-
Labor & Childbirth Giving Birth Now: You May Be Asked To Have Blood Donor If You're A CS Candidate
-
Your Kid’s Health Is Your Child a Mosquito Magnet? 5 Reasons He's Getting Bitten More
-
Toddler Lumalaking Sinungaling? Paano Turuan Ang Anak Na Hindi Matakot Magsabi Ng Totoo
-
Real Parenting 15 Life Truths From Mom: 'Ingatan Mo ang Anak Mo. Balang Araw, Siya ang Magtatanggol Sa 'Yo'
-
Happy Birthday, Anak! Pasensiya Na, Dito Muna Tayo Sa Bahay
Naghanda pa rin ang mga magulang hindi man natuloy ang birthday party ng kanilang mga anak.by Ana Gonzales .

PHOTO BY courtesy of Lea Taal and Summer Skyler Castillo
Bahagi na talaga ng pagiging PIlipino natin ang hilig natin sa kainan at mga pagdiriwang. Ito marahil ang dahilan kung bakit sobrang daming pista sa ating bansa. Ang paghahanda kasi at pagsasama-sama ay isa sa mga paraan natin ng pasasalamat.
Ngunit alinsunod sa enhanced community quarantine at social distancing, hindi na muna pinapayagan ang ano mang mga pagtitipon. Ito'y para na rin maiwasan na ang pagkalat ng virus.
Maraming mga magulang ang nalungkot sa balita na ito, lalo na't karamihan sa kanila'y nakabayad na sa suppliers at nakapag-imbita na rin ng mga bisita.
Bagaman nanghihinayang sila sa pera at nalulungkot dahil hindi na nila maitutuloy ang ilang buwan din nilang pinaghandaan, tumalima pa rin sila sa direktiba ng ating pamahalaan—para tuluyan nang matapos ang pagkalat ng virus.
Kwento nga ni mommy Carmelle Velez Mocoy, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, iilan lang ang inimbita nilang bisita at sa kakaunting nagpunta.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTodo ngiti ang anak nina mommy and daddy dahil marami siyang sweet treats!PHOTO BY courtesy of Carmelle Velez MocoyCONTINUE READING BELOWRecommended VideosWhat other parents are reading
Si daddy na ang nagluto ng mga handa. Siya na rin ang nag-lechon ng baboy na inalagaan nila noon pang Disyembre. Si mommy naman ang naghanda ng simpleng pika-pika na may kasamang lollipops, chocnuts, wafer sticks, at chocolates. Gumawa rin si mommy ng buko pandan gamit ang buko na pinitas niya lang sa kanilang bakuran.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSi daddy ang punong abala sa pagluluto sa mga handa ng anak nila.PHOTO BY courtesy of Carmelle Velez MocoyWhat other parents are reading
Binili ni mommy ang cake sa Goldilocks (bukas pa ang mga establisyimento sa Mindanao) at nilagyan niya ito ng mga Paw Patrol pictures at toys para sunod sa tema ng party ng anak niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Nitawid lang din nina mommy Summer Skyler Castillo ang first birthday ng kanilang anak. Sa bahay din nila ito ipinagdiwang kasama ang hindi tataas sa sampung tao. Mahigpit din nilang inobserbahan ang social distancing.
Excited na si baby sa handa niya!PHOTO BY courtesy of Summer Skyler CastilloWhat other parents are reading
Ayon kina mommy. and orihinal na plano nila ay isang Jollibee Party—Pebrero pa lang ay nakapagpabook na sila. Kaya lang, dahil sa banta ng COVID-19, hindi na nila ito itinuloy. "Lootbags, giveaways, outfit niya, decorations are all ready na po sana," kwento ni mommy. "Then, next plan dapat sa bahay na lang [kasama ang] family and close relatives pero nag-announce na ng quarantine so we decided na 'wag na [ring] ituloy."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIto naman ang cake na maswerteng nakahabol pa sa handaan.PHOTO BY courtesy of Summer Skyler CastilloWhat other parents are reading
Dagdag pa ni mommy, sinabihan na nila ang kanilang mga kamag-anak na hindi na muna maghahanda para sa maraming tao, para wala nang lumabas ng bahay.
Jollibee party pa rin ang kanilang na-achieve. Swerte pa nga dahil naabutan pa nilang bukas ang Jollibee sa kanilang area sa Cavite kaya nakapagpadeliver pa sila. "Kami na raw ang last delivery nila [para sa araw na iyon] via Food Panda," kwento ni mommy.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSamantala, nakapagpa-customize pa ng cake si mommy bago naging mas mahigpit ang quarantine. Nakaorder siya ng rush sa Palma's Sweet Delight (Facebook: @palmassweetdelight) doon din sa Cavite.
What other parents are reading
Looking forward naman para sa isang masayang Sesame Street-themed party sana sina mommy Lea Taal pero hindi na nila ito itinuloy para sumunod sa community quarantine.
Ayon sa kanya, favorite daw kasi talaga ng anak niya si Elmo, kaya Sesame Street ang naisip nilang tema. Ngayong nasa bahay na lang sila, naisip nilang mag-asawa na gumawa na lang ng isang healthy na cake para sa kanilang anak.
Sobrang ganda ng pagkakagawa ng "fruit cake" nina mommy at daddy.PHOTO BY courtesy of Lea TaalADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWParang nakakapanghinayang namang kainin ito!PHOTO BY courtesy of Lea TaalWhat other parents are reading
Ano man ang paraan ninyo para ipagdiwang ang kaarawan ng inyong mga anak, ang mahalaga ay malusog at ligtas ang bawat miyembro ng inyong pamilya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHuwag kalimutang gawin ang iyong bahagi sa pagsugpo sa COVID-19. Maghugas lagi ng kamay, siguraduhing may social distancing kung lalabas man ang isa sa inyo, at hangga't maaari, manatili sa loob ng bahay.
Pinostpone niyo rin ba ang selebrasyon ng inyong pamilya? Paano ninyo ito ipinagdiwang sa bahay? Paano ninyo sinisigurong mayroon kayong social distancing?
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network