, nagmamantika o oily. Posible ang paglagas ng buhok o pagtanggal ng balahibo sa bahagi ng balat na apektado nito. (Silipin ang istura dito.)

Ang ganitong kondisyon sa mga newborn ay pangkaraniwan na. Tinawag itong langib sa ulo o cradle cap na hindi delikadong kondisyon sa anit. Kusa itong nawawala sa paglaki ng baby.

Ringworm o tinea corposis

May ringworm o buni ka kung ang skin rash na nakita mo ay pabilog na may nakaumbok na bahagi at makaliskis. Isa itong fungal infection na makati at namumula. Hindi gaanong apekdato ang bahagi ng balat na nasa labas ng bilog.

article image
Ringworm o buni sa bandang kilikili. Naipapasa ang buni sa pagdikit ng balat ng tao o hayop na mayroon nito.
PHOTO BY Creative Commons/ProjectManhattan

Psoriasis

Autoimmune na sakit ang psoriasis na ito ay nagdudulot ng pamumula, pagtigas, at paghapdi ng balat. Mabilis ang pagdami nito na nagiging magaspang at makalisikis ang balat dahil sa pagiging dry o pagtuyot. Makati rin ito at masakit kapag nagsugat. (Silipin ang larawan dito.)

Heat rash

Sa labis na pagpapawis, lumalabas ang heat rash o bungang araw lalo kapag tag-init o kaya sobrang maalinsangan ang panahon. Magkakaroon ng mga pagpapantal sa balat. Hindi tumatagal ang ganitong kondisyon dahil karaniwang nawawala naman kapag nalamigan ang apektadong bahagi ng balat.

article image
Miliara dun ang tawag sa heat rash o bungang araw.
PHOTO BY iStock

Intertrigo

Sa baby, ang intertrigo ay kadalasan nagma-manifest na diaper rash. Pero makikita din itong sa bahagi ng kilikili, sa ilalim ng suso, sa pagitan ng balat ng tiyan, o pagitan ng daliri sa paa.

Nangyayari intertrigo dahil sa pagkiskisan ng mga balat sa mga bahagi ng katawan na madalas na pagpawisan kaya nagdudulot ng pamamaga. Mahapdi at sensitibo ang mga bahagi ng balat na apektado. Makati rin ito at magsusugat ang bahaging apektado kapag matindi ang pagkiskisan ng balat lalo pa kapag kinamot ang bahaging apektado.

Hand, foot, and mouth disease

Kadalasan na naapektuhan ang mga batang nasa edad 5 pababa ng hand, foot and mouth disease. (Naikuwento ni Iya Villania na nagkaroon sina Primo at Leon nito).

article image
Masakit at mapapansin ang mga namumulang patse-patse o paltos sa bibig, dila at galagid kapag may hand, mouth and foot disease.
PHOTO BY Creative Commons/MidgleyDJ

Makikita sa palad at talampakan ang mga pulang pantal na hindi nakaumbok. Posibleng makita rin ang mga pantal sa puwet o genital area.

Tigyawat (acne)

Karaniwang tumutubo sa mukha ang acne pero puwede ring tubuan ng pimples sa dibdib, leeg, balikat, o itaas na bahagi ng likod ang tigyawat. Posibleng mag-iwan ng peklat o dark spot kapag napabayaan. Sa mga baby, kadalasan na panandalian lamang ang kondisyon na ito na kusang nawawala na walang kailangang gamutan. Ito ay maliliit na butlig na mapula.

Kuwento ng isang derma sa amin, hindi sapat ang sebo de macho para maging peklat remover.

Scabies

Hindi infection kundi isang skin infestation ang scabies o kurikong na dulot ng maliliit na mites na tinatawag na Sarcoptes scabiei. Labis na makati, namumula, possible ang pagsusugat, at pagbabalat ng balat. Tumatagal ang sintomas nito nang apat hanggang anim na linggo. (Makikita ang itsura ng kurikong dito.)

Shingles

Ito ay dulot ng virus mula sa bulutong o chicken pox. Mahapdi o masakit ang mga tutubong pantal sa balat. Pagkaraan ng ilang linggo, unti-unting magbabalat ang pantal at mawawala ang sakit at pangangati.

Tigdas (measles)

Mapapansin ang mapupulang rashes o spots na kalat sa buong katawan ang tigdas o measles. Unang napapansin sa dibdib at likod ng bata at maaaring kumalat sa leeg, mukha, braso, at hita. Kadalasan na flat lamang ito pero maaari ding nakaumbok.

article image
Kasamang sintomas ng tigdas ang lagnat, pamamaga ng lalamunan, pamumula at pagluluha ng mata, kawalan ng gana sa pagkain, ubo at sipon.
PHOTO BY CDC/Jim Goodson

Kapag tigdas hangin, hindi ito makati.

Tagulabay

Isang reaksyon sa balat ang tagulabay na makikita ang mapula o maputing mga pantal sa mukha, likod, braso, at binti. Mararanasan ang matinding pangangati. Masakit at mahapdi naman kapag sa lalamunan, labi, kamay ito tumubo.

May iba’t ibang laki, kulay, at hugis ang mga pantal na nawawala habang tumatagal ang reaksyon sa balat. Sa ilang kaso, maaaring sanhi ito ng karamdaman gaya ng thyroid o lupus.

Kagat ng insekto

Makati ang balat kapag nakagat ng insekto at maya-maya lang nakaumbok na ang bahaging namumula. Pero kung may allergy sa kagat ng insekto gaya ng bubuyog at putakti, bukod sa mamaga ang bahaging  natusok ay possibleng magkaroon ng rashes at mangati ang buong katawan. Maaaring makaranas din ng kakapusan sa paghinga at anaphylaxis.

Paltos

Karaniwan makikita ang paltos sa bahagi ng paa pero maaari ding tumubo sa ibang bahagi ng katawan. Mapapansin ang paglobo ng balat na may tubig sa loob.

Karaniwan sa mga bata ang mga sumusunod na sakit sa balat

  1. eczema
  2. diaper rash
  3. seborrheic dermatitis
  4. bulutong
  5. tigdas
  6. warts
  7. tigyawat (acne)
  8. kulugo (warts)
  9. hives
  10. ringworm
  11. rashes mula sa bacterial o fungal infection
  12. allergic reactions

Dahil sa mas madalas din silang expose sa ibang bata at dumi, posibleng madebelop sa kanila ang mga sakit sa balat na napakadalang namang maranasan ng mga matatanda. Nawawala naman ang mga sakit sa balat ng mga bata sa kanilang pagtanda maliban na lamang kung namana nila ito o napabayaan.  

May nabibiling mga over-the-counter na mga pampahid na ointment at topical creams, mga lotions, at mga gamot na makatutulong sa pag-alis ng pangangati sa mga karaniwang sakit sa balat ng mga bata.

Pero bago gumamit ng anumang ointment o cream, mahalagang magpakonsulta sa dermatologist para matiyak ang uri ng sakit sa balat lalo na kung baby pa ang anak. Baka lumala lamang ang sitwasyon kung maling gamot din ang ilalagay rito. Kaya mahalaga na magkaroon ng ideya mula sa larawan ng iba't-ibang uri ng sakit sa balat.

Ligtas na Home Remedies para sa sakit sa balat

Tandaan na ang mga ito ay maaaring gawin at sundin lamang matapos ikonsulta ang sakit sa balat sa inyong doktor. Itong mga home remedies na ito ay para maibsan lamang ang kati at discomfort ng bata, at hindi para gamutin ito.

1. Langis ng niyog o tubig na may asin

Gumamit ng malamig na patak ng langis ng niyog sa apektadong bahagi ng balat para mabawasan ang pangangati. Ang malamig na tubig na may asin ay maaaring magbigay ng ginhawa sa kati. Gumamit ng cotton ball na binasa sa asin at ipahid ito sa balat.

2. Paggamit ng natural na sangkap sa balat

Ang aloe vera ay kilalang natural na pampatanggal ng pangangati. Kunin ang gel mula sa kahoy ng aloe vera at ipahid ito sa balat.

Ang oatmeal bath ay nakakatulong din sa pagsinghot ng pangangati. Ilagay ang malusog na lata ng oatmeal sa tubig at paliguan ang bata sa katas nito.

Paano mapanatiling malusog ang balat ng bata

Siguruhing lagi malinis ang damit at diaper ng bata upang maiwasan ang irritation. Maglaan ng sapat na oras para sa pagpapahinga at pagtulog, dahil ito ay mahalaga para sa kalusugan ng balat.

Ayon kay Dr. Joey Cuayo Estanislao, isang pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts, mahalaga ang madalas na pagpapalit ng diaper ng baby, mapa-newborn man ito o toddler, dahil ang moisture mula sa ihi nito at friction sa diaper ang maaaring maging sanhi ng rashes o iba pang sakit sa balat.

Frequently asked questions tungkol sa sakit sa balat

1. Ano ang mga karaniwang sanhi ng eczema sa mga sanggol?

Ang eczema sa mga sanggol ay maaaring mapahaba o mas lalong maging masama dahil sa iba't ibang dahilan. 

Kung may kasaysayan ng eczema sa pamilya, mataas ang posibilidad na maaaring magkaroon ng eczema ang sanggol. Maaaring dahilan rin ang iritasyon sa balat, kung saan nakagamit ng mga produktong may harsh na kemikal o di-nakakabuti sa balat ng sanggol.

Ang mainit o sobrang lamig na panahin ay maaaring magdulot ng pag-atake ng eczema sa balat, gayundin ang pagsulpot ng mga allergens tulad ng pollen, alikabok, o pagkain na maaaring maka-trigger rin ng eczema.

2. Paano malalaman kung diaper rash lang o sakit na sa balat?

Ang pagkakaroon ng diaper rash ay karaniwang pangyayari sa mga sanggol, ngunit mahalaga na makilala ito mula sa iba pang kondisyon sa balat. Karaniwang makikita ang diaper rash sa mga lugar na may direktang kontak sa diaper, gaya ng puwerta, singit, at genital area. Ito ay maaaring magdulot ng pamumula, pamamaga, at paminsang pamumula.

Ang diaper rash ay maaaring mapabilis na gumaling sa pamamagitan ng pagpapalit ng diaper nang madalas, paglilinis ng mabuti ng puwerta, at paggamit ng diaper cream. Kung maselan ang sanggol at tila masakit sa tuwing ikinikiskis ang diaper area, ito ay maaring senyales ng diaper rash.

3. Ano ang dapat tandaan ng mga magulang ukol sa mga skincare products para sa mga bata?

May mga produktong maaaring maging sanhi ng irritation o allergy sa sensitibong balat ng sanggol. Una na diyan ay ang mga fragrance-laden products, o mga produktong may mataas na amoy o pabango na maaaring magdulot ng irritation. Iwasan ang mga sabon o lotion na may malakas na amoy.

Iwasan rin ang mga produkto na may mga kemikal na maaaring maging masama para sa balat ng sanggol, tulad ng alcohol at harsh preservatives, pati na rin ang mga produktong gumagamit ng artificial dyes.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close