embed embed2
'Yung Weight Loss, Sumusunod 'Yan,' Kaya Mas Naka-Focus Si Judy Ann Santos Sa Health
PHOTO BY Instagram/officialjuday
  • Nasa punto si Judy Ann Santos, 44, na hindi na lang pagbabawas ng timbang ang dahilan kung bakit siyang nagpupursige sa kanyang fitness routine.

    Nagbigay ng maiksing paliwanag ang actress-chef sa isang episode ng Magandang Buhay, ang morning talk show ng ABS-CBN, kung saan co-host siya nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros. May tagapanood kasi sila na nagtanong kung paano magpapayat.

    Sabi ni Judy Ann, na kilala sa palayaw niya sa showbiz na Juday, "Siguro ako, nasa stage na ako na hindi na lang pagpapapayat. Mas naka-focus ako sa health."

    Diin niya, "Pag ang intention mo, health, ’yung weight loss, sumusunod s’ya. Ang pagpapapayat, hindi po iyan sa ibang tao. Para po iyan sa sarili n’yo."

    Nakaranas ng pressure si Judy Ann na maging payat noon. Walong taong gulang siya nang sumabak sa showbiz at nagsimulang sumikat sa edad 14 nang magbida sa teleseryeng Mara Clara (1992). Madalas siya noon ikumpara sa mas payat na artista.

    Nang gawin niya ang pelikulang Bakit 'Di Totohanin (2001), kung saan kailangan niyang matuto ng boxing. Nagustuhan niya ito at sinubukan din ang combat sport na Muay Thai. Nagtuloy naman siya sa yoga, Pilates, Zumba, at, kalaunan, circuit training.

    Kasabay minsan ni Judy Ann ang asawang si Ryan Agoncillo sa workouts, at suportado nila ang pagiging athletic ng kanilang mga anak: Yohan, 17; Lucho, 11; at Luna, 6. Seryoso si Lucho sa kanyang footbal training (basahin dito).

    Samantala, si Jolina ay nawiwili naman sa biking kasama ng kanyang asawang si Mark Escueta at kanilang panganay na si Pele, 8. Ang bunso nilang si Vika ay 4 years old pa lang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    7-minute fitness routine

    Kung parating gipit sa oras ang problema, maaaring subukan ang exercise regimen na magagawa sa loob lamang ng 7 minuto. Una itong ibinahagi sa May/June 2013 edition ng Journal of the American College of Sports Medicine.

    Sa 7-minute workout na ito, 12 na iba-ibang exercise ang magpapagana ng iba-ibang parte ng katawan. Tinatawag itong isang uri ng high-intensity circuit workout. Kung gagawin daw ito nang tama at regular, maaaring bumuti ang overall body fitness.

    Workout 1: Jumping jacks

    Mainam ang exercise na ito para pasiglahin ang intensity at heart rate. Magsimula nang nakatayo at magkahiwalay ang mga paa nang kasing layo ng mga balikat. Tumalon habang tinataas nang patagilid ang mga kamay at lumapag nang magkadikit ang mga paa. Tumalon ulit at lumapag nang magkahiwalay ang mga paa. Gawin ito ng ilang beses.

    Workout 2: Wall sit

    Mainam ito para sa glutes at calves. Ilapat ang katawan sa dingding. Bumaba na parang umuupo sa bangkito. Tumigil nang 30 segundo. Tumayo ulit.

    Workout 3: Pushups

    Maaaring hindi full pushup ang gawin, o iyong buong katawan ang iaangat. Lumuhod, ilapat ang mga kamay sa sahig nang magkahiwalay. Yumuko papunta sa mga kamay at saka itulak paitaas ang katawan para makabalik sa paluhod na posisyon. Gawin ito ng ilang beses.

    Workout 4: Abdominal crunch

    Humiga sa sahig, itaas ang mga paa at itupi ang mga ito sa may tuhod. Iangat ang katawan habang pinipiga ang tiyan (para ma-exercise ang abdominal muscles) at maabot ng mga kamay ang mga tuhod. Bumalik sa pagkakahiga.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Workout 5: Step-up onto a chair

    Pinapalakas ng exercise na ito ang calves at thighs. Kumuha ng matibay at panatag na upuan. Ilagay ito sa patag na sahig. Ipatong ang isang paa sa upuan at iangat ang sarili. Kontrolin ang sarili hanggang makababa. Gawin sa isa pang paa.

    Workout 6: Squat

    Tumayo nang magkalayo ang mga paa na kasing layo ng mga balikat. Ibaba ang puwitan na parang umuupo sa bangkito. Gawin ito nang hindi lumalampas ang mga tuhod sa dulo ng mga daliri sa paa. Tumayo muli at gawin ng ilang beses.

    Workout 7: Triceps dip onto a chair

    Gamitin ang upuan sa step-up exercise. Umupo at hawakan ang mga gilid ng upuan. Iangat ang sarili nang palayo ang puwitan sa upuan. Ibaba ang sarili hanggang ang mga siko ay nakaporma ng 90-degree angle. Iangat ang sarili hanggang dumiretso ang mga braso.

    Workout 8: Plank

    Humiga nang padapa sa sahig. Ilapat ang mga braso sa sahig malapit sa dibdib at iangat ang sarili. Tumigil sa ganitong posisyon ng ilang minuto. Ibaba ang sarili at magpahinga.

    Workout 9: High knees running in place

    Tumakbo nang nakatigil sa isang puwesto. Subukang umabot ang mga tuhod sa dibdib.

    Workout 10: Lunges

    Tumatayo nang tuwid, iangat ang kanang paa at ihakbang sa harap. Siguraduhin na ang kanang tuhod ay nasa 90-degree angle. Ibalik ang kanang paa sa tabi ng kaliwang paa. Ihakbang naman ang kaliwang paa sa harap hanggang nasa 90-degree angle ang tuhod. Ibalik ang kaliwang paa katabi ng kanang paa.

    Workout 11: Pushup with rotation

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gawin muli ang pushup position. Ibaba ang sarili hanggang tumupi ang mga siko. Iangat ang sarili hanggang dumiretso ang mga siko. Ilipat ang bigat ng katawan sa kaliwang kamay at ipihit ang katawan para maitaas ang kanang kamay. Ibalik ang kanang kamay sa sahig. Ulitin ang pushup at ilipat naman ang bigat ng katawan sa kanang kamay. Pumihit sa kanan at itaas ang kaliwang kamay. Ibalik ang kaliwang kamay sa sahig.

    Workout 12: Side plank

    Imbes na humiga nang nakadapa, tumagilid. Ilapat ang nakatagilid na kamay sa sahig para maiangat ang katawan. Maghintay ng 30 seconds, at saka ibalik ang katawan sa sahig at magpahinga saglit. Ulitin ang exercise sa kabilang kamay.

    Read also: This Mom Who Lost 110 Pounds Says No Need to Go to a Gym

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles