embed embed2
  • Benepisyo Ng Tanglad Sa Kalusugan: Hindi Ito Pampabango Lamang!

    Tradisyunal na ginagamit ang tanglad o lemongrass bilang sahog sa pagluluto.
    by Jocelyn Valle .
Benepisyo Ng Tanglad Sa Kalusugan: Hindi Ito Pampabango Lamang!
PHOTO BY iStock
  • Habang pinapabango at pinapasarap ng tanglad ang pagkain, pinapalusog din daw nito ang kumakain. Ilan lang iyan sa mga hatid na benepisyo ng tanglad, ayon sa mga pag-aaral sa halamang gamot na ito na may scientific name na Cymbopogon citratus at kilala din sa English name na lemongrass.

    Mula sa mga bansang India at Sri Lanka, kung saan katutubong pananim ang Cymbopogon citratus, nadala ito at tumubo sa ibang parte ng mundo. Popular ito sa rehiyon ng Southeast Asia, kabilang na ang Pilipinas, dahil sa iba-ibang gamit nito.

    Tradisyunal na ginagamit ang tanglad bilang sahog sa pagluluto dahil sa taglay nitong bango at lasa. Ang puting parte ang kadalasang hinihiwa nang pino at hinahalo sa lutuin dahil malambot ito kumpara sa berdeng parte. Pero may mga cook na ginagamit ang buong bungkos ng tanglad para tumingkad pa ang lasa, halimbawa, ng tinolang manok.

    What other parents are reading

    Pinapakuluan naman ang tanglad upang gawing malinamnam at masustansyang tsaa. Alinsunod sa traditional medicine, pinapainum ang tsaang tanglad sa mga sumusunod:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayaman ang tanglad sa vitamins B1, B2, B5, B6, at folate, maging sa minerals na potassium, manganese, iron, at calcium. Ang vitamins na iyon ay kailangan upang makagawa ang katawan ng energy at red blood cells. Napakahalaga nito lalo na sa mga buntis, sanggol, at kabataan. 

    Tumutulong din ang iron sa red blood cell production, samantalang ang kapwa nito minerals ay may kanya-kanyang tungkulin. Nakatoka ang potassium sa pagmintina ng normal blood pressure, at ang manganese sa brain at nerve function. Magkatuwang naman ang magnesium at calcium para patibayin ang mga buto at muscle.

    What other parents are reading

    Bukod sa benepisyo ng tanglad bilang pagkain at inumin, ang katas nito ay ginagamit bilang essential oil na nakakataboy ng lamok at nakakagamot ng sakit. Ayon sa isang artikulo na nalathala sa National Center for Biotechnology Information website, may siyentipikong basehan ang kakayahan ng tanglad na magpagaling ng ilang karamdaman.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ang tanglad kasi ay napatunayang hitik sa phytoconstituents, gaya ng flavonoids at phenolic compounds, na maaaring nagbibigay bisa dito bilang anti-amoebic, antibacterial, antifungal, anti-inflammatory, o antioxidant. Mainam daw na magsagawa pa ng mga pag-aralan nang lubusang magamit ang tanglad sa mas malawak nitong kapasidad. 

    Sang-ayon dito ang Memorial Sloan Kettering Cancer Center sa pamamagitan ng artikulo sa kanilang website. Kinikilala daw kasi na anti-cancer ang tanglad dahil sa animal lab tests na naisagawa na. Pero wala pa iyong sangkot ang human cancer patients.

    Bagamat nakita daw sa animal lab tests na mayroon compounds sa tanglad na pumipigil sa paglaki ng tumor o di kaya pumupuksa sa cancer cells, hindi pa masasabi na mangyayari din ito sa mga taong may cancer. Napag-alaman din na nagkaroon ng birth defects sa mga daga na sumailalim sa lab tests dahil sa citral at myrcene compounds ng tanglad, kaya mas mainam daw na iwasan muna ito ng mga buntis. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang essential oil mula sa tanglad ay magagamit sa tulong ng vaporizer bilang panlaban sa bacteria, trangkaso, at sipon. Maaari din itong ipahid sa balat para maibsan ang alinsangang dulot ng tag-init at gumanda ang mood. 

    Ginagamit din ito bilang pabango sa mga sabon, deodorant, at cosmetics. Mainam din daw ito sa pagpapakinis ng balat dahil may natural astringent properties ito, at pagpapalago ng buhok habang pinipigilan ang pagdami ng balakubak.

    Marami ang benepisyo ng tanglad, at tulad ng lahat ng bagay kahit mabuti pa ito, hindi dapat labis ang kailangan mag-ingat sa pagkonsumo bilang pagkain man, inumin, o essential oil.  

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close