embed embed2
8 Paraan Bilang Gamot Para Sa Sakit Ng Tiyan Kung Hindi Pa Matukoy Ang Sanhi
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Madalas ka bang nakararanas ng abdominal o stomach pain? Ano-anong mga gamot para sa sakit ng tiyan ang nasubukan mo na?

    Ang pagsakit ng tiyan (na nasa pagitan ng ribs at pelvic area) ay isa sa karaniwang nararanasan ng mga tao, bata man o matanda. Ilan pa sa tawag dito ay stomachache, tummy ache, gut ache at bellyache. Maaaring mild o malala ang sakit na mararamdaman. Puwede ring tuloy-tuloy o pabalik-balik.

    Mga sintomas ng sakit sa tiyan

    Bukod sa pagkirot o paghilab ng gitnang parte ng katawan, maaaring makaranas din ng mga sumusunod:

    • Heartburn
    • Madalas ang pag-utot
    • Masama ang pakiramdam
    • Hindi agad natutunawan
    • Hindi makadumi o constipation
    • Watery o matubig ang dumi
    • Pagtatae o food poisoning
    • Pakiramdam na lumolobo ang tiyan
    • Bloated ang pakiramdam pagkatapos kumain

    Bilin ng mga eksperto na kaagad na magtungo sa doktor kung nararanasan ang sumusunod na mga sintomas:

    • Malalang pananakit ng tiyan
    • Hindi bumababa ang lagnat
    • May dugo sa dumi, ihi, o sa iyong isinuka
    • Hindi nawawala ang nausea at pagsusuka
    • Pagbagsak ng timbang
    • Naninilaw na balat
    • Labis na malambot ang tiyan kapag hinawakanpamamaga ng abdomen
    • Pamamaga at labis na panlalambot
    • Jaundice (paninilaw ng mga mata at balat)
    • Pananakit ng iba pang bahagi ng katawan
    • Kinakapos sa hininga
    • Lumalala ang iba pang sintomas

    Mga sanhi ng sakit sa tiyan

    Ang panandaliang pananakit ng tiyan o abdominal pain ay tinatawag na acute. Kapag naman tumatagal o pabalik-balik ang sakit sa loob ng ilang taon, ito ay itinuturing ng chronic pain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Posibleng nagmumula ang sakit sa iba pang organs sa iyong abdomen. Bukod sa tiyan, kasama rin sa organs na ito ang atay (liver), pantog (bladder), lapay (pancreas), at mga bituka (intestines).

    Ang mga ito ay bahagi ng iyong digestive system, at ang pananakit ay maaari ding nasa abdominal wall, outer shell (balat, muscles) ng iyong abdomen. Posible ring magmula ang sakit sa dibdib, pelvis, at likod.

    Marami rin ang iba pang sanhi ng sakit sa tiyan, at ang ilan ay mas seryoso kaysa sa iba, tulad ng:

    Hirap sa pagdumi (constipation)

    Isa ito sa pinakakaraniwang sanhi ng pananakit ng tiyan, lalo na sa mga bata. Kapag hirap kang dumumi, ang tawag dito ay constipation lalo kung ilang araw mo na itong nararanasan.

    Pagtatae (diarrhea)

    Ang pagtatae o diarrhea ay dulot ng impeksyon na kung tawagin ay "stomach flu." Matubig ang duming lumalabas sa katawan at nagdudulot ng pananakit ng iyong tiyan.

    Urinary tract infection (UTI)

    Kung mayroong impeksyon o parasite, posibleng heartburn, irritable bowel disease, o di kaya inflammatory bowel disease ang sanhi nito.

    Pagkaing nakaka-trigger ng abdominal pain

    Posible ring dulot ng iyong kinain ang pagsakit ng tiyan. Kadalasang mga mamantika, maaanghang, o mga panis na pagkain ang sanhi.

    Food intolerance

    Ito ang tawag sa kondisyong hirap ang iyong bituka sa pagtunaw sa iyong kinain. Halimbawa, may mga taong may lactose intolerance. Hirap silang tunawin ang lactose, uri ng asukal na nasa gatas at iba pang dairy products.

    Naiiba rito ang food allergy, na maaari ding magdulot ng seryosong medical conditions. Magagawa ng food allergies na maapektuhan ang katawan dahil sa immune system reactions mula sa ilang pagkain.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Appendicitis

    Kung ang pananakit ng tiyan ay nagsimula sa belly button at umaabot sa lower right side ng tiyan, posibleng appendicitis ito. Lagnat o pagsusuka ang ilan sa mga sintomas. Kapag nawalan na rin ng ganang kumain, kailangang agad na magpatingin sa doktor.

    Mayroon ding iba pang mga impeksyon na sanhi ng sakit sa tiyan, tulad ng masakit at makating lalamunan (sore throat), pulmonya (pneumonia), impeksyon sa tainga (ear infection), o ubo (cough).

    Stress

    Isa rin ang stress sa pangunahing dahilan ng pananakit ng tiyan, lalo na sa panahon ngayon. Napakaraming mga bata at may edad na dumaranas ng "nervous stomach" kapag mayroong inaalala o di kaya stressed sila.

    Overeating

    Isa rin ang overeating sa mga maaaring magdulot ng indigestion, o iyong sinasabing hindi natunawan kaya sumasakit ang tiyan. Ang pag kain nang mabilis ay isa ring sanhi nito. Dito madalas nagmumula ang pakiramdam ng pagiging bloated, paliwanag ni Dr. Frederick Andre Leelin ng MakatiMed.

    Idagdag pa ang pagkonsumo ng sobrang matataba, maanghang, at mamantikang mga pagkain, pati na ang pag-inom ng kape at soda ay nakati-trigger din ng pagsakit ng tiyan.

    Karamihan sa mga nararanasang pananakit ng tiyan ay panandalian at hindi seryoso, ayon sa mga eksperto. Bukod sa digestion issues, maaaring may kaugnayan din ito sa regla o virus. Ilan sa mga halimbawa ang sumusunod:

    • Kabag (gas at gas pain)
    • Food poisoning
    • Viral gastroenteritis (stomach flu)
    • Peptic ulcer disease
    • Chronic acid reflux o gastroesophageal reflux disease (GERD)

    Sa mga babae, posible ring sanhi ng pagsakit ng tiyan ang sumusunod:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Menstrual cramps
    • Ovulation pain

    Mayroong mga uri ng sakit sa tiyan na dulot ng iba't ibang dahilan. Kung hindi ka sigurado at labis na nag-aalala, malaking tulong kung agad na magpapatingin sa doktor.

    Mayroon din kasing posibilidad na sintomas ito ng sumusunod na mga karamdaman:

    • Abdominal aortic aneurysm
    • Angina
    • Bile duct cancer, stones and structures
    • Bile reflux
    • Cholecystitis (gallbladder inflammation)
    • Colon cancer
    • Duodenal ulcer
    • Ectopic pregnancy
    • Endometriosis
    • Functional dyspepsia
    • Gallbladder cancer
    • Gallstones
    • Gastritis
    • Heart attack
    • Heartburn
    • Hepatitis (alcoholic, toxic, metabolic, viral or autoimmune)
    • Hernia
    • Inflammatory bowel disease (Crohn’s, ulcerative colitis)
    • Intestinal (mesenteric) ischemic syndrome
    • Irritable bowel syndrome (IBS)
    • Kidney infection o stone
    • Large or small bowel obstruction
    • Liver cancer
    • Mesenteric lymphadenitis
    • Noncardiac chest pain
    • Ovarian cysts
    • Pancreatitis (inflamed pancreas)
    • Pancreatic cancer
    • Pelvic inflammatory disease
    • Pericarditis
    • Peritonitis
    • Pleurisy
    • Pneumonia
    • Pulmonary embolism
    • Splenomegaly (enlarged spleen)
    • Stomach ulcer
    • Stomach cancer
    • Small intestine cancer
    • Ovarian cancer
    • Uterine cancer

    Ayon sa Cleveland Clinic, dapat iwasan ang pagse-self diagnose at agad na magpatingin sa iyong doktor, lalo kung hindi matukoy ang sanhi ng abdominal pain.

    Paano natutukoy ang sanhi ng pananakit ng iyan?

    Mahalaga ang panayam ng doktor sa pasyente tungkol sa mga sintomas, medical history, at iba pang mga tanong upang malinaw ang diagnosis na maibigay sa iyo. Mayroon ding tests para makasiguro sa diagnosis at treatment para sa iyo. Halimbawa, para sa appendicitis, kailangang dumaan sa operasyong tinatawag na appendectomy.

    Ilan sa mga test na isinasagawa ang mga sumusunod:

    • Barium enema
    • Blood, urine, at stool tests
    • Computed tomography (CT) scan
    • Colonoscopy o sigmoidoscopy (tube na dumaraan sa rectum papasok sa colon)
    • Electrocardiogram (ECG) o heart tracing
    • Ultrasound sa buong abdomen
    • Upper endoscopy (tube na dumaraan sa bibig para masuri sa esophagus, tiyan at upper small intestine)
    • Upper GI (gastrointestinal) at small bowel series
    • X-rays sa abdomen
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalagang sabihin sa doktor ang sumusunod:

    • Saan nararamdaman ang sakit
    • Ano ang pakiramdam
    • Gaano katagal na itong nararamdaman
    • Kung nawawala ba ito at saka bumabalik kung nasa isang parte lang ng tiyan o nagpapabago-bago rin
    • Kung ano ang mga nakapagpapaginhawa sa iyong pakiramdam at kung paano naiibsan ang pananakit ng tiyan
    • Iba pang mga sintomas na nararanasan mula noong unang sumakit ang iyong tiyan

    Mahalagang clue ang lokasyon ng sakit na nararamdaman sa tiyan. Maaaring matukoy nito ang organs na posibleng pinagmumulan ng sakit, at ang wastong treatment para dito.

    Gamot para sa sakit ng tiyan

    Dahil marami itong sanhi, marami din ang mga gamot para sa sakit ng tiyan. Para sa ibang medical conditions, tulad ng gallstones o appendicitis, kailangan magpa-opera o sumailalim sa surgery.

    Para naman sa ulcers at iba pang mga impeksyon, sapat na ang mga gamot na ire-reseta ng doktor. Paalala lang ng mga eksperto na kahit mild cases ay maaari ding maging seryosong medical conditions.

    Kung ang pagsakit ng tiyan ay may kaugnayan sa digestion, tandaan ang sumusunod na mga hakbang:

    • Ipahinga ang iyong bowels o bituka
    • Uminom ng maraming tubig araw-araw
    • Kumain ng small meals nang mas madalas
    • Mag-ehersisyo nang regular
    • Sikaping well-balanced ang mga kinakain at mataas sa fiber
    • Kumain ng maraming prutas at mga gulay
    • Iwasan muna ang pag kain ng nakasanayan. Maaaring palitan ang mga ito ng madaling matunaw tulad ng crackers at saging
    • Subukan ang heat therapy gamit ang warm water bottle

    Maaari ring gawin ang home remedies, tulad ng paggamit ng licorice para sa gas o paghilab ng tiyan, luya para sa indigestion, o peppermint upang makapag-relaks ang iyong intestinal muscles. Isa pang paraan ang paggamit ng halamang gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kadalasang nire-reseta ng doktor ang mga ganitong gamot sa sakit ng tiyan:

    • Antispasmodics—para maibsan ang spasms sa wall ng iyong bowels o bituka
    • Antidiarrhoeals
    • Laxatives
    • Anti-nausea medicines
    • Anti-flatulence medicines
    • Antacids na mayroong simethicone
    • Antibiotics
    • Gas-reducing medicines, kagaya ng charcoal products

    Mga paraan para makaiwas sa sakit ng tiyan

    Ang pagsakit ng alinmang bahagi ng katawan kagaya ng iyong tiyan ay paraan upang ipaalam sa iyo na mayroong kailangang baguhin sa iyong lifestyle. Kasama na rito ang mga kinakain mo at ang iba pang pang-araw-araw na mga desisyon at gawain.

    Makatutulong ang sumusunod na mga paalala upang maiwasan ang pananakit ng tiyan:

    • Uminom ng maraming tubig
    • Iwasang kumain bago matulog sa gabi
    • I-check nang mabuti ang expiration date ng mga binibiling pagkain
    • Huwag magpahiram o manghiram ng mga baso, straw, at utensils
    • Iwasan ang labis na pagkain, lalo na ng maaanghang at mamantikang pagkain
    • Magpahinga nang mabuti at matulog nang maaga o kumuha ng sapat na pahinga
    • Maghugas ng mga kamay bago kumain o maghanda ng pagkain, at pagkatapos gumamit ng palikuran
    • Kung may food allergy o intolerance, iwasan ang mga pagkaing makapagpapasakit sa tiyan
    • Piliin ang mga pagkaing mayaman sa fiber, tulad ng mga prutas at gulay. Nakatutulong ang mga ito upang maging regular ang bowel movements.

    Malaking tulong ang pagiging maagap sa pagkonsulta sa doktor kung ang kirot na nararamdaman ay hindi maipaliwanag, hindi nawawala kahit uminom ka ng gamot para sa sakit ng tiyan, o mas lumalala pa ang mga sintomas.

    Basahin dito kung kailan dapat mabahala sa pananakit ng tiyan ng bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles