embed embed2
  • Inaabot Ni Baby Ang Laruan, Inaaliw Ang Kanyang Sarili, At Iba Pang 5-Month-Old Milestones

    Sobrang active na ni baby!
    by Jocelyn Valle . Published Apr 26, 2023
Inaabot Ni Baby Ang Laruan, Inaaliw Ang Kanyang Sarili, At Iba Pang 5-Month-Old Milestones
PHOTO BY Canva
  • Sa edad 5 buwan, si baby ay punong-puno ng energy! Madaldal na siya, at madaling pasayahin. Napakaaktibo rin niya. Nariyan ang walang sawang pakikipag-usap sa mga nakapaligid sa kanya at nakikipag-usap gamit ang sarili niyang paraan. Nakakapagod para sa magulang, pero masaya rin naman.

    5 month old milestones

    Narito ang ilan sa mga inaasahang magagawa ni baby sa loob ng ilang linggo batay sa developmental milestones para sa kanyang edad. Ito ang mga kakayahan o kasanayan (skills) na may kinalaman sa pag-uugali (behavioral), paggana (functional), o di kaya pangangatawan (physical) na kayang gawin ng mga karamihan sa mga bata ng partikular na edad.

    Nagsisilbi ang developmental milestones bilang gabay, ayon kay Dr. Cuayo-Estanislao, para malaman kung lumalaki ang ating mga anak sa inaasahang bilis. Dagdag niya na ang behaviors at skills ay lumalabas sa paglipas ng panahon bilang building blocks ng bata sa kanyang paglaki (growth), paglago (development), at patuloy na pag-alam (continued learning).

    Paalala lang ng pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts na may sariling bilis, o pace, ang bawat bata kahit pa sabihing may typical age ang bawat developmental milestone. Mahalaga lang na sumangguni sa pediatrician na tumitingin sa anak nang masubaybayan ang paglaki ng bata.

    Physical development

    1. Lumalakas pa si baby mula sa 4 month baby milestones. Pirmi nang nakatayo ang kanyang ulo, hindi tulad ng mga naunang buwan na parati siyang nakatungo (bagong panganak, unang buwan, ikalawang buwan, ikatlong buwan. Kapag pinadapa mo siya, kakayanin na rin niyang gumulong para makabalik sa pagkahinga.

    2. Inaabot ni baby ang kanyang mga laruan. Mainam itong gawain para lumakas at tumatag pa ang kanyang katawan. Subukang ilayo ang laruan nang paunti-unti para masanay siyang umusad at maging handa sa paggapang.

    3. Pag hawak ni baby sa laruan, pinipisil niya ito at inililipat sa kabila niyang kamay. Siguraduhin lang na malinis ang mga laruan dahil nahihilig din siyang isubo ang ano mang mahawakan, lalo na kung makulay. Kunin din ang pagkakataong ito na makipaglaro at makipag-usap sa kanya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. Pumapadyak si baby kapag kinakarga mo siya nang patayo. Puwede mo na siyang sanaying tumayo para madagdagan pa ang muscle strength sa kanyang mga binti.

    Malaking tulong sa physical development ni baby ang proper nutrition. Kung dumedede man siya sa iyo o kaya sa bote, kailangan niyang magawa ito ng mula 4 hanggang 6 na beses kada araw at makaubos ng 28 hanggang 32 ounces na gatas.

    Maaari mo nang patikimin si baby ng malambot na pagkain, tulad ng mashed fruit at veggie. Puwede rin ang dry infant cereals na hinaluan ng breast milk. Pero obserbahan mo muna kung nagpapakita ang anak ng mga senyales na handa na siya sa solid food.

    Sa kabilang banda, maging alerto sa mga senyales na kailangan mong ikonsulta sa doktor ni baby. Mga halimbawa:

    • Hirap dumapa o mag-roll over
    • Tila naninigas ang mga braso at binti dahil tight din ang muscles, o di kaya malamya naman ang mga galaw
    • Hindi nakakayang ipirming nakatayo o ibalanse ang ulo
    • Walang interes na abutin ang mga laruan
    • Hindi nakakaya ang bigat ng sarili gamit ang mga muscle sa binti
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Cognitive development

    May kinalaman ito sa kakayahang mag-isip at matuto.

    1. Nagsisimula nang maging independent ni baby. Nasisiyahan siya sa routine na pagdede, pagtulog, paglalaro, at kahit pa pagligo. Mapapansin mo ring kaya na niyang aliwin ang sarili kapag hindi ka niya nakikita.

    2. Kabilang sa 5 month old milestones ang development ng senses ni baby. Kaya mainam na tulungan siyang mahasa ang kanyang paningin (vision), pang-amoy (sense of smell), pandinig (hearing), at pandama (touch). Halimbawa, laruin siya sa pamamagitan ng pagtawag ng kanyang pangalan at paggawa ng mga tunog. Kalaunan, gagayahin niya ang mga tunog.

    Maganda ring ideya na basahan si baby ng libro para maging attentive at curious pa siya. Pumili ng libro na makulay at puwede niyang mahawakan ang mga pahina (basahin dito). Makakaramdam din siya ng iba-ibang texture.

    Sa kabilang banda, maging alerto sa mga senyales na kailangan mong ikonsulta sa doktor ni baby. Mga halimbawa:

    • Hindi nagpapakita si baby ng interes o lambing sa magulang
    • Walang reaksyon sa ingay o kaya sa kumakausap sa kanya
    • Hindi lumilingon kapag nakakarinig ng tunog
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Social at emotional development

    1. Sa paghahanap ni baby ng independence, nagkakaroon siya ng kamalayan sa kanyang sariling nararamdaman, o feeling. Kaya natutuwa siyang niyayakap, nilalaro, at kinakausap ni mommy at daddy.

    2. Nagiging mapagmasid si baby, kaya mainam na sabihin sa kanya ang mga pangalan ng mga bagay sa kanyang paligid.

    3. Nasasanay na si baby sa mga pamilyar na mukha. Ito ang panahon para ipasyal siya sa ibang lugar dahil natutuwa siyang makakita ng mga bagay na bago sa kanya at maranasan ng kanyang senses.

    Sa kabilang banda, maging alerto sa mga senyales na kailangang ikonsulta mo sa doktor ni baby. Mga halimbawa:

    • Walang interes o kaya kasiyahan sa paglalaro o pakikisalamuha sa ibang tao
    • Hindi mapakali o nagiging fussy at hindi kayang aliwin ang sarili

    Pagkatapos ng 5 month old milestones, marami pang mga bagong magagawa ang anak na baby milestones sa kanyang 6 months (basahin dito).

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close