-
Benepisyo Ng Sambong: Panlaban Sa Kidney Stones, High Blood Pressure, At Iba Pa
Napatunayang mabisa at ligtas ang halamang gamot na ito.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Dahil subok na ang halamang gamot mula noong sinaunang panahon hanggang magdaan ang mga henerasyon, patuloy itong ginagamit ngayon. Marami sa mga herbal medicine ang napatunayan at kinikilalang mabisa at ligtas, kabilang ang benepisyo ng sambong.
Isa ang sambong sa sampung halamang gamot na iniendorso ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng Republic Act 8423, na kilala din bilang Traditional and Alternative Medicine Act (TAMA) of 1997. Kasama din sa listahan ang akapulko, niyog-niyogan, tsaang gubat, ampalaya, lagundi, ulasimang bato, bawang, bayabas, at yerba buena.
Blumea balsamifera ang scientific name ng sambong. Bukod sa Pilipinas, matatagpuan ito sa iba pang bansa sa Asia, tulad ng China, Malaysia, Thailand, at Vietnam. Madali itong patubuin at lumalaki mula isa hanggang tatlong metro ang taas. Matibay ang mga tangkay na may pinagsamang kulay na gray at brown (taupe). Katamtaman ang lapad ng mga dahon at nagbibigay ng maginhawang amoy kapag nginuya.
What other parents are reading
Nutrients ng sambong
Taglay ng dahon ng sambong ang sumusunod na constituents at nutrients na siyang nakakagaling at nagbibigay lunas sa maraming karamdaman
- Borneol
- Camphor
- Oxide caryophyllene
- A-terpineol
- Phytochemicals
- Beta-carotene
- Lutein
- Cyptomeridiol
- Flavonoids
- Menthol
Benepisyo ng sambong
Tradisyunal na nilalaga ang dahon ng sambong upang gawing inuming tsaa o di kaya pangligo upang magamit bilang gamot. Naiinom na din ito bilang tabletas at syrup bunsod ng mga pag-aaral na isinagawa sa mga benepisyo ng sambong.
Nakakababa ng lagnat
Nakakalamig ng katawan ang sambong hanggang maging normal ang body temperature. Kumuha ng ilang piraso ng dahon at dikdikin nang pino upang maging paste. Ibabad ang sambong paste sa malamig na tubig. Pagkatapos, pigain ito at ilagay sa malinis na tela. Tupiin ang tela at ipatong sa noo ng o ipitin sa kili-kili ng pasyente na may lagnat.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakakatulong sa sipon at ubo
May expectorant properties ang sambong na siyang tumutunaw ng sipon at plema sa respiratory tracts, na sanhi ng cough at sore throat.
Nakababawas ng pananakit hatid ng rayuma
May anti-inflammatory chemicals ang sambong na nakatatanggal ng pamamaga at paninigas sa mga buto sa joints na sanhi ng arthritis o rheumatism. Gumawa ng sambong paste at direktang ipahid ito sa sumasakit na joints.
Nakagagaan ng pakiramdam sa tiyan
May kakayahan ang sambong na labanan ang bad bacteria at iba pang microbes sa tiyan, kaya nagagamot nito ang mga sakit tulad ng diarrhea at stomach ache.
Nagbibigay lunas sa sakit sa balat
Nalalabanan din ng sambong ang mga bacteria na sanhi ng pigsa at iba pang skin problems.
Naiibsan ang pamamanas
Sa pag-inom ng tsaang sambong, mapapadalas ang pag-ihi nang mabawasan ang extra fluids na siyang dahilan ng pamamanas ng katawan o ang kondisyong tinatawag na edema.
Nakagagamot ng kidney stones
Napatunayan ng clinical studies sa ilalim ng National Intergrated Research Program on Medicinal Plants (NIRPROMP) sa University of the Philippines na may kakayahan ang sambong na paliitin at pigilan ang pagdami ng kidney stones sa mga pasyente. Kasama na din dito ang pagtulong sa pag-ihi ng mga mayroon namang edema nang walang side effect na dulot ng ibang gamot.
Kaya naman gumawa ang NIRPROMP ng herbal drug formulation mula sa dahon ng sambong sa anyong tabletas. Pahayag nila na ang sambong tablet ay “clinically-proven effective yet affordable, safe, and non-invasive alternative to expensive treatments for kidney stones and edema.”
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosNakagagamot ng high blood pressure
Dahil sa diuretic properties ng sambong, nababawasan ang sobrang sodium sa katawan na sanhi ng high blood pressure. Nasisipsip kasi ang sobrang sodium at sumasama sa pag-ihi.
Nakapipigil ng cancer
May higit na anim na uri ng flavonoids na taglay ang sambong. Kilala ang flavonoids bilang powerful antioxidants na pumupuksa sa free radicals na nagdudulot ng cancer cells.
Tunay na nakakahanga ang benepisyo ng sambong. Ang kagandahan pa nito, walang hatid na side effects ang halamang gamot. Gayonpaman, pairalin pa rin ang pag-iingat sa paggamit nito bilang gamot.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments