-
5 Dapat Gawin Para Mabuntis Kahit Irregular Ang Menstruation
Hindi kailangang mawalan ng pag-asa, basta alamin ang mga paraan.
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Bahagi ng pagiging babae ang pagkakaroon ng buwanang dalaw o regla. Iba-iba ang menstrual cycle ng bawat babae. Nangyayari naman ito sa loob ng isang buwan, mayroong nasa 28 days lamang at may umaabot hanggang 31 days. Ngunit hindi lahat ay nagkakaroon ng normal o regular na menstruation. Kaya ang tanong nila: paano mabuntis agad ang irregular?
Ayon sa medical resource, kapag hindi pumapasok sa normal range ang pagkakaroon ng regla ng babae gaya ng mas maikli na 21 days o mas tumatagal naman ng 35 days, itinuturing na irregular ang menstrual cycle na ito. May iba pang umaabot nang ilang buwan bago pa sila datnan ulit. May pagkakataon na kapag irregular, naaapektuhan ang fertility ng babae. Tumutukoy ang fertility sa likas na kakayahan na magbuntis.
Pero kahit na irregular, posible namang mabuntis pa rin ang isang babae kaya lang mahihirapan dahil mahirap tiyakin kung kailan dadatnan. Hindi kasi masiguro ang haba ng iyong cycle kada buwan kaya mahirap malaman ang iyong ovulation period. Mahalaga kasi ito para sa pagkakaroon ng garantiya na mabuntis ka kung makikipagtalik sa asawa kung kailan fertile ang babae.
Mga dahilan sa mahirap na pagbubuntis
May dahilan kung bakit nagiging irregular din ang iyong menstruation na nakaapekto para mabuntis ka agad. Pero kung malalaman mo agad ang mga dahilang ito, maagapan at magagawan ng paraan kaya mabuting masuri ka ng iyong doktor para matiyak ano ang dahilan ng iyong iregular na buwanang dalaw.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPagkakaroon ng Polycystic Ovary Syndrome (PCOS)
Ang kakulangan sa ovulation ang karaniwang dahilan ng infertility ng babae. Isa ang PCOS sa karaniwang itinuturing na dahilan kung bakit nahihirapang mabuntis ang babae. Ito ay kondisyon na ang babae ay naglalabas ng maraming androgens o sinasabing “male” sex hormones.
Dahil sa maraming paglabas ng androgen, napipigilan nito ang pag-mature ng egg cells na madebelop at ilabas sa fallopian tubes. Itinuturing ang PCOS din na isang genetic disorder pero puwede ring may impluwensiya ang paraan ng pamumuhay, gaya ng pagkakaroon ng labis na timbang o kawalan ng healthy lifestyle.
(Basahin dito ang paraan para mabuntis ang may PCOS.)
Thyroid disease
May dalawang kondisyon ito: hyperthyroidism at hypothyroidism. Matatagpuan ang iyong thyroid sa iyong leeg, makakapa mo ang parang hugis na paruparo sa gitnang bahagi nito. Nakatutulong ito sa pag-regulate ng iyong hormones, malaki rin ang epekto nito sa iyong ovulation at menstruation. Kasamang sintomas nito ay pagbabago sa timbang, pagkahilo, at pag-iiba-iba ng tibok ng puso.
Weight at stress
Ang pagkakaroon ng hindi maayos at tamang timbang ay nagreresulta ng hormonal imbalance. Ang mababa at labis na timbang ay nakaapekto sa pagkakaroon ng regular na ovulation. (Basahin dito.)
Kaya dapat tiyaking may sapat na timbang. Bukod dito, may malaking epekto rin sa katawan ang stress. Kapag mataas ang antas ng stress, magdudulot ito ng problema sa iyong ovulation.
Perimenopause
Bahagi ang perimenopause ng pagbabagong nagaganap sa reproductive sytem ng babae na dumarating sa panahon na karaniwang bumababa ang estrogen at progesterone. Nagdudulot ito ng irregular na ovulation at menstruation bago tuluyang huminto, hudyat ito na malapit na mag-menopause.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKaraniwan na tumatagal ang perimenopause ng apat na taon pero may ilang mas matagal itong nararanasan. Kasamang sintomas nito ang tinatawag na hot flashes, pagkakaroon ng night sweats, at pagbabago-bago ng mood o palaging iritable.
Mga dapat gawin para mabuntis kahit irregular
Kung nahihirapan kang mabuntis dahil sa pagiging irregular, ang unang mahalagang gawin ay magpatingin sa iyong doktor para malaman kung ano ang nararapat mong gawin. Gayundin, mabigyan ka rin ng tamang payo at paggabay. Bukod dito, puwede mo ring subuking gawin ang mga ito:
Regular na makipagtalik sa iyong asawa
Gawin itong regular dahil mahirap matukoy kailan ka fertile. Maaaring pakiramdaman ang iyong katawan o obserbahan ang pagbabago sa iyong cervical mucus na puwedeng pagbatayan kung fertile ka. Makipagtalik din na walang proteksyon sa iyong asawa nang dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
Ugaliin ang healthy lifestyle
Isama ang pagkain ng masustansiyang pagkain sa inyong diet na mag-asawa. Iwasan ang pagkonsumo ng mga pagkaing may transfat gaya ng processed at fast food at labis na pagkain ng carbohydrates.
Dapat ding iwasan ang mga bisyo gaya ng pag-inom ng alak at paninigarilyo. Mag-ehersisyo rin gaya ng pagyo-yoga. Kung labis o kulang ang timbang, sikaping makuha ang tamang timbang nang sa gayon maging maayos ang pag-regulate ng ovulation.
Magkaroon ng sapat na pahinga
Malaking bagay ang nagagawa sa isang tao kapag naiiwasan ang stress, may sapat na tulog o pahinga sa buong araw. Magkakaroon ng malusog na pangangatawan at isipan na makabubuti para sa maayos na reproductive system.
Dagdag pa rito ang ilan sa mga ibinahagi ng American Society of Reproductive Medicine na mga puwedeng gawin para mabawasan ang stress:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW- Bukas na komunikasyon sa iyong asawa at pag-usapang mabuti ang inyong mga plano
- Pagkakaroon ng suportang emosyonal mula sa iyong asawa o sa ibang tao o grupo
- Subukin ang mga pamamaraang makababawas sa stress gaya ng meditation
- Bawasan ang pag-inom ng mga inuming may caffeine
- Alamin o tuklasin ang mga dahilan ng iyong infertility at pagplanuhang mabuti ang mga gamutang medikal na kinakailangan
Uminom ng pills at vitamins
May mga pills na na makatutulog para mag-regulate ang iyong ovulation at maging maayos ang iyong buwanang dalaw. Bukod din sa pills, makabubuti rin ang pag-inom ng mga vitamins gaya ng fertility supplements para mabuntis agad.
Isa puwedeng inumin din ay iyong nagtataglay ng folic acid dahil nakatutulong ito para sa pagbabalanse ng hormones. Ngunit bago uminom ng anumang supplement, mahalagang humingi rin muna ng payo sa iyong doktor.
Obserbahan ang iyong sarili
Maaaring itala ang mga sintomas na mapapansin mong dahilan na pagiging irregular mo. I-monitor mong mabuti ang iyong menstruation cycle at mga makikita mong pagbabago sa iyong katawan.
Bagaman nakararanas ang babae ng problema sa menstruation, hindi kailangang mawalan ng pag-asa. Kailangan lang alamin kung paano mabuntis agad ang irregular at maagapan ang anumang kondisyon na kakabit nito. Bukod din sa babae, maaaring makaranas din ang lalaki ng infertility o mababang kakayahan na makabuo ng anak. Kaya naman, mas magandang pareho kayong mag-asawa na magpatingin sa doktor para matiyak ang inyong kondisyon at kakayahang magbuntis.
Basahin dito para sa karagdagang tips kung paano mabuntis ng mabilis.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments