embed embed2
  • Masaya Ang Pasko Dahil Tatay Na Sila! 13 First-Time Celeb Dads Ngayong 2020

    Walang sisidlan ang kanilang saya sa pagdating ng mga anak.
    by Jocelyn Valle .
Masaya Ang Pasko Dahil Tatay Na Sila! 13 First-Time Celeb Dads Ngayong 2020
PHOTO BY Instagram/nicobolzico, erwan
  • Maliban kay KC Montero, na naging first-time dad nitong December 14 (basahin dito), may ilan pang male celebrities ang nabiyayaan ng anak ngayong 2020.

    Mga celebrities na naging dad ngayong 2020  

    Nagkakaisa sila sa pagsasabing walang kaparis ang ligayang hatid ng kani-kanilang mga anak. 

    Nico Bolzico

    January 1, 2020 nang isilang ng misis ni Nico Bolzico na si Solenn Heussaff ang baby girl nilang si Thylane Katana. Lahad ng Argentinian businessman sa isang Instagram na “biggest blessing of our entire life” at “a little angel fell from heaven” ang batang tinatawag rin nila sa nickname na Tili.

    Kalakip sa September 10 post ang litrato ng mag-ama sa pool, kung saan nakasuspinde sa ere ang bata mula sa pagkakahagis sa kanya ng magulang. Nang kunan ang litrato, ayon sa caption ni Nico, gimbal na sumisigaw sa background si Solenn. Aniya, “Don’t ask your wife permission to take this pic, and deal with the consequences later.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Erwan Heussaff

    Katulad ng kanyang brother-in-law at business partner, naging ganap na ama rin si Erwan Heussaff, ang food vlogger at younger brother ni Solenn. Ipinanganak ng movie/TV star wife ni Erwan na si Anne Curtis ang baby girl nilang si Dahlia Amelie noong March 2 sa Australia. 

    Dahil sa pandemya, nananatili ang mag-anak ni Erwan sa birth country in Anne. Sinasamantala ng celebrity couple ang pagkakataon na matutukan ang unang taon ni Baby Dahlia. Komento ni Anne sa kanyang Instagram posts na kuhang-kuha ng bata ang itsura ni Erwan, kaya tinatawag niya itong Erwanita.

    Billy Crawford

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Si Billy Crawford din ang nag-cut ng umbilical cord ng baby boy nila ng asawang si Coleen Garcia dahil sa home water birth na pagsilang ni Amari Jaden noong September 10. Pagkaraan ng 3 moths, ibinahagi ng celebrity couple sa kanilang vlog ang buong childbirth story. Nagbigay din sila ng mensahe sa kanilang anak.

    Ang sabi ni Billy, “Amari, we are so thankful that we have an angel now. And we will always be here for you. Mommy and daddy love you so much. And we will do everything in our power through God’s grace to mold and to build a beautiful and amazing future for you. 

    “And just whatever you want, don’t ever hesitate to tell mommy and daddy. We will always support you and we will always be there for you. And please do not change. You are so good to us.”

    Baron Geisler

    Ang itsura ni Baron Geisler ay namana rin ng panganay niyang si Talita Cumi, na ipinanganak ng asawa niyang si Jamie Evangelista noong January 20 sa Cebu. May dugong German ang aktor, at naipasa niya ang kanyang Caucasian features sa anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento pa ni Baron sa Instagram na pareho rin sila ni Baby Tali na malakas tumawa at “para lang kaming mga bugoy,” na nagpapahiwatig ng kanilang pagkapilyo at pagkapilya. 

    JC Santos

    Bagamat halos pantay ang ambag ni JC Santos at kanyang misis na si Shyleena Herrera sa itsura ng kanilang baby girl na si River Altheia, hindi naman makakaila kung kanino galing ang curly hair ng bata.

    Kaya naman “my kulotski” ang tawag dito ng aktor, bukod pa sa “our funny girl,” “our little mochi,” at kasalo sa morning routine na pagwo-work out. Ipinanganak si Baby River noong February 25.

    KC Montero

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ipinanganak ni Stephanie Dods, isang Filipino-New Zealander fashion model at asawa ni KC Montero, ang kanilang first baby noong December 14.  Pahayag ni KC, “Your mom and I have been waiting a long time to meet you.” Ibinahagi niya rin ang pangalan ng kanilang baby boy, Wyatt Cody Miller.

    Alex Medina

    Hands-on dad si Alex Medina kay Alexandria Mercedes, ang baby girl nila ng partner na si Monique Tolentino. Ipinanganak ang batang tinatawag nila sa nickname na Allie noong May 23. Nagbigay pa ng demo si Alex sa kanyang vlog kung paano magpalit ng diaper ni Baby Allie (basahin ang kuwento dito.)

    Slater Young

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pahayag ni Slater Young sa Instagram na “my daily hobby” niya ang pagdiskubre ng mga paraan kung paano patawanin ang baby boy nila ng asawang si Kryz Uy. Aniya patungkol sa batang si Scott Knoa, na ipinanganak noong June 2 at may nickname na Scottie, “So far, fart noises work the best.”

    Dagdag pa ng engineer at Pinoy Big Brother 12 winner na si Baby Scottie ang kanilang “daily dose of happiness.” Nasisiyahan sila ng asawang fashion blogger kahit pagmasdan lang ang anak, tulad nang unang sumubok ito ng solid food at nakaapat na subo kaagad. 

    Phil Younghusband

    Wiling-wili si Phil Younghusband sa pagiging family man sa asawang si Margaret Hall at kanilang baby boy na si Philip James, na isinilang noong June 12, Independence Day. 

    Pahayag pa ng dating professional football player sa Instagram, “Even with less sleep, being with our beautiful son gives us energy. Philip is so curious and intrigued by everything around him.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "He always wants to be in a position where he can see what’s going on, he doesn’t want to miss a thing. Family and friends all say, they know where he got that from.”

    Pancho Magno

    Naalalayan ni Pancho Magno ang asawang si Max Collins sa pagsilang ng kanilang baby boy na si Skye Anakin noong July 6 (basahin dito). Home water birth kasi ang pinili ni Max imbes sa ospital na bawal pa ang companion sa delivery room bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

     Si Pancho rin ang nag-cut ng umbilical cord ng newborn. Aniya sa anak na hango ang second name sa Star Wars movie franchise, “The force is strong with this one…You are one of the reasons why I believe in God. Can’t wait to be your best friend.”

    Carlo Aquino

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi mapigilan ni Carlo Aquino ang pagkasabik kay Enola Mithi, ang baby girl nila ng girlfriend na si Trina Candaza na ipinanganak noong September 8. Lock-in taping o shooting na kasi ngayon ang sistema sa paggawa ng drama series at pelikula. Kaya ilang araw na walang uwian ang mga artista at iba pang kasama sa produksyon. 

    Saktong nasa trabaho si Carlo sa first month ni Baby Mithi. Kaya dama ang lungkot niya sa pagbati sa anak sa Instagram. Aniya sa caption, “Happy 1 month, anak. Sorry, Tatay can’t make it. Miss ko na amoy at yakap mo. Konti na lang uuwi na ako…”

    Rodjun Cruz

    September 10 din isinilang ng misis ni Rodjun Cruz na si Dianne Medina ang baby boy din nilang si Rodolfo Joaquin Diego sa ospital. Ang binyag ni Baby Joaquin ay naganap sa eksaktong first wedding anniversary ng kanyang celebrity parents.

    Sa tuwing aalis si Rodjun ng bahay para sa trabaho, hindi nakakaligtaan ng GMA-7 actor at dancer na maki-bonding muna sa anak. Sabi nga niya sa isang Instagram post, “Lambingan sa umaga bago pumuntang taping si Dada!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mark Zambrano

    Nitong December 5 naging ganap na ama si Mark Zambrano pagkatapos manganak ang misis niyang si Aicelle Santos sa kanilang baby girl na si Zandrine Anne. Nang maiuwi na nilang mag-asawa ang newborn mula as ospital pagkaraan ng dalawang araw, nag-post ang sports anchor/commentator sa Instagram ng larawan kung saan hawak niya ang mga munting daliri ng sanggol. 

    Aniya sa caption, “My hands are forever yours to hold. You will not not want, you will not fear, you will not doubt, and you will never be alone in this life for you will always have me and your mother to guide you. Welcome home, Zandrine Anne. Mahal na mahal kita, anak.” 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles