home remedy,Tagalog,greener,con-00377,sugat sa ilong,Sugat Sa Loob Ng Ilong: Sanhi At Lunas,gamot sa sugat, sugat sa ilong, langib sa ilong, masakit na ilong, tagyiwat sa ilong,Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng sugat sa ilong at paano ito gamutin?
HealthYour Health

Mga Dapat Gawin Kung Nakararamdam Ng Pananakit Sa Loob Ng Ilong

Hindi dapat balewalain ang sugat sa loob ng ilong.
PHOTO BYShutterstock

Ang balat sa loob ng ilong ay sensitibo at madaling masugatan o magkaroon ng iritasyon na puwedeng mauwi sa pamamaga at pamumuo ng langib. Hindi rin komportable sa pakiramdam ang pagkakaroon ng sugat sa ilong at maaaring makasagabal sa ating pagkilos.

Mahalagang malaman ano ang dahilan ng sugat sa ilong upang agad na malapatan ng tamang lunas. Hindi ito dapat balewalain lalo na kung palagian itong nararanasan at hindi nawawala dahil sa ibang kaso, maaaring maging sanhi ito ng pagkakaroon ng tumor.

Mga nararamdaman kung may sugat sa ilong

Posibleng may sugat sa loob ng ilong kung masakit ito kapag hinahawakan, may makakapang bukol, may pagdurugo, mahapdi sa loob, at hirap sa paghinga.

Bukod pa rito, ang kadalasan ding sintomas kung may sugat sa loob ng ilong ay ang pagkakaroon ng langib. Bagaman karaniwan ang pagkakaroon ng matigas na tuyong sipon o kulangot (duming naiipon sa loob ng ilong), ang langib ay may kasamang dugo o kaya naman ay may hindi kaaya-ayang amoy.

Posibleng dahilan ng pagkakaroon ng sugat sa loob ng ilong

Narito ang iba’t ibang sanhi ng pagsusugat sa loob ng ilong, ayon sa Healthline:

Pamamaga ng ilong mula sa allergy

Ang pagkakaroon ng allergy ang pinakakaraniwang dahilan ng pamamaga ng nasal passage na posibleng pagsimulan ng pagsusugat ng ilong lalo na kapag laging kinakamot dahil sa pangangating dulot nito. Iba pang sintomas nito ang pagluluha ng mata, pangangati ng balat, at pagtulo ng sipon.

Trauma

Ang labis na pagkamot, pagkuskos, pagsinga, at pagkasanggi sa ilong ay magdudulot ng trauma na makaaapekto rin sa nasal passage at posibleng masira ang sensitibong balat sa loob ng ilong.

Panahon o weather

Nakaaapekto ang pagbabago ng panahon sa pagkakaroon ng sugat sa loob ng ilong lalo na kapag malamig ang panahon. Maaaring magdulot ito ng pagkasira ng balat at humantong sa simpleng pagdurugo hanggang sa mabuo ang paglalangib sa sugat.

Pagsinghot ng inhaler nasal stick

Ang palagiang pagsinghot sa mga inhaler na ginagamit upang guminhawa ang pakiramdam mula sa baradong ilong ay posibleng magdulot ng iritasyon at pinsala sa nasal passage. Kapag nangyari ito, posible ang pagdurugo at pagsusugat.

watch now

Dagdag pa rito, ang matagal na paggamit ng nasal spray ay makapagdudulot ng panunuyo ng nasal passage na maaaring mauwi rin sa pagkakaroon ng sugat sa ilong.

Sinusitis

Nararanasan ang sinusitis dahil sa respiratory infection at dulot na rin ng mga allergy. Nagkakaroon ng pamamaga ng sinuses na posibleng magdulot ng pagdurugo at pagsusugat sa  bahagi ng nasal passage sanhi ng iritasyon.

Dahil sa pamamaga, nagbabara ang tubig sa nasal passage kasama ang mga dumi o alikabok at naiipon doon. Maaaring magsugat ang ilong dahil sa pagbabarang ito.

Tigyawat 

Nakapagdudulot ng iritasyon ang pagkakaroon ng tigyawat sa loob ng ilong lalo na kapag sumasakit ito o makirot. Senyales na may impeksyon sa loob ng ilong ang pagtubo ng tigyawat. Ito ay dahil sa pagbara ng extra oil o dead skin cells sa pores. Ang pagpasok ng bakterya sa pores ay nagiging sanhi ng pamumula, pangangati, at pamamaga ng tigyawat. 

Nararanasan din ng iba na magkaroon ng tigyawat sa ilong matapos subukan ang pagtanggal ng buhok sa ilong.

Mamaso 

Ang mamaso ay impeksyon sa balat na tumutubo sa mukha sa may bibig at ilong. Nagsisimula ito sa simpleng mapulang butlig na may kasamang pangangati at kapag kinamot ay magsusugat.

Bagaman, kadalasan itong tumtubo sa gilid o labas ng ilong, maaari itong kumalat  at maapektuhan pati na rin ang loob ng ilong.

Paano gamutin ang sugat sa ilong?

Kung may sugat sa ilong, maaaring makatulong ang mga sumusunod na home remedy upang gumaling ito:

  • Pagpapahid ng petroleum jelly o paggamit nasal saline spray para hindi magtuyo ang loob ng ilong o ang nasal passage
  • Maaaring uminom ng antihistamine o gamot sa allergy na mabibili over-the-counter para maibsan ang iritasyon at pangangati ng ilong kapag may sugat sa loob. Sa ganitong paraan din ay maiiwasan ang pagkamot o pagkuskus sa ilong
  • Paglalagay ng topical antibacterial cream o ointment na makatutulong na labanan ang impeksyon at mabawasan ang sakit
  • Pag-iwas na magalaw ang sugat. Hangga't maaari ay huwag galawin ang sugat at hayaan lamang itong gumaling. Iwasan itong kutkutin upang hindi lumala ang kondisyon ng sugat
  • Gumamit ng cotton buds sa pagtanggal ng dumi o kulangot sa ilong at huwag ang daliri para maiwasang masanggi ng daliri ang balat sa loob ng ilong

Kung patuloy na nagsusugat ang loob ng ilong, matindi ang sakit na nararanasan, lumala ang pamamaga at hindi gumagaling ang sugat kahit nasubukan mo na ang mga home remedy, agad na magpatingin sa ENT (ear, nose, throat) doktor para sa nararapat pang lunas.

Bukod sa mga nabanggit na sanhi ng pagkakaroon ng sugat sa ilong, posibleng ang nararanasan ay nasal cancer. Maaaring indikasyon ng kanser sa ilong ang magaspang na bukol sa nasal passage na hindi gumagaling o nawawala kahit na ginagamot ito.

Kasama na sintomas nito ang sinus pressure, pagdurugo ng ilong o nosebleed, pamamaga ng mukha, at pananakit o pagkakaroon ng pressure sa tainga. Kung naobserbahan ito, mainam na agad na magpakonsulta sa doktor para maisagawa ang tamang pagsusuri at matiyak ang dahilan ng sugat.

Sources: Healthline, Medical News Today

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close