embed embed2
Normal Ba Sa Buntis Ang Pananakit Ng Tiyan? 8 Senyales Na Dapat Komunsulta Na Sa Doktor
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag ikaw ay buntis, may mga pagkakataong mahirap tukuyin ang ipinagkaiba ng pananakit ng tiyan, na masasabing normal discomfort lamang, kumpara sa pananakit ng tiyan na humihingi ng agarang medical attention. Kaya ang madalas na tanong, lalo na kung nagdadalang-tao sa unang pagkakataon: normal ba sa buntis ang pananakit ng tiyan?

    Ang pananakit ng tiyan, partikular ang lower abdominal pain, ay karaniwang nararanasan sa pagitan ng 18 weeks at 24 weeks ng iyong pregnancy. Sa panahong ito, patuloy na lumalaki ang iyong uterus, na humihila naman sa muscles na sumusuporta rito.

    Maaaring makaramdam ka ng matinding pananakit o ng mild pulling sensation. Madalas mo rin itong mararanasan kapag umuubo, humahatsing, tumatayo, umuupo, o nagro-roll over ka, at maging sa pakikipagtalik maaari kang makaramdam ng pananakit ng tiyan.

    Kung mild lamang ang sakit, hindi ka dapat mag-alala. Madalas na nawawala rin ito kapag nagbago ka ng posisyon sa pag-upo o paghiga, kapag ikaw ay nagpapahinga, o pagkatapos mong dumumi o umutot. Karaniwan din ang pananakit ng tiyan kapag buntis dulot ng mga pagbabago sa iyong katawan, ayon sa Stanford Children's Health. Mahalagang ipaalam sa iyong doktor kung may masakit din sa iyong upper abdomen.

    Mga dahilan ng pananakit ng tiyan

    Habang dumaraan sa napakaraming pagbabago ang iyong katawan, lumalaki rin ang baby sa loob ng iyong matris. Mas nagiging mabigat na rin ang tiyan mo. Dahil dito, talagang magkakaroon ng mga sandaling hindi ka komportable dahil masakit ang tiyan ng buntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero normal ba sa buntis ang pananakit ng tiyan? Oo, sabi ng mga eksperto, dahil ang iba mong organs ay matutulak palayo sa orihinal nilang posisyon kaya nakararamdam ka ng ilang karaniwang sanhi ng abdominal pain, ayon sa United Kingdom National Health Service (NHS). Ilan sa mga ito ang sumusunod:

    Digestive problems

    Sa second trimester at third trimester, higit na nagkakaroon ng pressure sa iyong tiyan at intestines dulot ng paglaki ng iyong baby. Dahil dito, karaniwang makararanas ka ng digestive pain na nagdudulot ng gas, bloating, at constipation.

    Kung mapapansin mong sumasakit ang tiyan kapag kumakain ka, makatutulong ang pag-inom ng mas maraming tubig at pagdagdag ng fiber sa iyong diet.

    Strained muscles

    Nasa 25 hanggang 35 pounds ang dagdag na timbang sa mga nagbubuntis. Malaking tulong ito upang masuportahan ang bigat ng baby. Kung iko-combine ang pagbigat ng timbang sa mga epekto ng hormones sa iyong muscles at ligaments, talagang magreresulta ito sa strained muscles sa iyong likod, tagiliran, at tiyan. Dahil dito, makararamdam ka ng pamamaga sa area ng pulled muscle.

    Cramps

    Ang pag-stretch ng uterus o matris ang nagdudulot ng cramping kahit walang dalaw o menstrual periods. Madalas na nawawala lamang ito ngunit ang cramping sa panahon ng pagbubuntis ay katulad din ng pananakit ng puson dulot ng menstrual cramps.

    Bandang second trimester karaniwang nagdudulot ng cramping ang round ligament pain, ayon sa Cleveland Clinic. Maaaring makapagbigay sa iyo ng ginhawa ang sapat na pahinga at yoga.

    Ilang home remedies para sa cramping:

    • Dalasan ang pag-inom ng tubig
    • Sumubok ng relaxation exercises
    • Maligo gamit ang maligamgam na tubig
    • Umupo, humiga, o magpalit ng posisyon
    • Gumamit ng hot water bottle na binalot sa tuwalya at ipatong ito sa bahaging sumasakit
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Braxton Hicks contractions

    Posibleng mag-”practice” ang katawan ng buntis para sa tunay na labor gamit ang Braxton Hicks contractions, na kilala rin bilang “false labor” pains. Madalas na malakas ito sa umpisa at pahina nang pahina. Irregular din ang mga ito at mas mild kumpara sa totoong labor sa oras ng panganganak. Posible ring maging  uncomfortable o sobrang sakit ng contractions na ito  para sa iyo, ngunit tumitigil at nawawala rin kapag gumalaw-galaw ka o nagpapalit ng posisyon.

    Ang iba pang mga posibleng dahilan tulad ng ectopic pregnancy at miscarriage ay nangangailangan ng mabilis at wastong pangangalaga mula sa iyong healthcare provider.

    Nangyayari ang ectopic pregnancy kapag ang fertilized egg ay nasa labas ng uterus. Maaari itong magdulot ng napakasakit na cramping at itinuturing itong serious medical condition na dapat ikunsulta sa iyong doktor. Samantala, sintomas ng miscarriage ang vaginal spotting na may mild o matinding pananakit ng tiyan.

    Kasama na rin sa posibleng mga sanhi ng pananakit ng tiyan ang preeclampsia, preterm labor risk factors, at placental abruption.

    Kailan dapat komunsulta sa doktor

    May pananakit ng tiyan habang buntis na normal lamang ang sanhi tulad ng ligament pain (tinatawag ding "growing pains" dahil sa pag-stretch ng ligaments upang masuportahan ang lumalaki mong tiyan o "bump") dahil harmless naman ito. Ilan pa rito ang constipation at trapped wind.

    Kung sumasakit ang tiyan, bantayan din ang sumusunod upang malaman kung dapat nang magtungo sa ospital o tumawag sa midwife at doktor:

    • Pagkahilo
    • Pleeding o spotting
    • Gastrointestinal symptoms
    • Regular cramping o tightenings
    • Mahapdi o kumikirot kapag umiihi
    • Pananakit ng likod, lalo na sa ibabang bahagi nito
    • Lower abdominal pain na may kasamang contractions
    • Cramping, na sinasabayan ng pananakit ng balikat at/o leeg
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan pa sa warning signs ang vaginal bleeding at pananakit ng tiyan na hindi naiibsan ng pahinga. Kung tumatagal ito nang higit sa isang oras at mayroong matinding kirot sa isang bahagi lamang ng tiyan na tumatagal nang higit sa ilang minuto, posibleng mayroon ding mga seryosong kondisyon na maaaring sanhi ng pananakit at dapat na ikonsulta agad sa doktor. (Basahin din dito ang iba pang warning signs para sa mga nagdadalantao.)

    Kaya normal ba sa buntis ang pananakit ng tiyan? Oo, ngunit paalala ng mga eksperto na kailangang mag-doble ingat sa bawat hakbang na gagawin at sa bawat sintomas na mararanasan. Mainam din na huwag balewalain ang pananakit ng anomang bahagi ng katawan. Mayroon ding mga pagkakataong senyales o sintomas ng iba pang pregnancy complications ang pananakit ng tiyan kung kaya’t laging mahalaga ang pagpapatingin at paghingi ng payo sa mga doktor.

    Paano malalaman kung malapit ka nang manganak? Basahin dito para sa signs of labor.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles