embed embed2
  • Mga Karaniwang Allergies Ni Baby Sa Pagkain, Paligid At Panahon

    Malaki ang kaugnayan ng family history sa pagkakaroon ng allergy ng baby.
    by Dinalene Castañar-Babac .
Mga Karaniwang Allergies Ni Baby Sa Pagkain, Paligid At Panahon
PHOTO BY Pexels
  • Katulad ng matatanda nakararanas din ng iba’t ibang allergy ang mga baby. Mahirap lamang sa mga baby hindi nila masabi ang nararamdaman. Mapapansin na lang natin ang kanilang pagak-iritable, pagiging matamlay, kawalan ng gana o wala sa mood.

    Allergies in babies

    Sadyang sensitibo ang balat ng mga baby kaya mas madali ang pagkakaroon nila ng mga skin rash. Malaki ang kaugnayan ng family history sa pagkakaroon ng allergy ng baby. Ngunit, maaari din namang ma-debelop ito kahit walang may allergy sa pamilya. Ano ang karaniwang allergies in babies?

    Pagkain at gamot

    Ang karaniwang allergens mula sa pagkain ay ang sumusunod:

    1. gatas
    2. itlog
    3. manok
    4. mani
    5. soy
    6. wheat
    7. isda
    8. chocolate
    9. seafoods
    10. dairy products

    Karaniwang senyales sa ganitong allergy ay pagkakaroon ng rashes, pangangati ng balat, pagkahingal o hirap sa paghinga.

    Sa allergy sa pagkain, maaari ding maranasan ang pagkahilo, pagsusuka, pagtatae, o pananakit ng tiyan. May iba na namamaga ang labi o kaya dila.

    Lumalabas ang mga sintomas sa loob ng ilang minuto o isa hanggang dalawang oras matapos ang pagkonsumo o pag-ingest sa pagkain.

    Ang mga sintomas naman ng allergy sa gamot gaya ng rashes ay lumalabas pagkaraan ng ilang araw ng pag-inom ng gamot.

    Kapaligiran

    Madalas naman na nagpapa-trigger ng allergy sa baby ay ang

    • balahibo ng hayop
    • kagat ng insekto
    • amag
    • alikabok
    • mga gamit panlinis
    • detergent
    • sabon
    • shampoo

    Nagdudulot ito ng sintomas gaya ng pagbahing, pamumula, pagluluha at pangangati ng mata, pag-ubo, hingal sa pahinga, at pagtulo ng sipon.

    Maaari ding magkaroon ng pangangati ng balat o rashes samantalang posibleng magdebelop naman ng contact dermatitis at atopic dermatitis ang mga sabon at shampoo maging mga ilang uri ng tela.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Panahon

    May mga allergy naman na lumalabas dahil sa pagbabago-bago ng panahon. Nagdudulot din ito ng mga sintomas gaya ng pagbahing nang pagbahing, pag-uubo, pagluluha o pangangati ng mata at pagtulo ng sipon.

    Sa kabilang banda, sabi ng ilang mommy sa Facebook group, ang Smart Parenting Village, bukod sa mga nabanggit na allergy sa pagkain, naranasan din daw ng kanilang baby ang pagkakaroon ng allergy sa formula milk. Ilang sa sintomas na napansin nila ang pagkakaroon ng rashes o pagbabago sa dumi.

    Kung pag-uusapan naman kung possible bang magka-allergy si baby sa breast milk, sabi ng mga eksperto na hindi ito pangkaraniwan. May iilang kaso ng metabolic condition na hindi tinatanggap ng mga baby ang breast milk dahil sa may kinakailangan silang protina, pero rare ito.

    Maaari magdebelop ang allergy kay baby kapag may allergy siya sa gatas ng baka at uminom nito ang nanay. Maililipat ito sa breast milk na ikokonsumo naman ng baby at siyang magiging dahilan ng pagdebelop ng allergic reaction sa kanya.

    Dapat na maging maingat din ang mga breastfeeding mommy sa kanilang kinakain dahil naipapasa nila ito sa kanilang baby sa pamamagitan ng pagpapadede.

    Paano iwasan na magkaroon ng allergic reaction si baby?

    Karaniwan sa mga sintomas ng baby ay mild lamang at madalas nawawala rin agad. Obserbahan at itala ang mga sintomas at posibleng dahilan ng allergy ni baby para masabi sa inyong pediatrician sa susunod ninyong pagbisita.

    Kung ang mga sintomas na napansin ninyo ay hindi agad nawala o mas lalo pang lumala sa paglipas ng mga araw, agad na komunsulta sa inyong pediatrician para matukoy ito at mabigyan ng tamang gamot ang iyong baby.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mahirap sabihin na maiiwasan na magkaroon ng allergy si baby. Malalaman mo lang dahil may sintomas na. Pero pwedeng gawin ang mga hakbang na ito na posibleng magdulot ng allergic reaction kay baby.

    • labhan ang damit ni baby gamit ang hypoallergenic detergent
    • gumamit ng fragrance-free na shampoo, lotion, at sabon
    • labhan at palitan ang mga sapin ng higaan at punda ng unan niya kada linggo
    • mas madalas na maglinis o mag-vacuum ng bahay
    • paunti-unti ang gawing pagpapakilala ng mga bagong pagkain

    Tandaan na sensitibo ang balat ni baby kaya madaling mamula o magpantal pero hindi palaging allergic reaction na ito. May pagkakataon na mild lamang ang mga ganitong kondisyon ni baby na maaaring lapatan ng mga home remedy o magamot sa bahay.

    Ang pinakamahalaga ay ang maagap na pagtukoy sa mga allergen na nagdudulot ng allergy kay baby para maiwasan. Maraming baby rin naman na nawawala ang kanilang mga allergy sa paglaki o malalampasan din nila pero may iba naman na nagdedebelop ng mga bagong allergy sa kanilang pagtanda.

    Sources: Healthy Children, Medical News Today, Smart Parenting

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles