Tagalog,gout,greener,mga Dapat kainin ng taong mataas ang uric acid,branch,Mga Dapat Kainin Ng Taong Mataas Ang Uric Acid | Smart Parenting,mga dapat kainin ng taong mataas ang uric acid, uric acid, gout, sintomas ng mataas ang uric acid, sintomas ng gout, gout diet,Kung may mga bawal na pagkain sa gout, meron ding mga dapat kainin ng taong mataas ang uric acid upang makaiwas sa ganitong uri ng arthritis.
HealthYour Health

4 Mga Dapat Kainin At Inumin Ng Taong Mataas Ang Uric Acid

Idagdag pa ang mga dapat gawin para makaiwas sa gout.
PHOTO BYFreepik/azerbaijan_stockers

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Kung may mga pagkain na bawal sa gout, meron ding mga dapat kainin ng taong mataas ang uric acid. May epekto kasi ang mga uri at dami ng pagkain at inumin na ating kinukonsumo. Kaya mahalaga na malaman at sundin kung alin ang nararapat sang-ayon sa problemang pangkalusugan, tulad ng mataas na uric acid.

Ano ang uric acid?

Ang uric acid ang nalilikha mula sa pagdurog sa mga kemikal sa katawan na tinatawag na purines, ayon sa MedlinePlus ng United States National Library of Medicine. Nanggagaling ang purines sa katawan mismo at sa mga partikular na pagkain at inumin.

Karamihan sa uric acid ay natutunaw sa dugo o di kaya tumutuloy sa mga bato (kidneys) hanggang lumabas sa katawan bilang ihi. Pero kapag masyadong marami ang uric acid sa katawan o di kaya marami ang hindi natatanggal sa katawan, dito na nagkakaroon ng problema.

Ang tawag sa mataas na lebel ng uric acid sa dugo ay hyperuricemia, ayon sa Cleveland Clinic. Ito ang dahilan ng pamumuo ng uric acid na tila mga kristal, o crystals, at kilala bilang urate.

May mga urate na tumambak sa mga kasu-kasuan (joints) at nagdudulot ng gout, na isang napakasakit na uri ng arthritis. May mga urate rin na tumatambak sa mga kidney at nagdudulot naman ng kidney stones.

Kung hindi magagamot ang mataas na lebel ng uric acid, posibleng mauwi ito sa permanenteng pinsala sa buto, kasu-kasuan, at tissue sa katawan. Idagdag pa ang mga sakit sa kidney at sakit sa puso. Lumabas sa mga paga-aral na may koneksyon ang mataas na lebel ng uric acid sa type 2 diabetes, high blood pressure (hypertension), at fatty liver disease.

Sa simula, maaaring wala kang maramdamang sintomas ng mataas na uric acid dahil malalaman lang na ito sa pamamagitan ng uric acid test o iba pang pagsusuri. Pero kung tumambak na ang uric acid crystals sa joints, maaaring meron ka ng gout. Puwede ring kidney stones kung sa isa o parehong kidney tumambak ang uric acid crystals.

watch now

Kapag umatake ang gout, makakaramdam ka ng ganitong mga sintomas:

  • Labis na pananakit ng kasu-kasuan, kadalasan ang hinlalaki sa paa (big toe)
  • Paninigas ng mga kasu-kasuan, tulad ng bukong-bukong (ankle) at tuhod (knee)
  • Hirap sa paggalaw ng mga kasu-kasuan
  • Pamumula at pamamaga ng apektadong kasu-kasuan
  • Pag-iba ng itsura ng kasu-kasuan

Kapag umatake naman ang kidney stones, makakaramdam ka ng mga ganitong sintomas:

  • Labis na pagsakit ng ibabang parte ng likod (lower back), na kadalasang pabalik-balik at kumakalat hanggang sa genitals
  • Pagkahilo na maaaring may pagsusuka (nausea)
  • Madalas maihi kahit mapigilan
  • May dugo sa ihi

Mga dapat kainin ng taong mataas ang uric acid

Kahit hindi ka pa diagnosed na merong gout pero lumabas naman sa iyong test (halimbawa mula sa annual physical exam ng inyong kumpanya) na mataas ang iyong uric acid levels, mainam na bantayan ang iyong kinakain at iniinom. Ito ay para maiwasan ang pagdami ng purine sa katawan.

Narito ang mga pagkain at inumin na mainam, lalo na sa mga delikado sa gout, kaya tinatawag na low purine diet:

Cherry fruit at juice

Sinasabing "promising" ang mga paunang pag-aaral tungkol sa mga benepisyong dulot ng prutas na cherry at katas nito bilang pangontra sa gout. Kilala kasi ang cherry sa taglay nitong anti-inflammatory properties at posibleng pagbawas ng uric acid sa katawan.

May mga pasyente ng gout sa Pilipinas na subok ang bisa ng cherry juice. Mas madali kasing mabili ang juice kesa sa mismong prutas, na tumutubo lang sa mga malalamig na bansa.

Gatas

May ilang pag-aaral din ang nagsasabing maaaring makatulong ang gatas, partikular ang skim milk, sa pagbawas ng uric acid sa katawan at pag-atake ng gout. Pinapabilis daw kasi ng gatas ang paglabas ng uric acid kasama ng ihi sa katawan at pinapababa ang pamamaga ng joints dahil sa uric acid.

Kape

Magkaiba ang acid na taglay ng kape sa uric acid. Ang acid mula sa kape ay sinasabing nakakabawas ng uric acid at pinapabagal ang pagtunaw ng purine habang pinapabilis naman ang paglabas nito mula sa katawan kasabay ng ihi.

Tubig

Kapag uminom ka ng mula lima hanggang walong baso ng tubig kada araw, sinasabing mas mababa ang posibilidad na makaramdam ka ng mga sintomas ng gout. Ginagamit kasi ang tubig ng kidneys para mapalabas ang urine acid kasabay ng ihi.

Pero higit sa pagtutok sa mga partikular ng pagkain at inumin para bumababa ang lebel ng uric acid, mas rekomendado ng mga eksperto ang tamang gout diet. Mga halimbawa:

1. Bawasan ang konsumo ng mga karne (baka, baboy, laman-loob), isda (sardinas, tuna), at lamang-dagat (hipon, pusit) na mataas sa uric acid. Sa halip, subukan ang ibang uri ng pagkain na mayaman sa protina, tulad ng mula sa gulay (plant-based diet).

2. Kumain ng iba-ibang uri ng gulay at prutas. Kahit ang mga sinasabing mataas sa uric acid, tulad ng broccoli at spinach, ay hindi nagdudulot ng atake ng gout. Kaya mainam na makuha rin ang mga sustansya ng gulay at prutas.

3. Piliin ang mga pagkain at inumin na mayaman sa vitamin C. Nakakatulong ang bitaminang ito para mapalabas ang uric acid kasabay ng ihi.

4. Ligtas ang mga pagkain mula sa butil (grains), tulad ng kanin at tinapay, pati na pasta at cereals, pero puwera ang oats.

5. Iwasan ang mga pagkain at inuming matatamis dahil hitik ang mga ito sa fructose. Hindi maganda ang epekto nito sa uric acid levels.

6. Iwasan ang labis na pag-inom ng alak, tulad ng beer, dahil napapataas nito ang uric acid at pinapalala ang atake ng gout.

7. Subukang magbawas ng timbang. Makakatulong ito sa pag-iwas sa gout habang tumututok sa mga dapat kainin ng taong mataas ang uric acid.

Basahin dito ang kung anong gamot sa gout.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close