-
Your Health FDA Warns Against 5 Face Mask Brands: Here Is A List That Is FDA-Approved
-
News And Then They Were 5! Nanganak Na Si Andi Eigenmann
-
News Toni Gonzaga Now Appreciates Her Parents' 'No Overnight Before Marriage' Rule
-
Love & Relationships Cheaters Beware: Supreme Court Upholds Jail Time For Unfaithful Husband
-
Pagkalipas ng 11 Taon, Nabuntis Si Mommy Ngunit Delayed Ang Growth Ni Baby Sa Tiyan
Isang new mom ang ng tinatawag na intrauterine growth restriction sa gitna ng pandemic.by Jocelyn Valle .

PHOTO BY courtesy of Gina Amparado
Makalipas ang 11 years nang maipanganak ni Gina Amparado ang kanyang panganay, nabuntis siyang muli at nangangak sa ikalawang pagkakataon nitong September 2020. Naging delicate ang kanyang pregnancy, at pagtungtong ng third trimester, nasuri ang baby sa kanyang sinapupunan na dumaranas ng intrauterine growth restriction (IUGR).
READ STORIES ON PREGNANCY CARE
- Alamin Ang Mga Dahilan Kung Bakit Dinudugo ang Buntis
- Your Pregnancy: Early Signs, Stages of Labor, and Ways to Give Birth
Buntis sa gitna ng COVID-19 na pandemya
Sa simula, naging pabor kay Gina ang pagdeklara ng community quarantine ng March 2020 bilang pag-iingat laban sa COVID-19 pandemic. Tatlong buwan siyang buntis noon at sinusunod ang utos ng doktor na bed rest dahil sa bleeding na tumuloy hanggang sa ika-4 na buwan.
Dahil sa work-from-home arrangement sa karamihan ng empleyado, nagpatuloy si Gina sa pagtatrabaho bilang human resources (HR) director sa isang leading multinational company na nalilinya sa pagbibigay ng cash services. Sa isang banda, naging blessing ang quarantine kasi nagkaroon siya ng marami pang oras para sa kanyang panganay na si Jayzelle, 11, at kanyang businessman-partner na si Greg Senftleben.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPero kalaunan, naging problema ang lockdown sa paghahanap nila Gina at Greg ng ospital o di kaya clinic para sa ultrasound scan at iba pang test na kailangan ng buntis. Lubha ang kanilang pag-alala sa tuwing magbibiyahe sa gitna ng coronavirus outbreak sa bansa.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKwento ni Gina, kinailangan niyang sumailalim sa ultrasound scan kada two weeks para ma-monitor ang lagay ng sanggol na IUGR diagnosed at kulang sa timbang. Kaya naman worried siya sa paglabas-labas sa gitna ng panganib na hatid ng nakahahawang sakit.
May mga pagbabago din ng presyo sa ospital na pag-aanakan niya sana. Dagdag pa rito ang pagiging “very costly” ng “detailed and specialized ultrasound procedures” upang matugunan ang pagiging “below average fetal weight” ni baby.
Ano ang intrauterine growth restriction?
Tinatawag na intrauterine growth restriction ang kalagayan ng baby na mayroong fetal growth na mas mababa sa normal growth potential batay sa kanyang race at gender. Kumbaga, hindi siya lumalaki o maliit siya sa inaasahang paglaki sa loob ng tiyan base sa gestational age (o linggo ng pagbubuntis).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIto rin ang paglalarawan sa paglihis (deviation) at pagkabawas (reduction) sa inaasahang fetal growth pattern. Kadalasang may kinalaman ang innate reduced growth potential o di kaya ang multiple adverse affects na bumabagabag sa fetus.
May mahabang paliwanag ang isang artikulo na nailathala sa PubMed Central (PMC), ang biomedical at life sciences journal literature ng U.S. National Institutes of Health’s National Library of Medicine.
Nakasaad dito na IUGR ang clinical definition na tumatalakay sa bagong silang na sanggol (neonates) na ipinanganak na may “clinical features of malnutrition” pati na ang sanggol sa sinapupunan na nakakaranas ng “in-utero growth retardation, irrespective of their birth weight percentile.”
Subali hindi lahat ng mga sanggol na ipinanganak na maliit ay may IUGR, ayon sa mga doktor.
Sanhi ng IUGR
Nakalista naman ang ilang sanhi ng IUGR sa artikulong posted sa American Academy of Family Physicians (AAFP) website.
- Placental insufficiency (tulad ng preeclampsia)
- Chronic maternal disease (halimbawa: sakit sa puso, hypertension, diabetes)
- Abnormal plancentation (gaya ng placenta previa)
- Genetic disorders
- Malformations
- Immunologic
- Infections
- Metabolic
- Substance abuse (smoking, alcohol, drugs)
- Multiple gestation
- Low socioeconomic status
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDagdag pa ng AAFP article na dapat individualized ang pagtugon sa pasyente ng IUGR. Kabilang sa general management measures ang paggamot sa maternal disease, pagtigil ng substance abuse kung meron, tamang nutrisyon, at bed rest.
Mahalaga ang antenatal testing na susubaybay sa fetal well-being at tutukoy sa “growth-restricted fetus at greatest risk for neonatal morbidity and mortality.” Nararapat din na matutukan at mabantayan maigi ang pagsilang ng sanggol.
Health problems na pwede mangyari kay baby dahil sa IUGR
Dahil sa naantalang paglaki ni baby dulot ng IUGR, puwedeng mailagay siya sa panganib ng ilang mga problemang pangkalusugan habang nagbubuntis, sa kapanganakan, at pagkatapos maipanganak. Ilang sa mg health problems na ito ay:
- low birth weight
- decreased oxygen levels
- low blood sugar
- mababang resistensya sa infection
- mababang Apgar score
- problema sa paghinga
Maagang detection at dobleng pag-iingat
Sinunod ni Gina at kanyang partner na si Greg ang mga utos at rekomendasyon ng mga doktor upang makaligtas ang kanilang unang supling sa posibleng epekto ng IUGR. Tinupad din nila ang health at safety protocols bunsod ng COVID-19 pandemic, gaya ng pagkuha ng swab test bago ang delivery date.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSeptember 4, 2020 nang iluwal ni Gina ang baby girl nila ni Greg at pinangalanan nilang Savannah. Sumailalim siya sa Cesarean section, tulad noon kay Jayzelle (nakaranas si Gina ng placenta previa nung nagbuntis sa kanyang panganay).PHOTO BY courtesy of Gina AmparadoLaking psaasalamat ni Gina na ligtas siyang nanganak sa ikalawang pagkakataon. Aniya, “Everything went smoothly. My OB, anesthesiologists, resident doctors and nurses were all very accommodating, which made me feel calm before, during, after the operation.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPayo at paalala naman niya sa expectant moms na iwasan ang paglabas-labas nang hindi madagdagan ang panganib para sa kanila at kanilang dinadala. Makakabuti kung online consultation na lamang ang gawin kung iyon ang rekomendado ng doktor.
READ STORIES ON PREGNANCY CARE
- Alamin Ang Mga Dahilan Kung Bakit Dinudugo ang Buntis
- Your Pregnancy: Early Signs, Stages of Labor, and Ways to Give Birth
Magtabi rin daw ng extra budget para sa unexpected expenses sa ospital tulad ng pagtustos sa di inaasahan na pregnancy complication na intrauterine growth restiction.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network