embed embed2
Panay Ang Sakit Ng Tiyan? Alamin Ang Mga Posibleng Dahilan At Makakatulong Na Gamot
PHOTO BY Pexels/Sora Shimazaki
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Halos lahat ng tao ay nakararanas ng pananakit ng tiyan. May mga seryosong kaso, kaya kailangan kaagad ng gamot sa sakit ng tiyan. Ngunit may mga mabilis ding nabibigyan ng lunas, tulad ng ilang mga sakit sa tiyan at digestive system.

    Sa kabag, halimbawa, normal lang na kabagin. Ito ay ayon kay Dr. Hazel Marie Galon Veloso, isang gastroenterologist ng Johns Hopkins Medicine. Paliwanag niya na natural byproduct ng mga bakterya sa bituka ang hangin o gas.

    Bahagi kasi ng ginagawa ng mga bakteryang ito ang pag-break down ng fiber, sugar (glucose), at starch mula sa mga pagkaing naiipon sa tiyan upang matunaw o ma-digest. Gayunpaman, may mga sandaling talagang nakaaalarma ang sakit sa tiyan.

    Kailan nga ba normal na sakit ang nararamdaman at kailan naman dapat agad  na magpatingin sa doktor? Ano-ano ang lunas o gamot dito? Mainam na alamin ang mga gamot sakit sa tiyan nang maagapan at hindi na lumala pa ito.

    Mga posibleng sanhi ng sakit sa tiyan

    Ang pananakit ng tiyan ay sanhi ng iba-ibang mga bagay, mula sa gas o constipation hanggang sa stress, o nakahahawang stomach bug. Mayroon ding mga pagkakataon na ang sakit sa tiyan ay dahil sa problema sa ibang parte ng iyong katawan.

    Tandaang pinagu-usapan dito ang abdomen, na kinalalagyan din ng atay (liver), apdo-pantog (gallbladder), lapay (pancreas), at ng iyong mga bituka (small and large intestines). Kaya’t kung mayroong nararamdamang sakit, mahalaga ring bigyan ng atensyon ang iba pang internal organs na nakapaligid sa iyong tiyan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Posibleng may kinalaman ang pagsakit ng tiyan sa pagtunaw ng pagkain o digestion, injury, impeksyon, o iba pang mga karamdaman. Maaaring nagmumula rin ito sa ibang internal organs, o sa mga muscle sa iyong abdominal wall.

    Narito ang iba pang mga sanhi ng sakit sa tiyan:

    • Stress (psychosomatic pain)
    • Visceral hypersensitivity
    • Abdominal bloating
    • Traumatic injuries
    • Muscle strain
    • Shingles
    • Irritable Bowel Syndrome (IBS)
    • Traveler’s diarrhea

    Diagnosis ng sakit sa tiyan

    Mahalaga na komunsulata sa iyong doktor. Tatanungin ka tungkol sa sakit sa tiyan o abdominal pain upang matukoy ang sanhi nito. Hindi lamang severity o kung gaano ito ka-intense o kalala ang batayan para masabing seryosong kalagayan ang mayroon ka. May mga matitinding sakit na hindi naman maglalagay sa iyo sa panganib. Mayroon ding mild lang ngunit delikado pala.

    Tatanungin ka rin ng iyong doktor tungkol sa sumusunod:

    • Saan mo ito nararamdaman
    • Ano ang pakiramdam at saan maihahalintulad o maikukumpara ito
    • Gaano katagal mo na ito nararamdaman
    • Kung ito ba'y nawawala o nananatili lang sa loob ng ilang araw
    • Kung tumitindi ba ito
    • Kung nasa iisang erya lang ng tiyan o palipat-lipat
    • Kung nakararamdam na parang nasusuka

    Mainam kung ipaaalam mo sa iyong doktor kung mayroong iba pang mga sintomas na iyong nararamdaman.

    Mga senyales ng sakit sa tiyan

    Bukod sa paghilab ng tiyan, maaaring makaramdam ng iba pang sintomas, tulad ng:

    • Pagsusuka (vomiting)
    • Pagkahilo na parang nasusuka (nausea)
    • Pagtatae (diarrhea)
    • Hirap sa pagdumi (constipation)
    • Pangangati ng lalamunan (sore throat)
    • Mainit na pakiramdam sa dibdib (heartburn)
    • Lagnat
    • Pamamanas (bloating)
    • Pamumulikat (cramping)
    • Masakit kapag umiihi
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kailan dapat mabahala sa sakit sa tiyan

    Mayroong malawak na sanhi at treatments para sa sakit sa tiyan. Para sa ilang kondisyong tulad ng gallstones at appendicitis, kakailanganin ng pagpapa-opera o surgery. Para sa ulcers o iba pang impeksyon, posibleng maidaan ito sa over-the-counter medications basta’t mayroong preskripsyon mula sa iyong doktor. 

    Mahalagang tukuyin muna ang sanhi bago maibibigay ng doktor ang gamot sakit sa tiyan.

    Kung nararanasan ang sumusunod, agad na ring magpa-check up:

    • Hirap sa pagdumi hirap sa paglalakad dahil sa masakit na tiyan
    • May dugo o nangingitim ang bowel movements
    • Kapag ang sakit ay napadadalas at mas tumitindi
    • Mga senyales ng dehydration o kulang sa tubig ang katawan
    • Nawawalan ng ganang kumain sa loob ng isang araw o higit pa
    • Paulit-ulit na pagsusuka, lalo kung kulay berde at dilaw ang suka
    • Pananakit na nagsisimula malapit sa belly button at umaabot sa lower right side ng tiyan
    • Pamamaga ng tiyan
    • Jaundice (paninilaw ng mga mata at balat)
    • Pagkahingal o hirap sa paghinga

    Malaking tulong ang laging paghingi ng payo ng doktor kapag ang sakit ay hindi maipaliwanag, hindi nawawala, o mas lalo pang lumalala.

    Mga gamot sakit sa tiyan

    Maraming kilalang gamot para sa sakit sa tiyan, lalo na para sa pananakit ng sikmura at pagtatae. Para sa kabag o gas pain, maaaring gumamit ng gamot na mayroong simethicone (Mylanta, Gas-X). Para sa heartburn na dulot ng gastroesophageal reflux disease (GERD), puwedeng uminom ng antacid o acid reducer (Pepcid AC, Zantac 75).

    Para naman sa constipation, mild stool softener o laxative ang maaaring makatulong. Para sa cramping dahil sa diarrhea, maiibsan ang sakit sa tulong ng loperamide (Imodium) o bismuth subsalicylate (Kaopectate o Pepto-Bismol). Sikapin ding damihan at dalasan ang pag-inom nang tubig nang maiwasan ang dehydration.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May iba pang gamot sakit sa tiyan, tulad ng:

    • Antispasmodics
    • Antidiarrhoeals
    • Laxatives
    • Anti-nausea medicines
    • Anti-flatulence medicines
    • Antacids
    • Antibiotics

    Para sa iba pang uri ng sakit, nariyan din ang ilan pang gamot sakit sa tiyan tulad ng acetaminophen (Aspirin Free Anacin, Liquiprin, Panadol, Tylenol). Iwasan lamang ang non-steroidal anti-inflammatories (NSAIDs) tulad ng aspirin, ibuprofen (Advil, Midol, Motrin), o naproxen (Naprosyn, Aleve, Anaprox, Naprelan). Maaari kasing magdulot ang ito ng higit na problema sa tiyan.

    Paano makaiiwas sa sakit sa tiyan

    Makakatulong ang mga ganitong gawain:

    • Iwasan ang sobra-sobrang pag kain.
    • Ayusin ang oras ng pagkain.
    • Iwasang kumain bago matulog
    • Huwag maghiraman ng kutsara't tinidor, tasa, straws, at iba pa
    • Uminom ng maraming fluids at kumain ng fiber-rich na mga pagkain, tulad ng mga prutas at gulay
    • Bawasan ang pagkain ng matataba at mamantikang mga pagkain, tulad ng fries at burgers.
    • Kumain ng smaller meals kapalit ng tatlong malalaking meals sa isang araw
    • Nguyain nang mabuti ang kinakain
    • Iwasan ang mga pagkaing triggers sa pananakit ng tiyan (maaanghang o pinritong pagkain)
    • Hugasan nang mabuti ang mga kamay, lalo na bago at pagkatapos pumunta sa banyo
    • Matulog nang mahimbing at siguraduhing sapat ang oras ng pagpapahinga at pagtulog
    • Maghanap ng mga mapagkakatiwalaang makakausap tungkol sa mga suliranin sa buhay upang makabawas sa dinadalang bigat o problema.

    Malaking tulong din ang exercise, meditation, o di kaya yoga para lumusog ang mga buto ng katawan. Subukan ang heat therapy, gaya ng paglublob sa maligamgam na tubig o pag-inom ng maligamgam na tubig o gatas.

    May home remedies din na maaasahan bilang gamot sakit sa tiyan. Isa diyan ang licorice para sa kabag o gas. Paalala lang ng mga eksperto na kailangan pang magsaliksik nang mabuti tungkol dito. Subok naman ang luya para sa indigestion, idagdag pa ang peppermint upang ma-relax ang intestinal muscles. Para sa gas pain, makagiginhawa rin sa pakiramdam ang pag-inom ng chamomile o peppermint tea at pag-inom ng iba pang fluids.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito ang gamot sa sakit sa tiyan ng bata at dito kung masakit ang tiyan ng buntis.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles