;
embed embed2
  • Mula Simple Hanggang Festive, Christmas Portraits Ng Celebrity Families!

    Sa gitna ng pandemya, tuloy ang Pasko.
    by Jocelyn Valle .
  • May pandemya man o lindol, nananaig pa rin ang diwa ng Pasko. Mas simple nga lang ang selebrasyon ngayon kumpara sa mga nagdaang taon. Ang mahalaga, tulad ng tradisyon, kapiling ang pamilya sa masayang okasyon na ito.

    Dantes Family

    Kuwela ang isang litrato na ibinahagi ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang kanilang mga anak na sina Letizia at Jose. May kinalaman ang eksenang ginawa nila sa isang popular na kanta na sangkot si Santa Claus.

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi nga ni Marian sa caption: “Oops…I saw Daddy kissing Mama.” Lahad naman ni Dingdong: “’Yung napa-OMG si Letizia at dedma si Jose.”

    Agoncillo Family

    Isang simpleng pagbati ang hatid ni Ryan Agoncillo sampu ng kanyang misis na si Judy Ann Santos at kanilang mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna. Aniya sa caption, “Merry Christmas! Happy Birthday, Papa Jesus!!!”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Cuneta-Pangilinan Family

    Kumpleto ang Pasko ni Sharon Cuneta dahil dumalaw ang kanyang panganay na si KC Concepcion. Nagsalo sila kasama ang asawang si Senator Francis Pangilinan at kanilang mga anak: Frankie, Miel, at Miguel, pati na ang kanilang pet dogs. Ika nga ng Megastar, “God is good ALL the time.”

    Laxa-Pangilinan Family

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Merong Christmas,” pahayag ni Maricel Laxa, patungkol sa pangamba sa gitna na pandemya. Kapiling niyang nagdiriwang ang kanyang mister na si Anthony Pangilinan, na kapatid ng senador, at kanilang mga anak: Ella, Donnie, Hannah, Benjamin, at Solana

    Gomez Family

    Mula sa kanilang tahanan sa Carlota Hill, ibinahagi ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres ang larawan mula sa kanilang official Christmas card bilang mayor ng Ormoc City at congresswoman ng fourth district ng Leyte. Kasama sa kanilang pagbati ang kanilang unica hija na si Juliana.

    Curtis-Heussaff Family

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mula naman sa Australia, ibinahagi ni Erwan Heussaff ang outdoor shot nila ng misis na si Anne Curtis at kanilang baby girl na si Dahlia Amelie. Biro ni Erwan na “just third wheeling” lang daw siya sa kanyang mag-ina habang namamasyal sa Wineglass Bay.

    Heussaff-Bolzico Family

    Isang “semi decent photo” lang ang meron sila, sabi ni Solenn Heussaff, kapatid ni Erwan, na kapiling naman ang kanilang mga magulang dito sa Pilipinas. Nagmi-make-face kasi ang anak nila ng asawang si Nico Bolzico na si Thylane. Komento pa ni Solenn, “Small Christmas this year, but still a happy one.”

    Arellano Family

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tulad ng kanyang pamilya, hangad ni Drew Arellano ang kumpletong pagsama-sama ng iba pang mga pamilya ngayong Kapaskuhan. Kapiling niya ang asawang si Iya Villania at kanilang mga anak na sina Primo, Leon, at Alana.

    Alcaraz Family

    Biro ni Lara Quigaman na kalmado lang siya kahit pa riot ang pagkakaroon ng 4 boys sa bahay. Ang mga iyon ay ang kanyang mister na si Marco Alcaraz at kanilang mga anak na sina Noah, Tobias, at Moses.

    Kuwento pa niya, “We tried to take the perfect family photo for Christmas this year, but as you can see…waley.” Pero bawi niya, “Oh well, para sa akin perfect ang bawat shot.”

    Prats Family

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Chill naman si John Prats, kanyang misis na si Isabel Oli at kanilang 3 kids: Feather, Freedom, at Forest habang nakahiga sa kama nang nagpa-picture. Ang kalma pati ng pagbati ni John sa kanyang Instagram followers: “Merry Christmas po sa inyong lahat mula sa pamilya ko.”

    Sotto Family

    Napili ni Pauleen Luna ang litrato ng kanyang asawang si Vic Sotto at kanilang unica hija na si Tali kasama ang anak ni Vic na si Vico Sotto. Nagpasalamat si Pauleen sa pagbisita ng mayor, na ayon sa commenters sa Instagram post ay paborito ng kahit hindi mga taga-Pasig City.

    Komento rin ni Pauleen sa caption na unang beses niyang makita si Vico nang magsimula ang pandemya noong March 2020.

    Escudero Family

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaisa ni Heart Evangelista ang mister na si Chiz Escudero at twin kids ng Sorsogon governor na sina Chesi at Quino sa pagbati ng Merry Christmas. Dagdag pa ni Heart, “Regardless of how this year turned out, the important thing is that I have my family and loved ones with me on this very special holiday. Family is the greatest gift of them all, and there’s nothing I’m more thankful for than to have them by my side.”

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles