embed embed2
  • Overcoming Anxiety And Fear Of Uncertainty: Hindi Dapat Nananaig Ang Takot

    Wala ka bang ibang ginawa kundi mag-alala?
    by Ana Gonzales .
Overcoming Anxiety And Fear Of Uncertainty: Hindi Dapat Nananaig Ang Takot
PHOTO BY iStock
  • Lahat tayo ay nakakaramdam ng takot. Sadyang dumodoble lang talaga ito kapag nagiging magulang na tayo. Kapag magulang ka na kasi, hindi na lang sarili mo ang iniisip mo. Hindi rin biro ang mag-alaga at magpalaki ng mga bata, kaya naman normal lang na matakot, kabahan at mag-alala ka.

    Sa kabilang banda, hindi naman maganda ang idudulot ng labis na takot at pag-aalala. Sa panahon ngayon na nag-aalburoto na ang kalikasan at maraming naglalabasang mga bagong karamdaman, paano nga ba maiiwasan ang labis-labis na pag-aalala?

    More from Smart Parenting

    Tinanong namin ang mga magulang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village kung ano ang greatest fear nila at kung paano nila ito napagtatagumpayan. 

    Karamihan sa kanila'y nagsabing takot silang maiwan ang mga anak nila nang dahil sa malulubhang karamdaman. Kaya ngayong kasagsagan at patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19, hindi maiwasan ng mga nanay na mas makaramdam ng takot.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sabi ni mommy Helen Oli, pinipilit niyang maging mentally at physically strong para sa mga anak niya, lalo na sa panahon ngayon na walang katiyakan ang maraming bagay. "I won't panic and lose hope. If it's anything, sa nangyaring ito, it made [me] appreciate everything I have," pagbabahagi niya. "'Yung time for my family, my health, my job, and the freedom. In just a snap pwedeng mawala lahat."

    Para naman kay mommy Via Antoinette Cuesta Halili, takot siyang lumayo ang loob ng mga anak niya sa kanilang mag-asawa. "Pareho kaming working ng hubby ko. Aalis kami ng morning, maiiwan si [baby] sa ate [at] nanay ko. Pag-uwi namin, tulog na or inaantok na si baby," sabi niya. "Kaya ang rule namin ni partner, bawal mag-uwi ng trabaho sa bahay. Kapag nasa house, ang focus lang ay si baby," dagdag pa niya.

    Kay mommy Cherish Ocmer naman, takot siyang matulad sa kanya ang anak niya—nabuntis ng maaga. "I want her to go places. Na hindi lang pag-aasawa ang laging ending. I want her to be an independent woman."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Takot naman si mommy Jhoy Formadero Feudo na maranasan ng mga anak niya ang hirap na naranasan niya dati. "Mula pagkabata, namulat kami sa kasalatan ng buhay. 'Yung tipong magtatrabaho ka muna bago makakain," kwento ni mommy. "Ayaw kong maranasan ng mga anak ko ang hirap ng buhay namin noon," dagdag pa niya. Kaya naman ngayon pa lang, nag-iipon na sila ng asawa niya para paghandaan lahat ng mga kakailanganin ng mga anak nila. "Malaking tulong din 'yung pagkuha namin ng insurance [o] educational plan for our firstborn," sabi pa niya.

    Katulad ng lahat ng magulang, ayaw ni mommy Frances Angelica Shafer na mauna sa kanya ang anak niya. "He has Loeys-Dietz Syndrome just like my husband. My husband had open heart surgery when he was 18. Now my baby's aortic root is dilated and expecting surgery in the future. I'm afraid that what if the surgery won't be successful or bigla na lang magkaroon ng komplikasyon," kwento ni mommy. "Kung pwede ko lang akuhin ang sakit ng anak ko," dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ayon naman sa isang anonymous sender, marami siyang takot ngayon. Na-diagnose ng breast cancer si mommy kamakailan lamang. Sumailalim siya sa mastectomy at kasalukuyang tumatanggap ng chemotherapy. Maraming takot si mommy, ayon sa kanya. Kasama na riyan ang takot na kumalat ang cancer o ang takot na baka hindi siya gumaling. Ngunit hindi nawawalan ng pag-asa si mommy. "I don't let those fears consume me. I'm enjoying every single day with my husband and my kids. I've never been closer to God until I was diagnosed with this disease. I always talk to him and still be thankful every morning that I'm alive," kwento niya.

    More from Smart Parenting

    Hindi mo dapat hayaang manaig ang takot sa puso at isip mo gaano man kabigat ang mga nangyayari sa paligid natin ngayon. Kapag kasi nagpaubos ka sa takot, hindi mo namamalayan, naaaksaya mo na pala ang oras na dapat sana'y ginugugol mo para sa iyong pamilya. Hindi masamang matakot. Makakasama lamang ito kung magiging hadlang ang takot mo para mabuhay ka ng normal kasama ang pamilya mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kayo? Paano ninyo hinahandle ang nararamdaman ninyong takot ngayong may banta ng COVID-19? Anong ginagawa mo para hindi maipasa ang takot na ito sa iyong mga anak? I-share mo na ang iyong tips sa comment section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles