-
Labor & Childbirth 7 Exercises You Can Do At Home To Help Prepare You For Labor And Delivery
-
Toddler Why Your Toddler Has a Favorite Parent (and What to Do If It's Not You)
-
Your Kid’s Health Bawang At Pabango? Home Remedies Para Sa Sakit Ng Ngipin Mula Sa Dentista
-
Money Is It Okay to Hide Money From Your Partner? An Expert's Advice
-
Paano Ba Magpapayat? Ilang Paraan Na Ligtas At Abot-Kaya
Hindi mo kailangang pagkaitan ang sarili mo ng mga paborito mong pagkain.by Ana Gonzales .

PHOTO BY i yunmai on Unsplash
Isa sa mga madalas itanong ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ay kung anu-ano nga ba ang mga mabisa at ligtas na paraan para magpapayat?
Mahirap kasi talagang magpapayat at bumalik sa dati mong timbang noong dalaga ka pa lang. Malimit din ay busy ka na sa mga gawaing bahay, trabaho, at pag-aalaga sa mga bata kaya mahirap na ring isingit ang pag-eehersisyo.
Kung breastfeeding ka ay mas mahirap pa dahil hindi ka basta-basta pwedeng uminom ng kung ano mang pampapayat.
Sa ganitong mga sitwasyon, anu-ano pa nga bang mga pwede mong gawin para naman matupad mo ang iyong #BalikAlindog goals?
Maraming mga payo ang mga #FitNanays sa Village. Ayon sa kanila, kaunting disiplina, positive thinking, pasensya, at sakripisyo lang, maaabot mo rin ang iyong weight goal. Narito ang kanilang mga advice:
Anu-ano nga ba ang mga ligtas at abot-kayang paraan para pumayat?
Pauna na ng mga nanay, walang madali at mabilis na paraan para pumayat—kailangan mo talaga itong paghirapan at pagtrabahuhan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSubukan ang keto diet
Maaaring hindi ito irekomenda sa iyo ng iyong doktor kung breastfeeding ka. Sa diyeta kasi na ito ay iiwas ka sa ilang mga prutas at whole grains.
Ang mataas na levels ng fats, lalo na ang mga saturated fats ay maaaring hindi rin makabuti sa iyo. Pwede mo lang sundin ang diet na ito kung hindi ka na nagpapasuso.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKung gusto mo naman itong subukan, pwede kang sumali sa mga keto groups sa Facebook. Ang keto diet ay isang uri ng diyeta kung saan kakain ka ng maraming karne, gulay, at high-fat dairy products tulad ng mga cream, butter, nuts, at coconut oil. Iiwasan mo naman ang mga grains, fruits, beans, potatoes, at sugars.
Wala kang gagastusin dito. Babaguhin mo lang ang mga uri ng pagkain na bibilhin mo para sa inyong pamilya.
Subukan ang intermittent fasting
Isa rin ito sa mga highly recommended na paraan ng mga nanay para pumayat. Ayon pa sa ilan sa kanila, nasubukan na raw nila ang kung anu-anong mga diet pills at drinks pero hindi pa rin gumana—mas nakabawas pa sa kanilang timbang ang intermittent fasting.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano ba gawin ang intermittent fasting? Sa diet strategy na ito, magtatalaga ka ng oras para mag-fasting at magtatalaga ka ng oras kung kailan ka lang kakain.
Payo ng mga nanay, pwede mong umpisahan ang 16:8 na ratio o 16 hours kang fasting at 8 hours kang 'feasting' o pwedeng kumain ng kahit anong gusto mo.
Pwede mong tignan ang table na ginawa ng Healthline para malaman mo kung anong ratio ng feasting at fasting ang pwede sa iyo.
Kung gusto mo naman ng next level na intermittent fasting, pwede mong gawin ang '16:8 without carbs'. Ibig sabihin sa 8 hours na feasting ka, hindi ka kakain ng kahit anong uri ng carbohydrates.
Sabi pa ng mga nanay, mas epektibo itong intermittent fasting kung sasamahan mo pa ng regular na ehersisyo.
Umiwas sa sobrang asukal
Isa pang epektibong pampapapayat ay ang pag-iwas sa pagkain at pag-inom ng sobrang matatamis. Kabilang na riyan ang iced coffee, ice cream, chocolates, cakes, donuts, milk tea, at mga carbonated drinks. Kung mahilig ka sa mga ito, marahil ito ang dahilan kung bakit hindi ka pumapayat kahit na anong exercise at diet ang gawin mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaraming mga nanay sa Village ang agree dito at nagsabing ito ang isa sa mga paraan kung bakit sila pumayat. Sinamahan nila ito ng intermittent fasting at exercise.
Tipid ka rin sa paraan na ito dahil wala ka namang kailangang bilhin. Sa katunayan, mababawasan pa nga ang pag-order mo online ng mga matatamis na inumin. Goodbye ka na muna sa mga paborito mong flavors ng milk tea.
Maglakad ka araw-araw
Madali lang ito dati noong wala pang banta ng COVID-19. Pero paano mo ito gagawin ngayon? Payo ng mga nanay, kung may hagdan sa inyo, pwede na ang ilang beses na pagmamanik-manaog dito.
Magtalaga ka ng 15 minutes sa unang beses na gagawin mo ito. Kapag masyado na itong madali sa iyo, Pwede ka nang magdagdag ng 15 minutes pa—patagal nang patagal hanggang maabot mo ang iyong goal.
Hindi mo na kailangan pang mag-signup sa gym. Sa bahay lang, pwede kang pumayat. Pagbabahagi pa ng mga nanay, pwede kang mag-subscribe sa mga workout videos na mayroon sa YouTube. Maraming mga nanay sa Village ang pumayat dahil lang sa pag-gaya sa mga workout videos online.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTandaan, napakaimportanteng bago mo subukan ang mga diets na ito ay kumonsulta ka muna sa iyong doktor, lalong-lalo na kung kapapanganak mo lang o nagpapasuso ka pa.
Huwag basta-basta sumubok ng mga diets na nakikita mo o sinasabi sa iyo dahil hindi lahat ng diet ay babagay sa lifestyle at pangangatawan mo. Kailangan mo ng tamang gabay mula sa mga eksperto para maging ligtas ang pagbabawas mo ng timbang.
What other parents are reading

Trending in Summit Network