embed embed2
Mga Sikreto Na Sinabi Sa Amin Ng Mga Mommy Para Lumiit Ang Kanilang Tiyan
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang o breastfeeding.

    Pagkatapos ng siyam na buwang pagbubuntis at tuluyang panganganak, hindi naman talaga kaagad bumabalik ang bagong nanay sa dati niyang pangangatawan. Ang problema lang minsan napagkakamalan pa rin silang buntis, kaya gusto nilang malaman kung paano magpaliit ng tiyan.

    Sabi ng isang mommy sa Parent Chat community ng SmartParenting.com.ph: “Grabe nga ’yung mga pants ko nung dalaga pa ’ko, kahit isa wala nang magkasya. Kaya back to zero ako, lalo na sa mga damit. Grabe ang tinaba ko.”

    Sang-ayon ang isa pang mommy, “Pumayat na ako, but still umbok pa rin tummy ko. 11 months na akong nanganak by CS. Parang di na talaga liliit ang puson ko. Pang second baby ko ito, pero nung sa first, bilis ko pumayat at parang di rin ang nagkapuson.”

    Mga paraan ng mga mommy para lumiit ang tiyan

    Sa Parent Chat din nagbahagi ng kani-kanilang mga diskarte ang mga miyembro kung paano mabawasan ang umbok sa kanilang midsection.

    Abdominal binder

    Kuwento ng isang mommy, na sumailalim sa C-section delivery, "Lumiit na medyo ang puson ko sa kaka-diet, exercise, and binder." Ginagamit daw siya ng dalawang abdominal binder: isa para sa baywang at isa para sa puson.

    Sabi pa niya, natutunan niya ang paggamit ng binder sa kaibigan niyang ob-gyn na nakabase sa United States, at effective daw talaga. Katunayan daw, nasusuot na niya ulit ang mga pantalon noong kanyang pagkadalaga.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sumang-ayon ang isa pang mommy sa paggamit ng binder lalo na kung bago pa lang manganak ng CS at may pagkirot pang nararamdaman sa tuwing mage-exercise. Bukod daw sa binder, magsuot din ng "panty girdle or mga high waisted na undies."

    Ganyan daw ang ginawa niya kaya mabilis na lumiit ang kanyang puson. Dinagdagan pa niya ng page-exercise dahil kaya naman daw ng kanyang katawan at nais niya talagang bumalik sa dati niyang body measurement.

    Exercise

    Maraming mommy na ang nagbahagi ng kanilang weight-loss journey sa SmartParenting.com.ph. Isa sa mga epektibong paraan na nadiskubre para, halimbawa kung paano magpaliit ng tiyan, ang exercise. May kanya-kanya lang silang klase ng exercise.

    Nahanap ng isang mommy sa jumping rope ang tamang workout para sa kanya. Sa loob lang daw kasi ng 15 minutes na pagja-jumping rope, maaaring mag-burn ng calories mula 200 hanggang 300 calories. (Basahin ang kuwento dito.)

    Sinabayan naman ng isa pang mommy ang mga workout videos na nakikita niya sa YouTube at TikTok. Kabilang diyan ang ilang cardio workouts at Zumba sessions, pati na core workout.

    Samantala, nagsimula lang ang isang mommy sa simpleng walking hanggang naenganyo siyang subukan ang running, biking, at swimming. Ang resulta: isa na siya ngayong atleta na sumasali sa mga triathlon.

    Diet

    Maraming mommy rin ang napatunayang epektibo talaga ang pagbabawas ng dami o kaya pagpili ng tamang pagkain. Ang ilan sa kanila ay sumunod pa sa iba-ibang diet program na sumakto sa kanilang pangangailangan. Mayroon ding sumubok ng intermittent fasting bilang paraan kung paano magpaliit ng tiyan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kuwento ng isang mommy, ang meal plan niya ay binubuo ng mas maraming protein at complex carbohydrates na nakukuha niya sa mga gulay, itlog, white meat gaya ng manok, at tokwa. Pagkaraan daw ng 36 weeks o 8 months, narating na niya ang current weight niyang 146 lbs (mula sa 183) at waistline na 29 inches (mula sa 38).

    Ang isa pang mommy, tinigilan na ang flavored drinks at uminom na lang ng malunggay tea habang dinamihan ang inom ng tubig. Importante raw talaga ang "clean eating."

    Payo naman ng isa pang mommy ang "small, frequent meals" pero huwag naman daw i-deprive ang sarili. Okay lang daw ang paminsan-minsan na bumigay sa cravings basta isipin ang "portion size and the time you eat."

    Higit sa lahat, nagkakasundo ang mga mommy na ang pinakaimporte ay masiguro ang sariling kalusugan hindi lang kung paano magpaliit ng tiyan. Mainam raw huwag sosobrahan ang pagda-diet at page-exercise.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles