;
embed embed2
Ito Ang Dahilan Kung Bakit Ihi Nang Ihi Ang Buntis, Sabi Ng Ob-Gyn
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang, o breastfeeding.

    Kung nagdadalang-tao ka ngayon, lalo na kung sa unang pagkakataon, siguro isa sa mga tanong mo ay kung bakit ihi ng ihi ang buntis. Karugtong niyan kasi ang hindi sinasadyang maihi sa underwear.

    Bakit ihi ng ihi ang buntis

    Nakakahiya mang aminin, pero normal sa mga buntis ang hirap kontrolin ang pantog (bladder). Tinatawag ang kondisyong ito bilang urinary incontinence. Apektado nito ang halos 40 percent ng mga buntis, ayon sa What To Expect.

    Kahit sa simula pa lang ng pagbubuntis, maaari nang umatake ang urinary incontinence, sabi pa ng mga eksperto. Mapapansin mo na lang na panay ang punta mo sa banyo dahil dumadalas ang iyong pag-ihi (frequent urination). Tumitindi ito habang lumalaki si baby sa sinapupunan mo.

    May paliwanag si Dr. Marie Victoria Cruz, isa obstetrician-gynecologist, sa panayam niya noon sa SmartParenting.com.ph. Aniya, sanhi ang frequent urination ng nababanat na matris (uterus) at pagtulak nito sa mga bato (kidneys).

    Pero kapag nabanat pa ang matris nang mas mataas sa tiyan (abdomen), puwedeng tumigil pansamantala ang frequent urination at bumalik naman kapag malapit ka nang manganak. Mababa na kasi ang puwesto ni baby sa bandang balakang (pelvis).

    Bilin ni Dr. Cruz na sabihan ang iyong doktor kung may bukod sa frequent urination, nakakaramdam ka rin ng kirot habang umiihi o di kaya may pagbabago sa kulay ng iyong ihi. Baka kasi meron ka ng urinary tract infection (UTI).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga dapat malaman sa urinary incontinence

    May ilang uri ng urinary incontinence, na nagpapahirap kontrolin ang pantog, ayon sa mga eksperto. Kabilang diyan ang:

    • Stress--dahil nakakaramdam ng pressure ang pantog
    • Urgency--dahil may karamdaman ang pantog (bladder conditions)
    • Transient--dahil sa side effect ng iniinom na gamot o di kaya dahil sa UTI

    Sa mga buntis naman, dulot ang urinary incontinence hindi lang ng nababanat na matris. Puwede ring dahil sa simpleng pagbahing, pagtawa, o di kaya pag-ehersisyo. Nakapuwesto kasi ang pantog, na napupuno ng ihi sa buong araw, sa bandang pelvic floor, kung saan naroon ang sphincter bilang bantay sa pasukan. Natutulak ang pelvic floor habang lumalaki si baby.

    Kapag nanganak ka naman sa pamamagitan ng vaginal delivery, tataas ang tyansa na magpatuloy ang iyong urinary incontinence. Dagdag pa diyan ang pag-abante ng edad, paglobo ng katawan, pagkakaroon ng UTI, at pagbabago sa hormones.

    Mga puwedeng gawin kung ihi ng ihi ang buntis

    Malaking discomfort ang hatid ng frequet urination at urinary incontinence sa buntis, na marami pang ibang iniindang senyales. Minsan kasi kahit pagbahing at pagtawa lang, biglang napapaihi. Kaya payo ng mga eksperto na subukang gawin ang ilang paraan na maaaring magbigay ng ginhawa sa kondisyon.

    Pregnancy exercises

    May mga research na nagsasabing mas mababa ang tyansa na magkaroon ng urinary incontinence ang mga buntis na regular ang exercise. Mas kontrolado raw nila ang kanilang pantog kahit malapit nang lumabas si baby at hanggang anim na buwan pagkatapos manganak.

    Kegel exercises

    Nakakatulong ang Kegel exercises para lumakas ang pelvic floor at makontrol ang pantog. Magagawa mo ito sa habang nakatayo, nakaupo, o di kaya nakahiga. Isipin mong pinipiga ang pelvic floor tulad ng pagpipigil sa pag-ihi.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bantayan ang timbang

    Subukan na huwag masyadong magdagdag ng timbang dahil makakadagdag din iyan sa pressure na nagtutulak sa pantog. (Basahin dito ang tamang timbang para sa buntis.)

    Damihan ang iniinom na tubig

    Makakatulong ang tubig sa pagiging hydrated at pag-iwas sa constipation. Gumagrabe kasi ang kondisyon mo kapag hirap ka ring dumumi.

    Turuan ang pantog

    Imbes na pigilan ang pag-ihi, sanayin ang sarili na umihi sa itinakda mong panahon. Maaari kang magsimula ng kada ilang minuto at saka taasan ito nang makita mo kung gaano mo katagal kayang kontrolin ang pantog.

    Gumamit ng leakage pad

    Sakaling walang malapit na banyo sa lugar kung saan ka pumunta at hindi mo na talaga mapigilan ang pag-ihi, makakatulong ang bladder leakage pad. Iba pa ito sa adult diaper.

    Kadalasang bumabalik ang normal mong pag-ihi pagkapanganak, pero posible rin na nagbago na talaga ang pakiramdam mo dahil sa vaginal delivery. Mainam na kausapin ang doktor mo tungkol dito, lalo na kung hindi nawawala ang kondisyon kung bakit ihi ng ihi ang buntis. Baka may iba talagang dahilan, at mas seryosong karamdaman ito.

    Basahin dito ang sintomas ng pagbubuntis sa unang linggo.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles