;
embed embed2
  • 5 Dapat Gawin Kapag Nilalagnat At Nilalamig Imbes Na Magtalukbong Sa Kumot

    Bukod sa virus, may iba pang sanhi ng lagnat.
    by Jocelyn Valle .
5 Dapat Gawin Kapag Nilalagnat At Nilalamig Imbes Na Magtalukbong Sa Kumot
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ngayong may kalamigan ang panahon, natural na ginawin. Pero kapag uminit ang pakiramdam at tumaas ang temperatura, kailangan mo nang gawin kaagad ang self-isolation at testing dahil maaaring sintomas na iyan ng COVID-19 (basahin dito). Kung positive ka nga sa coronavirus o kahit negative pa, kailangan mo talaga ang gamot sa nilalagnat at nilalamig.

    Mga dapat malaman kapag nilalagnat at nilalamig

    Meron kang lagnat (fever) kapag tumaas ang temperatura ng iyong katawan ng 38-degree Celsius (100.4 degree Farenheit) o higit pa, ayon kay Karen Justiniano, DO, MS, isang doktor ng osteopathic medicine sa Stamford Health Medical Group.

    Paliwanag ni Dr. Justiniano na ang lagnat ang paraan ng katawan para labanan ang impeksyon. Layunin ng natural na pagtaas ng temperatura ng katawan na mapatay ang germs. Posible rin daw na wala ka nang iba pang maramdaman, tulad ng trangkaso sintomas, hanggang sa tuluyang gumaling.

    Pero kadasalasang may kasamang panlalamig at pangangatog sa ginaw (chills) ang lagnat, ayon naman sa MedLinePlus medical reference ng United States National Library of Medicine. Maaari raw makaramdam ng chills sa simula pa lang ng impeksyon. Nangyayari ito dahil sa mabilis na pag-contract at pag-relax ng mga muscles.

    Sa ganyang paraan nakakagawa ng init ang katawan na panlaban sa nararamdamang lamig. Kapag gininaw ka, malamang na may kasunod na lagnat at hindi lang lagnat laki, o di kaya pagtaas ng temperatura sa katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang mga karaniwang sanhi ng lagnat, ayon sa mga eksperto:

    • Impeksyon mula sa virus (viral infection), kabilang na ang COVID-19
    • Sipon (common cold)
    • Trangkaso (flu), pati na stomach flu
    • Impeksyon sa lagusan ng hangin sa katawan (airway infection), tulad ng bronchitis
    • Dengue
    • Urinary tract infection (UTI)

    Kung negative ka sa COVID-19 pero mataas ang lagnat, payo ni Dr. Remy Tahil, isang general practitioner, na kumuha ng blood test dahil panahon ng dengue sa Pilipinas. (Basahin dito ang karanasan ng anak ni Nina Corpuz.) Kumuha rin daw ng urine test kung may history ka naman ng UTI.

    Gamot sa nilalagnat at nilalamig

    Walang dapat ikabahala kung mababa sa 39.4-degree Celsius (103-degree Farenheit) ang fever, ayon sa Mayo Clinic. Basta raw gawin ang ilang home remedies, ayon din sa Harvard Health. Hindi nalalayo ang mga ito sa gamot sa trangkaso.

    Magpahinga

    Paliwanag ng mga eksperto na kailangan ng pahinga ng katawan para malabanan ang impeksyon. Bilin lang ng MedLinePlus na iwasan ang pagtatalukbong sa makapal na kumot at pagtapat sa aircon o electric fan kung mataas ang lagnat. Baka raw lumala ang fever at chills.

    Gawin ang cold compress

    Bagamat mainam na magpunas ng katawan gamit ang bimpo na binasa ng maligamgam na tubig, malaking tulong din ang paglalagay ng bimpo na binasa ng malamig na tubig sa noo at mukha. Mainam din ipitin ang bimpo sa mga singit, sabi ni Dr. Tahil, upang bumaba ang lagnat.

    Damihan at dalasan ang pag-inom ng tubig

    Bukod sa tubig, makakatulong din ang fresh fruit juice upang gumihawa ang pakiramdam at maiwasan ang sintomas ng dehydration sa katawan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Humigop ng mainit na sabaw

    Nakakaluwag ng pakiramdam ang mainit na sabaw, lalo na kung may sangkap itong luya, sa baradong ilong at naninikip na dibdib. Maaari ka ring uminom ng mainit na tsaa, gaya ng salabat o ginger tea, nang matanggap ang maraming benepisyo ng luya sa katawan. Isa pa ang turmeric tea para sa luyang dilaw benefits. Timplahan ang tsaa para sa dagdag benepisyo ng honey sa katawan.

    Puwede mo ring subukan ang mga halamang gamot sa lagnat, pero pag-isipang mabuti ang paggamit ng sibuyas gamot sa lagnat.

    Uminom ng gamot

    Ang mga over-the-counter medication, tulad ng paracetamol, ay makakatulong sa pagbuti ng iyong pakiramdam. Isa ang paracetamol sa mga gamot na malimit ginagamit at sinasabing "standard antipyretic and analgesic" para sa mild at moderate na pagkakasakit na may kasamang lagnat at kirot.

    Sinasabing ligtas inumin ang paracetamol kahit buntis o nagpapadedeng nanay. Maaari itong inumin kahit meron o walang laman ang tiyan. Pagkatapos inumin ang gamot, gagana ang bisa nito hanggang isang oras.

    Paalala ng mga eksperto na mula isa hanggang dalawang tabletas ng 500 mg ang puwede sa isang inuman at hanggang apat na inuman sa loob ng 24 oras. Pero maghintay muna raw ng apat na oras bago uminom ulit ng paracetamol.

    Huwag na huwag daw doblehin ang rekomendadong dosage para bumilis gumaling ang sakit nang maiwasan ang paracetamol overdose. Hindi ka puwedeng uminom ng higit sa walong tabletas sa loob ng 24 oras. Hindi ka na rin puwedeng uminom kung may iniinom ka nang iba pang gamot na may sangkap na paracetamol.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hindi umubra ang gamot sa nilalagnat at nilalamig, at umabot pa ng 39.4-degree Celsius pataas ang iyong lagnat, payo ng mga eksperto na komunsulta na sa doktor. Pero hindi mo kailangang sumugod sa ospital ngayong panahon ng pandemya. Mas makakabuti kung gawin muna ang telemedicine o e-consultation.

    Para sa lagnat ng bata at tamang pangangalaga sa kanya, basahin dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles