;
embed embed2
  • Jolina Ibinahagi Ang Saloobin Bilang Nanay: 'Minsan Pakiramdam Ko Balewala Efforts Ko'

    Wala naman talagang perpektong magulang. At hindi maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon.
    by Angela Baylon .
Jolina Ibinahagi Ang Saloobin Bilang Nanay: 'Minsan Pakiramdam Ko Balewala Efforts Ko'
PHOTO BY instagram/mariajolina_ig
  • Madalas na ituring ang mga magulang na mga superhero. Ang kanilang superpower, pagiging matatag at madiskarte alang-alang sa kanilang mga anak. Pero hindi ito nangangahulugang wala silang kahinaan, dahil ang totoo, tao lang din ang mga nanay at tatay. Napapagod at minsan nauubusan din ng pasensya.

    Relate dito ang celebrity mom na si Jolina Magdangal-Escueta. Maaaring maisip mo na bilang isang celebrity, parating picture-perfect ang kaniyang buhay pamilya kasama ang dalawang anak na sina Pele at Vika, at asawang si Mark Escueta.

    Ngunit tulad ng marami, may mga pagsubok ding pinagdadaanan ang mga artista. Iyan ang kaniyang inilahad nang magbukas ng saloobin noong Valentine's Day, February 14, 2022, si Jolina sa kaniyang Instagram account.

    "For the past weeks, on and off ang worries and anxiety na nararamdaman ko. Hindi ko ito sinasabi kay Mark kasi naisip ko baka lilipas din."

    Pagbabahagi niya pa, "Minsan pinagdadasal ko na wag na ako makaramdam ng negative at wag ko na intindihin ang ibang tao na wala naman din pakielam sa feelings ko."

    PHOTO BY instagram/marijolina_ig
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aminado rin siyang malaki ang epekto ng mga negatibo niyang nararamdaman sa pagganap niya ng tungkulin bilang isang ina. "Dahil sa mga worries na yun may mga times na nasusungitan ko ang mga bata at si Mark, minsan wala ako naiisip na bonding namin."

    Hindi idinetalye ng 'Magandang Buhay' host kung ano ang ugat ng kaniyang mga alalahanin pero aniya, "Minsan pakiramdam ko, balewala lahat ng efforts ko para magawa lahat ng dapat gawin ng isang nanay sa isang buong araw.

    "Minsan humaharap ako sa salamin at sinasabihan ko sarili ko ng 'huy! Ano ka ba! Umayos ka! Marami ka pang gagawin today at kailangan mo pa asikasuhin pamilya mo.'"

    Bakit nakakaranas ng parental burnout?

    Hindi nag-iisa si Jolina, maraming mga nanay na tiyak na mauunawaan ang ganitong sitwasyon. Sa aming online parenting community na Smart Parenting Village, marami na ang naging bukas tungkol sa kanilang saloobin sa mga nararanasang pagsubok bilang nanay, kabilang na ang pakiramdam ng parental burnout.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Tulad ni Jolina, aminado ang ilang mga magulang na may mga pagkakataong nasusungitan nila ang anak o di kaya'y nasisigawan. Pero hindi ibigsabihin ay masama agad o "bad parent" na sila sa mga ganitong pagkakataon. Gayundin, hindi rin dapat hayaan na ganito palagi ang maging reaksyon ng mga magulang. (Basahin dito)

    "Dahil sa mga worries na yun may mga times na nasusungitan ko ang mga bata at si Mark, minsan wala ako naiisip na bonding namin."

    Una, mahalagang maintindihin ang nararmdaman at pinagdadaanan ng mga magulang dahil maaaring nakakaranas na sila ng tinatawag na parental burnout.

    Bukod sa matinding pagod, maaaring maging ugat ng parental burnout ang pakiramdam na hindi ka pinapahalagahan o hindi sapat ang nakukuha mong suporta lalo mula sa iyong mga mahal sa buhay. 

    Mas nagkakaroon din ng mga alalahanin o worries at anxiety ang mga nakakaranas nito dahil madalas silang makatanggap ng kritisismo o panghuhusga sa iba kaugnay ng kanilang kakayahan bilang isang magulang.

    "Parent burnout is a condition of intense exhaustion specifically related to one’s parenting role, reducing their emotional capacity and leading them to be emotionally detached from their children," paliwanag ni Dyah Larasati, isang psychologist na nagtrabaho sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa Indonesia.

    Paano malalampasan ang parental burnout?

    Malaki ang epekto ng parental burnout hindi lang sa magulang na nakakaranas nito ngunit pati na rin sa lahat ng miyembro ng pamilya. Kaya naman, mahalaga na mapagtuunan ito agad ng pansin.

    Sa Smart Parenting article nitong 2021, inilahad namin ang mga payo ng mental health social worker na si Lyka Lucena kung paano malalampasan ang parental burnout.

    Aniya, ang unang hakbang ay ang aminin o i-acknowledge na nakakaranas ka nito. Sa ganitong paraan mas matutugunan mo ang iyong mga pangangailangan tulad ng paglalaan ng oras sa sarili at paglapit sa mga health professional kung kinakailangan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Be proactive and invest in your own mental health. Take regular breaks and do something that you enjoy doing, preferably healthy activities that are good for your physical and mental being," sabi ni Lucena.

    Malaking parte rin ng paglaban sa parentalburnout ang pagkakaroon ng suporta mula sa mga mahal sa buhay. Ito ang naramdaman ni Jolina nitong nakaraang Valentine's Day.

    Bilang pagdiriwang sa araw ng mga puso, isang nakakatouch na video ang inihanda ng mga anak at asawa kung saan kumakanta sila ng 'You Are My Sunshine.'

    Pagbabahagi ni Jolina, "Pakiramdam ko Mother’s Day at Birthday ko. NAPAHAGULGOL TALAGA AKO MGA MOMSH!"

    PHOTO BY instagram/mariajolina_ig

    Ang sweetness na naramdaman sa video ang naging daan umano para maipaalala kay Jolina na sa kabila ng kaniyang mga alalahanin ay "Mas madami parin akong dapat ipagpasalamat sa buhay ko na makakatalo worries ko."

    Sa huli, mensahe ng pagmamahal ang kaniyang ipinaabot sa pamilya.
    "I LOVE YOU SO MUCH MAHAL, PELE and VIKA. Pasensya na kayo kay Mama minsan. Basta lagi nyo tatandaan na gagawin ko lahat para sa inyo."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi madali ang pagiging magulang. May mga pagkakataong sumasagi sa iyong isipan kung tama pa ba o mayroon pa bang mga pagkukulang sa iyong ginagawa. Pero kailangan mo rin alalahanin ang sarili mong kapakanan. Tandaan na kung mas masaya at malusog ka bilang indibidwal, mas maaalagaan mo rin ang iyong pamilya.

    Basahin dito ang mga morning affirmations na makakatulong upang mapawi ang iyong anxiety.

    What other parents are reading


  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles