embed embed2
Home Remedies Vs OTC Medicines: Anong Mabisang Gamot Sa Sakit Ng Lalamunan At Ubo?
PHOTO BY Pexels/Cottonbro
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang gamot sa sakit ng lalamunan at ubo ang kaagad na hinahanap ngayong panahon pa rin ng COVID-19 pandemic. Kahit kasi marami na ang nakatanggap ng COVID-19 vaccine, may mga tinatamaan pa rin ng virus na nagdudulot ng sakit na ito. Kaya mainam na kumuha na ng test para gawin na ang isolation at hindi na makahawa pa.

    Sakit ng lalamunan at ubo

    Madalas idaing ang masakit na lalamunan o di kaya makating lalamunan. Kabilang ang mga karamdamang ito sa mga sintomas ng sore throat, ayon kay Dr. Teresa Cruz, isang otorhinolaryngologist na espesyalista sa ear-nose-throat (ENT). Dagdag pang mga sinomas ang pamumula sa likurang bahagi ng bibig, pamamaos, at pag-ubo.

    Batay sa nararamdamang sintomas, sabi ni Dr. Cruz, maaaring matukoy ang sanhi ng sore throat. Kabilang ang mga sumusunod:

    Infection

    Maaaring mula ito sa virus o di kaya bacteria. Ito ang kadalasang sanhi ng sore throat na may kasamang ubo.

    Allergy

    Nangyayari ito kung lamang ang kati kesa kirot sa lalamunan, posibleng nagkaroon ka ng exposure sa allergens o irritants.

    Vocal/muscle fatigue

    Nararanasan ito kung napasabak sa malimit at matagal na paggamit ng boses sa nakaraang ilang araw, gaya ng ginagawa ng singers o di kaya call center agents.

    Acid reflux

    Acid reflux ang posibleng sanhi kung nakakaramdam ng pagsakal o iritasyon sa lalamunan, lalo na kung napadami ang inom ng kape o iba pang mga inumin na bawal sa acidic at pati na pagkain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinusitis

    Ito ang karamdaman kung barado ang ilong kahit walang sipon at napipilitang huminga sa bibig maging sa pagtulog. Maaaring makaramdam ng sore throat pagkagising.

    Throat irritation

    Nangyayari ito kung napadami ng kain ng chocolate, halimbawa, sa gabi at hindi uminom ng tubig, puwedeng magising ka na sumasakit ang lalamunan.

    Kung infection ang sanhi ng sakit ng lalamunan at ubo, maaaring sintomas na ang mga ito ng  mga karamdamang tulad ng trangkaso (flu o influenza), sipon (common cold), at iba pa. (Basahin dito ang iba-ibang uri ng ubo.)

    Home remedies sa sakit ng lalamunan at ubo

    May mga paraan bilang home remedy sa masakit na lalamunan at ubo, pati na ang iba pang sintomas ng sore throat na nakasanayan nang gawin, tulad ng:

    Pagmumog ng tubig na may asin (saline solution)

    Nirerekomenda ng Mayo Clinic na ang salt water gargle, o ang magmumog ng tubig na may asin, para maibsan ang pananakit ng lalamunan (maging sore throat o strep throat), at lalo na kung may kasamang sipon at ubo.

    Pag-inom ng ginger at honey tea

    Maraming benepisyo ng luya sa katawan, tulad ng paggamot ng masakit na lalamunan, ubo, sipon, at trangkaso. Marami kasing taglay ang luya na anti-inflammatory antioxidants, tulad ng gingerols, shogaols, at zingerones.

    Marami ring benepisyo ang honey sa katawan, lalo na panlaban sa ubo. Base sa 2007 study, maaaring mas epektibo ang honey kesa sa cough suppressant na dextromethorphan at wala pa itong hatid na side effects.

    Pag-inom ng oregano tea o juice

    Maraming hatid na health benefits ang oregano bilang gamot sa ubo at iba pa dahil sa taglay nitong anti-oxidant properties. Nariyan pati ang rosmarinic acid compound, thymol, at carvacrol na siyang tumutulong panlaban sa ilang uri ng inflammation, bacteria, fungi, at virus.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sagana rin ang oregano sa flavonoids, triterpenoids, sterols, vitamin C, at vitamin A, kaya may kakayahan itong maibsan ang karamdaman, gaya ng pag-ubo at masakit na lalamunan. (Basahin dito ang parehong benepisyo ng sambong.)

    Pagsuob o steam inhalation

    Nagbibigay ng ginhawa ang paglanghap ng singaw ng kumukulong tubig para sa masakit na lalamunan, ubo, baradong ilog, at iba pang discomfort. Pero hindi gamot o cure ang steam inhalation, ayon sa mga eksperto.

    Gamot sa sakit ng lalamunan at ubo

    Bagamat nakakatulong ang home remedies para guminhawa ang pakiramdam, lalo na kung dadalasan ang pahinga at pag-inom ng tubig, mainam pa rin na komunsulta sa doktor kung tumagal at lumala ang kondisyon.

    Para sa sore throat na sanhi ng virus at bacteria, kadalasang pinapayo ng mga doktor tulad ni Dr. Cruz, na espesyalista ang ENT, ang pagmumog ng hexetidine. Isa itong antiseptic solution na subok nang mabisa laban sa sore throat, lalo na kung paumpisa pa lang ito.

    Mabisa ang hexetidine, ayon kay Dr. Cruz, sa iba pang uri ng sore throat, gaya ng strep throat. Sanhi ang strep throat ng bacterial infection, na maaaring magtuloy sa mas malalang kondisyon na acute tonsilopharyngitis.

    Para sa ubo, lalo na kung may kasamang sipon, mayroong iba-ibang uri ng gamot. Ito ay ayon sa Medline Plus health information ng United States National Library of Medicine. Kabilang ang mga sumusunod:

    • Nasal decongestants—para lumuwag ang baradong ilong
    • Cough suppressants—para mapatahimik ang ubo
    • Expectorants—para paluwagin ang plema (mucus) sa baga (lungs) at lumabas kasabay ng pag-ubo
    • Antihistamines—para patigilin ang tumutulo na sipon at ang pagbahing
    • Pain relievers—para gumaling ang sa lagnat, pananakit ng ulo, at kaunting pananakit ng katawan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabilang banda, may mga paga-aral ding ginawa na nagsasabing walang matibay na ebidensya bilang gamot sa sakit ng lalamunan at ubo ang over-the-counter medicines. Isa lang daw ang nakikitang benepisyo ng cough syrup, at iyon ang patulugin ang pasyente. Kaya rekomendado pa rin sa mga paga-aral ang pag-inom ng tubig o lemon juice, pati na tsaa na may honey, at paggamit ng humidifier.

    Basahin dito ang halamang gamot para sa sakit ng lalamunan at ubo.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles