embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Naging Emergency CS Ang Panganganak Ni Jade Lopez: 'It Was Painful And Nerve-Racking'

    Nanganak ang StarStruck Batch 1 alumna nitong February 26, 2020.
    by Jocelyn Valle .
  • Isinilang ni Jade Lopezsa pamamagitan ng emergency C-section, ang panganay nila ng mister na si Rocky Siccion nitong February 26, 2020. Babae ang kanilang supling at pinangalanan nila itong Rinoa Sapphire. Ang kanyang nickname ay Gohan.

    Ngayong araw, March 3, lamang ibinahagi ni Jade ang magandang balita sa Instagram kalakip ang larawan nilang mag-ina na kuha sa  loob ng neonatal intensive care unit (NICU). Ikalawang araw daw iyon ng sanggol sa NICU, at nagkaroon sila ng Kangaroo Mother Care (KMC), o skin-to-skin contact

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pahayag niya sa caption, "She's finally home after 7 days at the NICU. Today's the first time her dad got to hold her. Picture was taken during our KMC moment at the NICU when she was two days old." Nagpasalamat din siya sa kanyang mga doktor at nurse.

    More from Smart Parenting

    Habang nasa ospital pa si Jade at kanyang baby ay nagpaunlak ito ng Viber interview sa  SmartParenting.com.ph. Kuwento ng GMA-7 actress na iniluwal niya si Baby Rinoa Sapphire ng alas-tres nang madaling araw at may bigat ito na 7.04 lbs. Ipinaglihi daw niya ito sa kanin kaya Gohan ang napili nilang term of endearment. Ang ibig sabihin ng "gohan" sa Japanese language na Nihongo ay kanin. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aniya, “Originally kasi we were planning na malaman ’yung gender niya on the date of delivery, pero si husband marunong pala siya mag-check ng ultrasound. So nun nakita niya na girl, natuwa siya kaya nalaman namin gender agad. We decided na wag na lang [muna] announce ’yung gender on social media and family.” 

    Plano din daw ni Jade at ng kanyang ob-gyn na si Dr. Emma Co-Hidalgo na mag-normal delivery siya at inasahan nilang manganganak siya ng unang linggo ng March. Pero no’ng umaga pa lang ng February 25 ay ruptured na ang bag of water niya, kaya dinala na siya sa ospital.

    Lahad niya, “Diretso kami sa emergency room, tuloy-tuloy na. 9:00 a.m. nag-rupture then 9:30 hospital na. Diretso ako sa delivery room. Around 12:30 na-induce ako. Labor ako for 18 hours. From 10:00 p.m. to 2:00 a.m., hindi na nag-progress ang dilation ko from 6 cm. That's the time they decided na emergency CS ako.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa niya, “It was painful and nerve-racking but it was all worth it. Totoo pala ’yun pag narinig mo ang first cry ng baby mo maiiyak ka din.”

    More from Smart Parenting

    Natutuwa din si Mommy Jade na isipin na “sobrang bait” ni Baby Rinoa Sapphire dahil tila hinintay nito na makapagpahinga muna si Daddy Rocky galing sa Japan trip. Gabi ng February 24 dumating ang kanyang mister at nakatulog pa bago ma-rupture ang kanyang bag of water at tuluyang manganak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagpapasalamat naman siya sa pagkakaroon ng “very supportive husband and super excited na maging tatay.” Inalala ni Jade na hindi nawala sa kanyang tabi si Rocky, mula nang malaman niyang buntis siya hanggang ihatid siya sa ospital. Stressed out din daw ito habang siya ay nasa puntong labor at delivery. 

    Pagbabalik-tanaw niya, “He accompanied me sa lahat ng checkup, wala siyang na-miss. All throughout my pregnancy na witness niya. Minsan feeling ko siya talaga ang nabuntis, haha!”

    Desidido ang first-time mom sa breastfeeding, bagamat sa simula ay hindi siya makapagbigay ng gatas. Kaya naman thankful siya sa mga kaibigang nag-donate ng breast milk.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    September 2019 nang ibalita ni Jade sa social media ang kanyang pagbubuntis kay Baby Gohan. Kinalaunan ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel na hindi iyon ang unang pagkakataon na nagdalang-tao siya. Nabuntis na siya ilang linggo matapos ang October 22, 2018 wedding nila ni Rocky, ngunit hindi ito natuloy dahil nakunan siya. Ngayon ay ganap na siyang isang ina. 

    Congratulations!



    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles