Tagalog,twins,pagbubuntis,greener,con-00370,twin pregnancy complications,Twin Pregnancy Complications | Smart Parenting,fetus, pregnant, preeclampsia, pregnancy complications, twin pregnancy complications, twins, kambal na pagbubuntis, kambal na pagbubuntis kumplikasyon,May ilang twin pregnancy complications ang dapat bantayan kapag kambal ang ipinagbubuntis.
PregnancyGetting Pregnant

Excited Magkaanak Ng Kambal? 10 Posibleng Twin Pregnancy Complications Na Dapat Malaman

Dobleng biyaya, dobleng ingat din sa kambal na pagbubuntis.
PHOTO BYfreepik/tirachardz

Ubod ng saya ang isang mom-to-be kapag nalaman niyang kambal ang kaniyang ipinagbubuntis. Dobleng biyaya kung maituturing ito para sa kanilang mag-asawa, pero dobleng ingat din dahil sa posibleng twin pregnancy complications.

Nangyayari ang pagkakaroon ng kambal na anak kapag may dalawang fetus sa iyong uterus. Bibihira ang ganitong kaso na nangyayari lamang kapag may history ng kambal sa pamilya, sumailalim sa fertility treatment na ginagawa ng doktor, at iba pang salik gaya ng edad at timbang.

Tinatayang 1 sa 250 pagbubuntis ang kambal, ayon sa Cleveland Clinic. Maagang malalaman naman ito ng mga doktor sa pamamagitan ng ultrasound. May dalawang uri ng kambal: fraternal at identical twins.

Sa fraternal, nangyayari ito kapag ang dalawang sperm ay nakapag-fertilize ng dalawang egg sa isang cycle. Nagreresulta ito ng dalawang hiwalay na placenta para sa bawat baby. Ang kanilang deoxyribonucleic acid (DNA) rin ay gaya sa dalawang magkapatid na magkaiba ng edad. Maaaring pareho o magkaiba sila ng kasarian.

Samantala, sa identical twins, isang embryo mula sa isang egg at isang cell ang nahati sa dalawa. Maaaring magbahaginan sila sa iisang placenta o maaari ding magkaroon ng hiwalay na placenta. Laging pareho ng kasarian ang identical twins.

Paano malalamang kambal ang ipinagbubuntis?

May ilang sintomas na maaaring magsabing kambal ang iyong ipinagbubuntis, ayon sa American Pregnancy Association (APA). Pero ang mga ito ay nangangailangan pa dagdag na pagsusuri para maging tumpak.

1. Sa unang trimester ng pagbubuntis, maaaring makita ito sa pagkakaroon ng multiple heartbeats sa pamamagitan ng doppler.

2. Maaaring magkaroon ng mataas na human chorionic gonadotropin (hCG) level ang nagbubuntis ng kambal. Ito ang hormone na nabubuo sa panahon ng pagbubuntis.

3. Matutuloy rin ang pagkakaroon ng kambal sa  pagkakaroon ng positibo o mataas na resulta ng alpha-fetoprotein (AFP) na mas kilala rin na maternal serum screening na ginagawa sa ikalawang trimester. Ito ay para malaman kung may problema ang ipinagbubuntis.

watch now

4. Ang pagsukat sa laki ng tiyan ng buntis ay nakatutulong para malaman kung ilang buwan na ang ipinagbubuntis. Ito ang distansya sa pagitan ng pubic bone at itaas ng uterus ng buntis. Kapag masyado itong malaki sa karaniwang sukat ng tiyan sa kada buwan, maaaring maging salik ito na higit sa isa ang ipinagbubuntis.

5. Maaaring bumigat ang timbang nang may kambal na ipinagbubuntis na umabot hanggang 10 pounds o higit pa.

6. Mas matindi rin ang morning sickness na nararanasan sa panahon ng pagbubuntis.

7. Mas maaga o madalas na paggalaw ng baby sa sinapupunan ng ina.

8. Nakapagdudulot ng matinding pagod ang pagbubuntis nang kambal dahil sa pangangailangan ng katawan ng ina na tugunan ang nutrisyong kailangan ng kaniyang mga baby.

9. Kung may history sa pamilya ng kambal o higit pa, malaki ang posibilidad na maranasan din ito sa pagbubuntis.

Twin pregnancy complications

Bagaman masayang malaman na may kambal na ipinagbubuntis, may ilang komplikasyon din itong maaaring maranasan at dapat bantayan gaya rin ng normal na pagbubuntis. Mas nagiging komplikado lamang ang sitwasyon sa mga kambal na pagbubuntis. Ilan sa mga ito ang nabanggit ng Standford Medicine:

1. Preterm labor at maagang panganganak

Posibleng mapaanak nang maaga bago ang ika-37 linggo ng pagbubuntis. Tinatayang 60 porsiyento ng kambal ang ipinapanganak nang premature, ayon sa Johns Hopkins Medicine.

2. Pagdanas ng gestational high blood pressure

Maaaring madebelop ang ganitong kondisyon nang mas maaaga at mas tumindi pa pagprogreso ng pagbubuntis gaya ng preeclampsia.

3. Pagkakaroon ng gestational diabetes

Malaki ang posibilidad na maranasan din ang ganitong komplikasyon, kung saan tumataas ang blood sugar o glucose, nang may kambal na ipinagbubuntis.

4. Pagkakaroon ng anemia

Mas karaniwan ang ganitong kondisyon sa mga may kambal na ipinagbubuntis kaysa sa mga isa lamang.

5. Birth defects sa kambal

Malaki rin ang tsansa na magkaroon ng komplikasyon pagkapanganak o congenital problem ang mga kambal, gaya ng spina bifida o iba pang nueral tube defects, at ilang problema sa digestive tract at puso.

6. Miscarriage o pagdanas na makunan

Tinatawag ang ganitong sitwasyon na vanishing twin syndrome na na kadalasan sa unang trimester pa lamang mangyari.

7. Twin-to-Twin Transfusion Syndrome (TTS)

Ito ay kondisyon sa placenta na nabubuo lamang kapag may identical twin na nagbabahaginan sa placenta. Nangyayari naman ang ganitong sitwasyon sa 15 porsiyento ng kambal.

Sa TTS, ang dugo ay napupunta sa isang fetus sa pamamagitan ng blood vessel na nakakonekta sa placenta. Pero sa paglipas ng panahon, maaaring tumanggap ng maraming dugo ang fetus at labis na mapuno ang cardiovascular system at magdulot ng pagdebelop ng mas maraming amniotic fluid. Ang maliit na fetus naman ay hindi makakuha ng sapat na dugo at mas mas kakaunti ang dami ang amniotic fluid.

8. Abnormal na dami ng amiotic fluid

Nangyayari kapag kambal o higit pa ang ipinagbubuntis lalo sa mga fetus na nagbabahaginan ng placenta. Maaaring maranasan ang oligohyramnios o mababang amniotic fluid at polyhydramnios o labis na dami ng amniotic fluid.

9. Pagpulupot ng umbilical cord

Posibleng magpulupot ang umibilical cord ng kambal na nagbabahaginan ng amniotic sac. (Basahin dito ang tungkol sa umbilical cord compression.)

10. Postpartum hemorrhage

Malaki ang posibilidad na maranasan ang pagdurugo matapos ang panganaganak dahil sa pagkakaroon ng malaking placenta at paglaki rin ng uterus mula sa pagbubuntis.

Gayunman, ang mga nabanggit na komplikasyon ay maayos namang mapamamahalaan basta patuloy ang prenatal checkup. Sa ganitong paraan, madali at maaga ring malalaman kung may problema ba sa pagbubuntis.

Samantala, malaking posibilidad na hindi makapanganak ng normal delivery pero maaari namang subukan basta walang komplikasyon ang pagbubuntis, gaya ng twin pregnancy complications. Pero kadalasan talaga na via Cesarean section ang panganganak kapag kambal ang ipinagbubuntis.

---

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Twins Pregnancy Symptoms

https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/multiples/twin-pregnancy-symptoms/

Twin Pregnancy

https://my.clevelandclinic.org/health/articles/23158-twin-pregnancy

Complications of Multiple Pregnancy

https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=complications-of-multiple-pregnancy-85-P08021

Complications of Multiple Pregnancy

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/staying-healthy-during-pregnancy/complications-of-multiple-pregnancy

---

Basahin dito ang mga natutunan ng isang tatay sa pagnanais na magkaroon ng mga kambal na anak.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close