embed embed2
  • Makati Ang Paa? Mga Sanhi At Home Remedies Kapag Nagsugat Na Ito

    Bilin ng mga doktor na huwag kakamutin ang sugat dahil maaaring lumala at magkaroon pa ng impeksyon.
    by Dinalene Castañar-Babac .
Makati Ang Paa? Mga Sanhi At Home Remedies Kapag Nagsugat Na Ito
PHOTO BY Shutterstock/leungchopan
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

     Hindi maiiwasan na kamutin ang sugat lalo na pag makati ito. Pero mahigpit na bilin ng mga doktor na huwag na huwag kakamutin ang sugat dahil maaari itong lumala at magkaroon pa ng impeksyon. Posible ring lumawak ang sugat.

    Mga sugat sa paa na makati

    Sadyang nakakairita kapag makati ang sugat lalo na sa paa. Dagdag pa rito, nakararanas ng pangangati ng paa dahil sa mga kondisyon sa balat gaya ng allergic contact dermatitis, alipunga, atopic dermatitispsoriasis, kagat ng insekto, at iba pang sitwasyong nakaiirita sa balat. 

    1. Tuyong balat

    Kadalasan, sa sobrang dry ng balat sa paa, nagkakakalyo at nagkakabitak-bitak ang sakong. Ito ay dahil sa labis na pagod nito sa pagbitbit ng ating bigat sa maghapon lalo na sa matagal nating pagkakatayo. Nakaaapekto rin ang yari ng suot nating panyapak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag labis ang panunuyo ng balat, nauuwi ito sa pagtutuklap o pagbabalat. Kadalasan na nangyayari ito sa talampakan ng paa. Nagdudulot ng pangangati ang tuyong balat na posibleng sanhi din ng panahon, palagiang pagka-expose o pagkababad ng paa sa tubig, palagiang paghuhugas ng paa, o kahit paglangoy sa swimming pool.

    Makatutulong ang paglalagay ng cream, lotion, o langis para ma-moisturize ang balat. 

    2. Allergic reaction

    Nagdudulot ng pangangati ang skin allergies na nagreresulta naman sa pagkakaroon ng mga kondisyon sa balat gaya ng eczema o psoriasis o pagkakaroon ng kontak sa mga allergen. Ang pag-inom ng antihistamine ay nakatutulong para maibsan ang anumang sintomas nito gaya ng pagpapantal-pantal at pangangati. 

    3. Eczema

    Kapag may eczema o atopic dermatitis, mararanasan ang panunuyo at pangangati ng balat. Ang kondisyong ito sa balat ay puwedeng maranasan sa anumang bahagi ng katawan bukod sa paa. 

    Tinatawag na dyshidrotic eczema ang uri ng ganitong sakit sa balat na tumutubo sa gilid at talampakan ng paa. Nagdudulot ito ng maliit, malalim, at makating paltos sa paa. Maaari itong magtubig kapag kinamot hanggang sa magbalat ito at magsugat.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Para maibsan ang pangangati, makatutulong ang pagbabad ng paa sa malamig na tubig o pagdadampi ng malamig sa paa.

    4. Psoriasis

    Makati at masakit kapag nagsugat ang balat na apektado nito. Bukod sa paa, puwede itong maranasan sa anumang bahagi ng katawan. Isa itong kondisyon na nagreresulta ng pamamaga, pagbabalat at pamumula ng balat.

    Karaniwang gamot dito ay cream at lotion na nagtataglay ng tar, salicylic acid, corticosteroids, o kombinasyon nito.

    5.  Alipunga

    Ang alipunga ay isang uri ng sugat sa paa na nararanasan kapag nababad ang paa nang matagal sa tubig, lalo na kung marumi ang tubig gaya ng baha. Nangyayari din ito kapag basa ang paa at agad na nagmedyas at nagsapatos. 

    Isa itong fungal skin disease na nadedebelop sa pagitan ng mga daliri sa paa. Nagdudulot ito ng pangangati sa bahagi ng balat na apektado. Mapapansin na may pamumuti sa balat, basa o nagtutubig, kadalasan din, may hindi kaaya-ayang amoy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakatutulong ang paglalagay ng antifungal ointment sa bahaging apektado. Maaari ding gumamit ng mga antifungal powder sa paa bago magsuot ng medyas kung palagiang nararanasan ang alipunga.

    Bukod sa nabanggit na fungal infection, maaaring maranasan din ang bacterial skin infection kapag mataas ang blood sugar dahil napapahina nito ang immune system.

    Ang simpleng sugat, hiwa, paltos o iba pang pagkasira ng balat ay nagpapahintulot ng pagpasok ng bakterya sa katawan. Nagdudulot ito ng impeksyon sa balat gaya ng impetigo at folliculitis na nagsasanhi ng pangangati.

    Maaaring mag-aplay o pahiran ng topical cream o ointment ang apektadong balat para patayin ang bacteria at gumaling ang sugat. Karaniwan na ang pagpahid ng mga topical ointment ay ipinapayo ng mga doktor na gamitin lamang hanggang dalawang linggo lamang. 

    Home remedies para maibsan ang pangangati ng sugat sa paa

    Ang mga sumusunod ay ilang tips na puwede mong gawin sa bahay para sa pangangati:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • iwasan na kamutin, kutkutin, at kuskusin ang balat para hindi lumala ang sugat at sitwasyon
    • puwede ang paglalagay ng ice kapag sobrang makati o paglalapat ng malamig na towel o pagpapatulo ng malamig na tubig sa makating bahagi
    • regular na paggamit ng moisturizer o oil sa balat para maiwasan ang pag-dry nito
    • kung may allergy sa rubber na tsinelas, iwasan muna ito at gumamit ng yari sa tela o leather
    • paglalagay ng menthol o calamine sa apektadong bahagi
    • pagpahid ng topical cream 

    Pag-iwas na mangati at magkasugat ang paa

    Mahalaga ang pagkakaroon ng tamang pangangalaga sa paa para maibsan ang pangangati at maiwasan ang anumang maidudulot nito sa balat gaya ng pagkakaroon ng fungal infection.

    • Palagiang paghuhugas ng paa gamit ang mild soap at tiyakin na nahuhugasan ang pagitan ng mga daliri sa paa at ang talampakan. Pagkatapos, punasan ito at huwag hayaang basa.
    • Panatilihing tuyo ang paa sa lahat ng pagkakataon. Kung hindi maiiwasan na mababad ang paa sa tubig sa matagal na panahon, maaaring maglagay o magsuot ng proteksyon. 
    • Iwasan ang pagsusuot ng sapatos na basa ang medyas. Tiyakin ding tuyong-tuyo ang paa bago magsuot ng medyas.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bagaman maaaring magamot sa bahay ang mga sugat sa paa na makati at makabibili ng mga over-the-counter na ointment at cream, agad na magpatingin sa sa dermatologist kung walang nagiging pagbabago, mas tumitindi ang pangangati na nakakaabala sa iyong pagtulog o pamamahinga, at mas lumalala ang iyong sugat. 

    Sources: Medical News Today, Healthline

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close