embed embed2
  • Bago Matapos Ang Taon: Isang Pasasalamat Sa Mga Miyembro Ng Smart Parenting Village

    Tunay nga ang kasabihang "It takes a village to raise a child."
    by Ana Gonzales .
Bago Matapos Ang Taon: Isang Pasasalamat Sa Mga Miyembro Ng Smart Parenting Village
PHOTO BY Shutterstock
  • Noong nagsimula ang aming Facebook group na Smart Parenting Village taong 2017, hindi namin inakalang lalaki ito sa mahigit 60,000 members na mayroon ito ngayon.

    Araw-araw, napakaraming nanay ang nagbabahagi ng kanilang mga kwento, nagtatanong tungkol sa mga hindi nila maintindihan, at nanghihingi ng payo tungkol sa mga bumabagabag sa kanila.

    Bagaman malimit na mga nanay ang makikita mong aktibo rito, nariyan pa rin ang mga tatay, tito, tita, lolo, at lola. Dito namin napatunayan na totoo pala talaga ang kasabihang "It takes a village to raise a child."

    Hindi man laging nagkakaunawaan dahil sa pagkakaiba ng paniniwala, parenting styles, at pangarap para sa mga bata, pinagbubuklod ng iisang layunin ang mga magulang sa Smart Parenting Village: ang makapagpalaki ng mga batang masasaya, malulusog, mabubuti sa kapwa, at may takot sa Diyos.

    Kaya naman bago matapos ang taong ito, gusto naming bigyan ng special mention ang mga miyembro ng Smart Parenting Village na walang sawang nagbabahagi ng payo, good vibes, at marami pang iba—hindi lang sa kapwa nila miyembro kundi pati na rin sa mga masugid na sumusubaybay sa Smart Parenting.

    Narito ang ilan sa mga miyembro ng Smart Parenting Village na gusto naming pasalamatan (in no particular order):

    Mommy Cherry Vi

    Mula sa mga nakakatawang moments tulad ng kakulitan ng kanyang mga anak, hanggang sa mga makabagbag damdaming posts niya tungkol sa kanyang special needs child, hindi nagsasawa si mommy Cherry na ibahagi ang kanyang kwento at opinyon sa mga kapwa niya nanay sa Village.

    Tamang halo lang ng hugot at katatawanan ang ibinabahagi niya na talaga namang relatable sa kahit sinong magulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilang beses na rin naming na-feature ang kanyang mga nakakatawa at kakaantig na larawan sa Smart Parenting Facebook at Instagram page.

    Mommy Pauline Edra

    Si mommy Pauline ang naging inspirasyon namin para sa Smart Parenting article na Mother-In-Law Love Stories: What Do You Cherish Most About Your Biyenan? I-click mo lang ito para basahin ang kwento.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ibinahagi niya kasi sa Village kung gaano ka-supportive sa kanya ang kanyang mother-in-law, kaya naman naisip naming tanungin ang iba pang mga nanay kung ano ang pinakamamahal nila sa mga biyenan nila.

    Marami ring nakakatawang posts si Mommy Pauline sa Village, tulad na lang ng hinikayat niya ang mga nanay sa Village na ibahagi ang kanilang ukay haul na inspired by Heart Evangelista.

    Mommy Rob Sagun

    Wala na sigurong mas nakakatawa pa kay Mommy Rob. Aminado ang aming Facebook group moderator na si Sara Palma na lagi talaga siyang napapatawa nito.

    Ngunit nakilala namin siya, hindi sa kanyang pagiging kwela, kundi sa napakagandang payo na ibinigay niya sa kanyang dalagitang anak.

    Ipinost niya ito sa Village at agad naman namin itong ibinahagi sa pamamagitan ng article na 'Ang Negra Ng Anak Mo!' Paano Magpalaki Ng Confident Na Bata Sa Mundong Mapanghusga. I-click mo lang ito para mabasa ang buong kwento.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang daming naka-relate sa sentimyento niya bilang ina na napakasakit nga namang marinig na pakiramdam ng anak mo ay pangit siya dahil sa kulay niya.

    Mommy Kryztl Chi

    Body positive at good vibes naman ang dala ni Mommy Kryztl. Malimit siyang mag-share ng mga nakakatawang memes at pictures, ngunit talagang tatatak sa iyo ang mga paalala niya tungkol sa pagmamahal sa iyong sarili at pagpapahalaga sa iyong katawan kahit pa nanay ka na.

    Ilang beses na rin naming na-feature ang kanyang mga posts sa aming social media pages dahil talagang nakakatawa ang mga ito.

    Mommy Alelly Hernane

    Bukod sa dami ng kwelang posts at magagandang istorya sa Village, marami ka ring matututunang hacks mula sa mga nanay na laging may DIY projects tulad ni mommy Alelly Hernane.

    Tinuruan niya kaming gumawa ng natural freshener gamit lang ang balat ng orange. Ibinahagi rin niya kung paano magsara ng cereal box para hindi kumunat ang laman.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ipinakita rin niya ang kanilang DIY sinehan sa bahay nang magsimula ang quarantine. Hindi nauubusan ng mga pwedeng gawin si mommy Alelly at lagi naman niyang ibinabahagi ito sa Village.

    Mommy Vicky Castle

    Body positive mommy din si Mommy Vicky at makikita mo iyan sa mga posts niya sa Village.

    Mula sa kanyang daring at napakagandang maternity shoot, hanggang sa kaniyang panganganak at breastfeeding journey, hindi nababawasan ang paghahasik ni mommy ng good vibes at iyong pagyakap at pagtanggap mo sa katawan mo ngayong nanay ka na.

    Daddy Joey Ong

    Siyempre, kung may mommies, may daddies din naman sa Village na gusto naming pasalamatan. Isa na riyan si Daddy Joey Ong.

    Noong nanganak ang asawa niya noong simula nitong pandemic, ibinahagi niya kung paano siya gumawa ng face shield para sa kanyang baby.

    Bukod dito, lagi siyang nagbabahagi sa Village ng kanyang journey sa pagpapalaki nila sa kanilang anak—mula sa pagtubo ng mga unang ngipin ni baby, hanggang sa mga moments na nakakatulog na siya sa playpen ng anak niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maraming salamat po! 

    Sana ay pwede naming ilista ang lahat ng mga members ng Smart Parenting Village na talaga namang walang sawang nagpapayo at nagpapagaan sa buhay ng mga kapwa nila magulang.

    Kulang na kulang ang isang article para pasalamatan kayong lahat, mga mommies at daddies.

    Kayo ang nagpalakas sa loob namin, at ng mga kapwa ninyo magulang, sa mga panahong walang kasiguraduhan ang maraming bagay at sa mga pagkakataong hindi tayo naiintindihan ng ating mga kapamilya.

    Ang Village ang naging takbuhan nating lahat kapag pakiramdam natin ay mahuhusgahan tayo sa labas.

    Iilan lamang ang mga magulang sa listahan na ito. Marami pa kayong naging dahilan ng pag-unlad ng Village. Marami pa kayong tumulong para maging ligtas na lugar ito para sa mga magulang.

    Salamat, mommies and daddies, sa isang taon ng mga nakakatawang larawan, kwelang videos, nakakaiyak na #SPConfessions, masasarap na baby food recipes, nakakabilib na hacks, effective tipid tips, at nakaka-inspire na DIY projects.

    Salamat, mommies and daddies, sa hindi pagbitiw nang sabay-sabay tayong sumabak sa homeschooling at work-from-home dahil sa pandemic.

    Salamat, mommies and daddies, sa mga recommendations ninyo at sa mga links ninyo para may mai-add to cart tayo tuwing may online sale.

    Salamat, mommies and daddies! Laban ulit sa 2021! Excited na ba kayo sa mga bagong kwento at kakulitan?

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles