embed embed2
  • 'Baka Lumaking Ayaw Sa Tao' At Iba Pang Takot Ng Mga Magulang Na Epekto Ng Pandemic

    May ilan ding nag-aalala sa kalidad ng edukasyon na nakukuha ng kanilang anak.
    by Ana Gonzales .
'Baka Lumaking Ayaw Sa Tao' At Iba Pang Takot Ng Mga Magulang Na Epekto Ng Pandemic
PHOTO BY Shutterstock
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Bahagi na siguro talaga ng pagiging magulang ang mag-alala at matakot para sa maaaring maging kinabukasan ng mga bata, lalong-lalo na ngayong may pandemya.

    Hindi kasi basta-basta ang naging epekto ng pandemya sa ating mga buhay. Maraming mga magulang ang nawalan ng trabaho habang ang ilan naman ay kinailangang magtrabaho sa bahay. Maging ang edukasyon ng mga bata ay apektado rin.

    Kaya naman hindi nakapagtatakang nag-aalala ang mga magulang sa kung ano nga ba ang maaaring mangyari sa kanilang mga anak—lalo na ang mga batang ipinanganak habang may pandemic.

    Narito ang ilan sa mga ipinag-aalala ng mga magulang:

    Baka lumaking mahiyain o takot sa tao

    Madalas itanong sa amin ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village kung maaapektuhan pa ng pagkakakulong sa bahay ang social skills ng kanilang mga anak.

    Ayon naman sa mga eksperto, hanggat lagi mong kinakausap ang anak mo o 'di kaya ay binabasahan ng libro, walang magiging epekto sa kanyang social skills ang hindi niya paglabas ng bahay.

    Dagdag pa ng mga eksperto, ang interaksyon na nakukuha ng anak mo mula sa iyo, sa tatay niya, at sa iba pa ninyong kapamilya ay sapat na para madevelop ang kanyang social skills.

    Baka hindi maging maganda ang kalidad ng edukasyon niya

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I-enroll mo man ang anak mo ngayon sa mga pinakamahal na online schools, iba pa rin talaga kapag nasa aktwal na classroom sila.

    Maraming mga magulang ang namomroblema na dahil mabilis ma-distract ang mga anak nila ay baka hindi kalidad na edukasyon ang makuha ng mga ito.

    Sinabi ng mga eksperto na may mga paraan para mas maging condusive sa online learning ang tahanan ninyo.

    Kabilang diyan ang pagkakaroon ng schedule at mahigpit na pagsunod dito. Kabilang din ang pagkakaroon ng dedicated space kung saan mag-aaral ang anak mo.

    Mahirap man, maraming paraan para masiguro mong hindi maisasakripisyo ang kalidad ng edukasyon kahit online sila nag-aaral.

    Baka magkaroon ng anxiety disorder ang anak ko

    May mga magulang din na nag-aalalang baka lumaki ang mga anak nila na matatakutin o 'di naman kaya ay may anxiety disorder. Hindi kasi lahat ng bata ay maganda ang naging pagtanggap sa pandemic.

    Isa sa mga pwede mong gawin ay magkaroon ng heart-to-heart talk sa iyong anak, lalo na kung nasa edad na sila na nakakaintindi na sila.

    Itanong mo kung anong nararamdaman nila at kung ano ang mga ipinag-aalala nila ngayong may pandemic. Isa itong magandang pagkakataon para mapagpaliwanagan mo sila.

    Kung maliliit pa ang mga anak mo, pwede mo silang basahan ng mga librong patungkol sa kasalukuyang pinagdadaanan ng mundo ngayon.

    Marami ka nang mabibiling children's books ngayon na may mga creative na paraan para ipaliwanag sa mga bata ang COVID-19.

    Payo ng mga eksperto, ang paglaki ng mga anak mo ngayong pandemic ay nakasalalay pa rin sa inyong mga magulang niya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Makatutulong pa rin ang pag-iwas sa masyadong paggamit ng gadgets at ang pagbababad sa social media.

    Huwag ka ring masyadong maging harsh sa sarili mo dahil normal lang naman na mag-alala ka. Kailangan mo lang tandaan na may magagawa ka para lumaking maayos ang anak mo kahit may pandemya.

    May mga ikinakatakot ka ba bilang magulang? I-share mo na Iyan sa comments section o 'di kaya ay sumali ka sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles