embed embed2
Kailangan Ba Ng Antibiotic Para Sa Sakit Ng Ngipin? Ito Ang Sagot Ng Dentista
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    May mga Pinoy na naniniwalang antibiotics ang sagot sa maraming karamdaman, kahit simpleng sipon at trangkaso. Kaya ang tanong nila ay kung puwede rin ang antibiotic para sa sakit ng ngipin.

    Paliwanag ng dentistang si Dr. Evangeline de Guzman-Calimlim na hindi basta-basta iniinom ang antibiotics. Aniya, kailangang komunsulta muna sa dentista para malaman kung ano ang sanhi ng sakit ng ngipin. Kung may infection o di kaya binunutan ka ng ngipin, maaari kang resetahan ng gamot para sa pamamaga.

    Ano ang antibiotics?

    Isang uri ng gamot ang antibiotics na ginagawa para labanan ang impeksyong dulot ng bacteria (bacterial infection) sa tao at hayop, ayon sa United States National Library of Medicine. Pinupuksa ng antibiotics ang mga bacteria hanggang mamatay o para hindi na dumami at lumaganap pa sa katawan.

    May ilang paraan para magamit ang antibiotics:

    Orally (sa pamamagitan ng bibig)—tulad ng pag-inom ng tabletas, pills, capsules, syrup, at iba pang likido

    Topically—tulad ng pangpahid ng cream o di kaya ointment sa balat at pag-spray, pati na ang pinapatak na eye drops o di kaya ear drops.

    Injection o intravenously (IV)—para sa mas seryosong klase ng infection

    Diin ng mga eksperto na nagagamot lamang ng antibiotics ang ilang uri ng infection, gaya ng:

    • Urinary tract infection (UTI)
    • Respiratory tract infections (sore throat, sinusitis, pneumonia)
    • Ear infections
    • Sexually-transmitted diseases (chlamydia)
    • Foodborne infections (salmonella, E.coli)
    • Dental-related infections (gum diseases, post-operative)
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ibig sabihin, hindi uubra ang antibiotics sa mga sakit na dulot ng virus o viral infections, tulad ng common cold at flu (basahin dito).

    Mahigpit na bilin ng mga eksperto na huwag basta-basta uminom ng antibiotics at kailangan muna ng reseta ng doktor. Mahalaga ring sundin ang instructions ng doktor kung ilang beses sa isang araw at kung gaano katagal ito dapat inumin para maiwasan ang antibiotic resistance. Kapag nagkaroon ka ng antibiotic resistance, hindi na tatablan ang bacteria na sanhi ng infection.

    Mga dapat gawin kapag masakit ang ngipin

    Imbes na uminom ng antibiotic para sa sakit ng ngipin, may mas maigi pang gawin bilang gamot sa sakit ng ngipin. Kung hindi ka pa kaagad makakapunta sa dentista, maaari mong subukan ang ilang sakit ng ngipin home remedy mula kay Dr. de Guzman-Calimlim, na may dental clinic sa Marikina City.

    Una, magmumog ng maligamgam na tubig na may halong asin. Pagkatapos, uminom ng temporary pain reliever na nabibili over-the-counter. Pero kung wala ka nito sa bahay at walang mabilhan, subukan ang natural pain reliever.

    Magdikdik ng bawang at ipasak sa sumasakit na ngipin upang magsilbing pain reliever. O di kaya ay gumamit ng bulak na pinatakan ng pabango at iyon ang ipasak sa sumasakit na ngipin.

    Kapag namamaga ang panga at pisngi, gawan ng cold compress bilang paraan kung paano mawala ang sakit ng ngipin. Ibalot lang ang ilang piraso ng yelo sa bimpo at idikit ito sa parte ng mukha kung saan sumasakit ang ngipin.

    Bakit sumasakit ang ngipin?

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May iba-ibang dahilan kung bakit nagkakaroon ng toothache, ayon sa Cleveland Clinic. Puwede raw mula sa maliit na bagay, gaya ng tinga sa ngipin, hanggang sa seryosong dental problem.

    Tooth decay

    Nangyayari ito kapag ang pulp ng ngipin ay namaga at naimpeksyon, sabi ng mga eksperto. Ang pulp ay ang malambot na parte sa loob ng ngipin na nagtataglay ng blood vessels at nerves.  

    Nangyayari ang pamamaga at impeksyon kapag napinsala ang ngipin, kadalasan dahil sa butas o cavity. Resulta ang cavity ng pagiging pabaya sa pag-aalaga ng ngipin, gaya ng hindi pagtu-toothbrush pagkatapos kumain. Ang pagkain kasi ay may sugar at starch na siyang nagdadala ng bacteria sa bibig. Bacteria naman ang gumagawa ng acid na bumubutas at tuluyang sumisira sa ngipin.

    Kapag napinsala na ang ngipin at magkaroon ng tooth decay, nagsisimula na itong sumakit at nagiging malala pa habang lumalaki ang sira o butas dito. Lalong sumasakit ang ngipin kapag hinahawakan o nagagalaw at kapag kumakain o umiinom. May posibilidad pang mamaga ang panga, lagnatin, at makaramdam ng pagkapagod at pagkainitin ng ulo.

    Abscessed tooth

    Kapag sinabing abscessed tooth, mayroong nana (pus) ang loob ng ngipin mo. Dulot ito ng bacterial infection. Dahil diyan, makakaramdam ka ng moderate to severe pain na maaaring umabot pa sa may tenga at leeg.

    Tooth fracture

    Kung sa hindi inaasahang pangyayari ay nabasag a o natapyas ang ngipin mo, maaaring magdulot ito ng pagkirot. Baka kasi napinsala ang outer shell ng ngipin, na kilala bilang enamel. Ito ang pumoprotekta sa inner pulp ng ngipin, na siya namang naglalaman ng nerves at blood vessels.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    A damanged filling

    Dental filling ang tinatawag ng mga Pinoy na pasta sa ngipin. Isa sa pinakapopular na gamit ng dental filling ay ang pagpuno (fill) sa parte ng ngipin na tinanggal ng dentista dahil sira o bulok na ito. Sa pagdaan ng panahon, lalo na kung hindi maalaga sa ngipin, maaaring matanggal ang pasta at magdulot ng pagkirot.

    Repetitive motions

    Puwedeng magdulot ng pinsala ang paulit-ulit na galaw sa loob ng bibig, tulad ng pagnguya ng bubble gum o di kaya paggiling ng mga ngipin (teeth grinding). Kung ilang taon mo na itong ginagawa, malamang hihina ang mga ngipin mo at tuluyang masira at sumakit.

    Inflamed gums

    Dahil pa rin sa bacterial infection, maaaring mamaga ang gilagid at sumakit hanggang sa ngipin. Ilan pang dahilan para sa inflamed o swollen gums ang maling pagsisipilyo at paggamit ng dental floss, pati na ang paninigarilyo at pagkakaroon ng iritasyon mula sa dental braces.

    Teeth eruption

    Kapag may tumutubong wisdom tooth, posibleng makaramdam ka ng kaunting discomfort at puwede ring tuluyang sumakit dahil sa pamamaga. Maaaring higit sa isa ang karagdagang mga ngipin bilang upper at lower third molars na matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng bibig. May gamot para sa pamamaga ng wisdom tooth.

    Hormonal imbalance

    May koneksyon ang hormones sa dental health, ayon sa mga eksperto. Kaya may mga kababaihan na biglang sumasakit ang ngipin kapag panahon ng kanilang menstruation o di kaya buntis sila. Iyon namang palapit na ang menopause, may posibilidad na maging sensitibo ang kanilang mga gilagid at makaramdam ng kirot.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Malalaman lang ang sanhi ng pananakit ng ngipin kung magpapatingin sa dentista. Kaya paalala ni Dr. de Guzman-Calimlim na iwasan ang self-prescription ng antibiotic para sa sakit ng ngipin.

    Read also: Gamot Sa Sakit Sa Ngipin Pambata

    What other parents are reading

     

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles