postpartum,postpartum care,baby blues,celebrity,Danica Sotto,Danica Sotto-Pingris,Marc Pingris,CS,Marc Pingris, Hindi Sinasabayan Ang Baby Blues Ni Danica,People & Society, Family & Relationships, Family and Relationships, placenta, live birth, cesarean section, postpartum, postpartum care, giving birth, pregnancy, cesarean section delivery, newborn, Danica Sotto, Marc Pingris, baby blues,Pagkatapos manganak ng ikatlong beses, dumadanas pa rin si Danica Sotto ng baby blues, at hindi pa rin siya lubusang naiintindihan ng asawang si Marc Pingris.
HealthWellness

Aminado Si Danica Sa Baby Blues, Kaya Sabi Ni Marc 'Wag Mang-Aawat Sa Pag-Iyak'

May tips si Danica para sa mga mangangak ng CS, na tatlong beses na niyang naranasan.
PHOTO BYInstagram/danicapingris

Desidido si Danica Sotto na manganak ng normal vaginal delivery simula sa una nilang anak ni Marc Pingris noong 2009. Kaya kumuha silang mag-asawa ng Lamaze lessons para paghandaan ang pagle-labor at hindi masyadong umasa sa medical intervention.

Pero nauwi si Danica sa Cesarean section (CS) delivery dahil, aniya, "Hindi ako nag-dilate." Ibig sabihin hindi bumubuka ang kanyang cervix nang makalabas ang anak na si Mic, na ngayon ay 14 years old na.

Nang mabuntis muli si Danica noong 2013, binalak naman niya ang vaginal birth after Cesarean (VBAC). Ang problema, mababa ang inunan ni baby (low-lying placenta), na isang  pregnancy complication, ilang linggo bago ang kanyang estimated due date. Kaya na-CS na naman siya para maipanganak si Caela, na 10 years old na ngayon.

Sa ikatlong pagbubuntis ni Danica, tanggap na niyang magsi-CS siya ulit dahil sa edad niyang 40, na sinasabing pregnancy risk na. Isa pa, sobrang laki ni baby kahit siniguro niyang healthy food ang kainin at regular ang page-exercise. Ipinanganak niya ang bunsong si Jean Luc nitong January 13, 2023 na may timbang na 9.3 pounds!

Tingnan ang post na ito sa Instagram

Isang post na ibinahagi ni Danica Sotto-Pingris (@danicaspingris)

watch now

Nagbalik-tanaw si Danica, katabi si Marc, sa kanyang YouTube channel: "Nang manganak ako, same ang feeling. Naiiyak ako. Ang sarap ng feeling na ‘Wow, ang galing talaga ni God.’ Ito talaga ang miracle of life.

"Same naman ang feeling ko nang magka-Mic, Caela, and itong si Luc. I was reminded…Gagawin mo ang lahat bilang nanay, kahit masakit, hindi ka nakakatulog. Masakit ang boobs mo, papadede mo. No’ng nasa hospital room ako, parang in-impress ni God na 'Kung gaano mo kamahal ang anak mo, imagine kung gaano kita kamahal.'"

Tingnan ang post na ito sa Instagram

Isang post na ibinahagi ni Danica Sotto-Pingris (@danicaspingris)

Tips para sa manganganak ng CS

Dahil tatlong beses na siyang nahiwa, ika nga, marami nang natutunan si Danica. Ibinahagi niya ang ilan sa mga ito sa kanyang vlog:

1. Be ready for an emergency. Dapat may birth plan. (Basahin dito kung paano.)

2. No need to be scared. Hindi ito easy way out, pero hindi rin naman dapat katakutan.

3. Habang ginagawa ang surgery, wala mararamdamang pain pero hindi patutulugin.

4. Pagkatapos ng surgery at nakabalik na sa hospital room, magpahinga lang. Huwag masyadong dumaldal para hindi sumakit ang tahi.

5. Mainam na magdala ng sariling binder na gagamitin pagkatapos manganak. Ipakita lang muna sa doktor kung okay gamitin ang dala mong postnatal binder.

6. Hindi kumportable ang pagbangon sa kama. Iwasan ang biglang tayo. Subukan na itagilid muna ang katawan at saka dahan-dahang bumangon at tumayo.

7. Kung tatawa o di kaya babahing, maglagay ng unan sa may tiyan para may pressure na kokontra sa pananakit ng sugat.

8. Kung aakyat ng hagdan papunta, halimbawa, sa second floor ng bahay, maingat at huwag kaagad bumaba.

9. Dagdagan ng fiber ang diet nang mas bumilis o dumali ang pagdumi.

10. Magsuot ng damit na kumportable, presko, maluwag, at breastfeeding-friendly. Mainam kung buntis pa lang ay simulan nang bumili ng mga ganyang damit.

Tingnan ang post na ito sa Instagram

Isang post na ibinahagi ni Danica Sotto-Pingris (@danicaspingris)

Baby blues

Habang nagkukuwento si Danica ng kanyang ikatlo at huling karanasan sa CS ay hindi niya napigilang maging emosyonal. Kaya pinangunahan na niya si Marc: "Pagtatawanan mo na naman ako, gano’n talaga. Kasama ito sa postpartum."

Paliwanag pa ni Danica, "Kapag nagbe-baby blues, dapat may kausap lang kayo. Ako, iyak talaga ako nang iyak."

Komento ni Marc, patungkol sa mga daddy: "Huwag kayong mang-aawat sa pag-iyak."

Depensa naman ni Danica: "Kasama talaga ’yun. Kasama ’yung parang overwhelmed ka. But it gets better every day. So pag today, struggle ka, tomorrow okay. ’Tapos sige pa, it gets better."

Komento ulit ni Marc: "Kayong mga daddy, huwag n’yo sasabayan. Promise, tumalikod kayo."

Pero may mas magandang suhestiyon si Danica para sa mga daddy: "Be supportive. I-comfort n’yo, bigyan n’yo ng food."

Paliwanag niya, "Kasi it’s no joke. Ang katawan mo, ang daming pinagdaanan. Ang hormones mo, nagulo-gulo. Ang daming pangyayari sa katawan ng babae. Hindi n’yo [mga daddy] naiintindihan. Hindi lang hormones, you’re still recovering. Imagine you’re taking care of the baby, but at the same time, you’re healing din."

Basahin dito para mas maintindihan ng mga daddy ang postpartum.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close