-
Labor & Childbirth 7 Exercises You Can Do At Home To Help Prepare You For Labor And Delivery
-
Toddler Why Your Toddler Has a Favorite Parent (and What to Do If It's Not You)
-
Your Kid’s Health Bawang At Pabango? Home Remedies Para Sa Sakit Ng Ngipin Mula Sa Dentista
-
Money Is It Okay to Hide Money From Your Partner? An Expert's Advice
-
5 No-Touch Tools Maliban Sa Face Mask At Shield Para Manatiling Ligtas
Pwede mong gamitin ang mga ito kung hindi mo maiwasan ang paglabas.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Instagram/@nelwood.ph
Hanggat wala pang bakunang nagagawa laban sa COVID-19, mananatili pa rin tayong maingat pagdating sa paglabas ng ating mga bahay at paghahawak ng mga gamit na hinawakan ng iba at nanggaling sa labas.
Bagaman paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face mask at face shield ang pinakamabisang paraan para hindi mahawa sa COVID-19, marami pa ring nagsulputang ibang paraan para bigyang proteksyon ang ating mga sarili.
Isa na nga sa mga pamamaraang ito ang mga tinatawag na 'no-touch tools'. Ito ang gagamitin mong panghawak sa mga bagay-bagay sa halip na direkta mong ipanghawak ang mga kamay mo.
Wala pang opisyal na salaysay ang mga eksperto kung gaano nga ba kalaki ang naitutulong nito para bigyang proteksyon ka, ngunit sa panahon ngayon, lalo na para sa mga taong hindi maiwasang lumabas, mas maraming paraan ng proteksyon, mas mainam.
Kaya naman tinanong namin ang mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village kung anu-ano nga bang mga no-touch tools o protective items ang ginagamit nila para manatiling ligtas kung kinailangan man nilang lumabas ng bahay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIba't-ibang no-touch tools na patok ngayon online
No Touch Tool ng Nelwood
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosAyon sa kanilang Instagram, makakatulong ang kanilang No Touch Tool para limitahan ang direct contact sa mga tinaguriang potentially unsafe surfaces. Kabilang na dito ang mga ATM, elevator buttons, door handles, at car handles.
Pocket Nano Mist Spray
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa mga nanay sa Village, ginagamit nila ito para ipanlinis ng pera at barya, pati na rin mga maliliit na bagay tulad ng mga susi, cellphone, earphones, at iba pa.
Pwede rin itong gamitin sa ano mang hawakan tulad ng grocery cart, car door, door handles, ATM, at ano mang hahawakan mo paglabas mo. Pwede mo itong orderin online sa halagang Php199 hanggang Php350.
Disinfection Stick
Marami kang makikitang ganito sa mga online stores. Tulad ng No Touch Tool ng Nelwood, ito rin ang siyang gagamitin mong panghawak o pampindot sa labas.
Ang maganda dito, mayroon itong disinfection sponge sa loob. Sa tuwing isasara mo ito pagkatapos mong gamitin, didikit ang maruming tip sa disinfection sponge.
Lalagyan mo lang lagi ng alcohol o disinfectant ang sponge para sigurado kang sanitized lagi ang dulo ng disinfection stick mo. Mabibili mo ito online sa halagang Php120 hanggang Php250.
Disposable Shoe Covers
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDati, ang gamit lamang ng mga shoe covers ay para bigyang proteksyon ang sapatos mo laban sa baha. Ngayon, dumodoble na rin itong proteksyon para hindi mo madala sa paa mo ang virus.
Kung wala kayong foot bath sa bahay, pwede mong gamitin ang shoe cover at itapon ito bago ka pumasok sa bahay.
What other parents are reading
Shopping Cart Handle Cover
May mga No Touch Tools na pwedeng gamiting pantulak sa mga grocery carts. Kung wala ka nito, pwede kang bumili ng mga shopping cart handle covers. Mayroong pwedeng itapon, habang mayroon namang pwedeng isupot at labhan pagdating sa bahay.
Pwede mo itong orderin online sa halagang Php100 pataas. Pwede mo rin itong i-DIY sa bahay. Kailangan mo lang ng mga lumang damit o sobrang basahan.
Siyempre, mas mainam pa rin kung hindi ka na lalabas ng bahay. Ito pa rin ang isa sa mga pinakamainam na paraan para maiwasan mo at ng iyong pamilya na mahawahan ng virus. Samahan mo pa ito ng pagiging malinis sa katawan at bahay, pati na rin ang pagkain ng masusustansiyang pagkain at pag-inom ng mga vitamins.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung hindi mo maiiwasang lumabas, pwede kang magdala ng sanitizers, disinfectants, o alin man sa mga no-touch tools na narito sa listahan.
What other parents are reading
Mayroon ka bang nagamit na sa mga ito? Alin at kumusta ang experience mo sa paggamit? I-share mo na ang iyong experience sa comments section.
Naghahanap ka ba ng iba pang tips tulad nito? Marami 'yan sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network