;
embed embed2
  • Ito Ang Puwedeng Gamot Sa Sakit Ng Ngipin Kung Hindi Pa Makapunta Sa Dentista

    Makakatulong ang pain reliever kung hindi pa makakapunta sa dentista.
    by Jocelyn Valle .
Ito Ang Puwedeng Gamot Sa Sakit Ng Ngipin Kung Hindi Pa Makapunta Sa Dentista
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Tunay na damay ang buong bahay kapag sumakit ang ngipin ng bata. Hindi niya kasi mapipigilan na umiyak at ngumawa kahit magdamag na. Kaya mahalaga na alam mo kung anong ibibigay na gamot sa sakit ng ngipin tablet sa anak nang maibsan ang kirot hangga't hindi mo pa siya madala sa dentista.

    Bakit sumasakit ang ngipin ng bata?

    May ilang dahilan kung bakit nakakaramdam ng sakit ang bata sa kanyang bibig o toothaches, ayon sa mga eksperto ng American Academy of Pediatrics (AAP). Narito ang ilan sa mga rason:

    • Tinutubuan ng ngipin ang bata
    • May sira o bulok na ngipin ang bata
    • May sugat (sores) sa bibig ang bata
    • Sumasakit din ang tenga ng bata dahil sa earache
    • May sinus infections ang bata

    Para malaman ang posibleng dahilan ng pag-aray ng anak, payo ng mga eksperto na subukan ang ilang first aid options:

    • Pamumugin ang bata ng maligamgam na tubig (warm water)
    • Magsuot ng medical gloves at suruin ang loob ng bibig ng bata
    • Kung may nakasiksik na pagkain sa puwang ng ngipin ng bata, subukang tanggalin ito gamit ang dental floss
    • Tignan kung may pamamaga o umbok sa paligid ng ngipin
    • Tignan kung may butas na ngipin o di kaya maluwag na ito

    Ang butas sa ngipin ang kadalasang sanhi ng toothache o pulpitis, ayon sa mga eksperto ng University of Rochester Medical Center (URMC). Tinatawag ang pinsalang ito sa ngipin na cavity. Sanhi ang cavity ng kakulangan sa pangangalaga ng ngipin (poor dental hygiene).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya mahalaga na maturuan mo ang anak ng tamang pagsisipilyo para siguradong natatanggal ang pagkain sa kanyang bibig at ngipin. Ang sugar at starch na mula sa pagkain ang nage-enganyo sa bacteria na tumira sa bibig at sirain ang ngipin.

    Anong puwedeng gawin kapag masakit ang ngipin?

    Pagkatapos bigyan ng first aid options ang anak bilang gamot sa sakit ng ngipin at nakita mong maluwag o umuuga na ang ngipin ng bata, bilin ng dentista na si Dr. Evangeline De Guzman-Calimlim na huwag subukang hilahin ito.

    Kahit pa raw malapit nang matanggal ang ngipin dahil sobrang bulok o mahina na, hindi sa pilitang pagtanggal ng ngipin ang paraan kung paano mawala ang sakit ng ngipin. Maaari raw kasing maghatid ang ganitong gawain ng impeksyon sa ngipin at baka ma-trauma pa ang bata sa sakit.

    Payo ni Dr. Calimlim na bigyan ng gamot sa ngipin tablet tulad ng Tempra ang bata para mawala pansamantala ang kirot ng kanyang nararamdaman. Isa itong uri ng gamot na paracetamol, na tinatawag ding acetaminophen, na ginagamit para maibsan ang mula mild hanggang moderate na kirot, pati na sa lagnat.

    May dagdag pang suhestiyon si Dr. Calimlim na sakit ng ngipin home remedy na mainam ding gamot sa sakit ng ngipin pambata. Kabilang diyan ang mga sumusunod:

    • Ipamumog ang maligamgam na tubig na may halong asin.
    • Magdikdik ng bawang at ipasak sa sumasakit na ngipin upang magsilbing pain reliever.
    • Puwede ring gumamit ng bulak na pinatakan ng pabango at iyon ang ipasak sa sumasakit na ngipin.
    • Kapag namamaga ang panga at pisngi ng bata, gawan ng cold compress. Ibalot lang ang ilang piraso ng yelo sa bimpo at idikit ito sa parte ng mukha kung saan sumasakit ang ngipin.
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bilin din ni Dr. Calimlim na ipatingin ang anak sa dentista nang matukoy ang problema. tulad ng bulok na ngipin sa bagang, at mabigyan ito ng solusyon, gaya ng pasta sa ngipin at gamot sa bukol sa gums. Maaari ring subukan ang mga halamang gamot sa sakit sa ngipin.

    Paano maiiwasan ang pagsakit ng ngipin?

    May mga paalala si Dr. Calimlim, na may clinic sa Marikina City, sa mga magulang para magabayan ang anak sa tamang pangangalaga ng ngipin. Kabilang diyan ang mga sumununod:

    • Ugaliing mag-toothbrush nang hindi bababa sa tatlong beses kada araw.
    • Gumamit ng toothpaste na may sangkap na fluoride.
    • Mag-floss ng ngipin.
    • Limitahan ang pag-inom ng acidic drinks. Kabilang dito ang mga inuming carbonated (soda, energy drink) at caffeinated (coffee, tea).
    • Limitahan ang pagkain ng matatamis.
    • Magpatingin sa dentista dalawang beses sa isang taon. Para hindi matakot ang bata sa dentista, ipasyal ito sa klinika simula 2 years old para maging pamilyar siya sa paligid at mga gamit dito.

    Samantala, kung hindi pa madadala ang anak sa dentista para mapatignan kung ano ang problema, mainam na bigyan muna siya ng gamot sa sakit ng ngipin tablet at hayaan siyang makapahinga.

    Kung ang tanong mo naman ay kung pwede bang magpabunot ng ngipin ang buntis, basahin dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles