diabetes,diabetes mellitus,Tagalog,greener,reverse diabetes,Reverse Diabetes | Smart Parenting,diabetes, glucose, prediabetes, blood sugar, type 2 diabetes, reverse diabetes,Seryosong sakit ang diabetes, kaya marami ang umaasang mapigilan o di kaya gumaling. May tinatawag na reverse diabetes, pero hindi garantisadong makakaligtas.
HealthYour Health

Ito Ang Mabisang Paraan Para Maasam Ang Reverse Diabetes, Ayon Sa Mga Eksperto

Kailangan gawin kaagad sa ligtas na pamamaraan.
PHOTO BYFreepik/rawpixel.com

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Kapag diabetes ang ibinigay na diagnosis ng doktor, hindi mapipigilang manlumo dahil seryosong sakit ito. Nariyan ang mga nararamdamang sintomas ng diabetes,  mga dapat iwasan na pagkain (basahin dito), at mga posibleng kumplikasyon, tulad ng hypertension in diabetic nephropathy. Pero may tinatawag na reverse diabetes, kung saan puwedeng mapigilan o makontrol ang sakit.

Mga dapat malaman sa diabetes

Ang diabetes mellitus, na mas kilala sa tawag na diabetes, ay isang grupo ng mga disorder o sakit sa endocrine system. Taglay ng endocrine system ang glands na gumagawa ng hormones, gaya ng insulin.

Kapag nagkukulang o kaya hindi tumutugon ang katawan sa insulin, na nanggagaling sa lapay (pancreas), nagkakaroon ng sakit na diabetes. Masyado tuloy tumataas ang level ng glucose, na tinatawag ding blood sugar.

Kung hindi maagapan, puwedeng magdulot ang diabetes ng mga serious health issue, kasama na ang ilang mga uri sakit sa puso at bato (kidney), pati na pinsala sa nerve.

Kabilang ang diabetes sa common diseases sa mundo. Sa Pilipinas, halimbawa, tinatayang 4 million ang nagkasakit nitong 2019, ayon sa datos ng Diabetes Atlas. Isa raw kada 16 na Pinoy mula 20 hanggang 79 years old ang apektado nito. Ngunit hindi pa kasama diyan ang mga undiagnosed.

Narito ang ilang pangunahing uri ng diabetes:

1. Prediabetes

Kapag sinabing pre-diabetic ka, mataas ang blood sugar mo pero hindi pa aabot sa lebel ng diabetes kaya puwede pang mapigilan.

2. Gestational diabetes

Ang gestational diabetes naman ay nangyayari lang sa buntis at maaaring mawala rin pagkatapos manganak. Kadalasang tinatamaan ang maysakit ng type 1 o di kaya type 2 na diabetes.

3. Type 1 diabetes

Bagamat hindi pa natutukoy ang eksaktong sanhi ng type 1 diabetes, tataaas ang posibilidad na magkaroon nito, lalo na ang bata, kung:

watch now
  • Diabetic ang magulang o kapatid
  • Nagkaroon ng exposure sa isang viral illness o iba pang environmental factors
  • May problema sa immune system o may diabetes autoantibodies

4. Type 2 diabetes

Hindi pa lubusang naiintindihan ng researchers kung bakit may mga taong nagkakaroon ng type 2 diabetes, sabi ng Mayo Clinic. Ngunit klaro raw sa kanila na may kinalaman ang mga sumusunod:

  • Weight—Kapag maraming fatty tissue sa katawan, nagiging resistant ang cells sa insulin. Ito ang hormone na nagpapababa ng blood sugar.
  • Inactivity—Mahihirapan ang katawan sa pagsusunog ng taba kung kulang sa exercise o physical activity. Kailangan din magamit ang glucose o sugar bilang energy at makapagtrabaho ang insulin.
  • Family history—At risk ang mga may magulang o kapatid na diabetic.
  • Age—Tumataas ang risk kapag nakakaedad na, pero dumadami rin ang mga bata at teenager na nagkakasakit.
  • Other medical conditions—Kabilang dito ang pagkakaroon ng polycystic ovary syndrome (PCOS), high blood pressure o hypertension, na tinatawag ding hypertension in diabetic nephropathy, at abnormal cholesterol and triglyceride levels.

Ang ang reverse diabetes?

Kapag sinabing "reverse" o "reversal," ibig sabihin kabaliktaran o babaliktarin, halimbawa, ang takbo ng pagkakasakit ng diabetes. Puwede mangyari ang reversal sa prediabetes habang hindi pa nagiging ganap na type 2 diabetes, ayon sa Yale Medicine.

Pero kung ganap nang type 2 diabetes, ayon naman sa Diabetes UK, hindi nila ito tinatawag na diabetes reversal. Nagpapahiwatig kasi ito ng permanenteng pagkawala ng sakit. Ang posibleng mangyari ay mabawasan ang tindi ng pagkakasakit ng diabetes, at tinatawag itong remission.

Sa panahon ng remission, mas mababa na ang iyong blood sugar, o glucose, levels sa diabetes range. Kaya hindi mo kakailanganin na uminom ng gamot.

Nagkakasundo ang mga eksperto na maisasakatuparan ang prediabetes reversal at type 2 diabetes remission kung magbabawas ng timbang kaagad pagkatapos mabigyan ng diagnosis. Pero meron din naman daw mga pasyente na naging matagumpay kahit 25 taon na ang nakalipas.

Kung obese ang pasyente, halimbawa, mas malaki ang tiyansa ng type 2 diabetes remission kung mababawas ng 15 kg sa timbang. Pero kailangan gawin ang weight loss nang mabilis pero sa ligtas na paraan. Ibig sabihin, hindi mo gugutumin ang sarili at magpapakapagod sa ehersisyo hanggang bumagsak ang katawan. Kailangan mo pa rin ng gabay ng iyong doktor.

Lumabas naman sa isang pag-aaral na makakatulong ang bariatic surgery para magbawas ng maraming timbang ang obese na pasyente at maasam ang type 2 diabetes remission. Ang bariatic surgery ay isang operasyon, kung saan inaayos ang bituka, tiyan, o iba pang bahagi ng digestive system.

Paalala lang ng mga eksperto na hindi garantisado sa bawat pasyenteng nagbawas ng timbang na maaasam ang type 2 diabetes remission. Pero sigurado namang may hatid na mabuting epekto ang weight loss sa kalusugan, kahit 5 percent lang ng kabuuang body weight ang mabawas.

Kapag nagbawas ng timbang, maaaring mabawasan ang iresetang gamot ng doktor. Dagdag pa diyan ang pagbuti ng blood sugar levels at pag-iwas sa mga kumplikasyon. Kaya mainam pa rin ang magiging resulta kahit hindi maasam ang reverse diabetes.

Basahin dito ang mga subok na paraan para magbawas ng timbang.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close